Chapter 11

294 6 1
                                    

ILANG linggo na rin ang lumipas. Pagsapit ng buwan ng Hunyo, may isang malaking sorpresang dumating kay Wanda.

"Bisita kong lalaki?" ulit niya. "May dala pang roses and balloons 'kamo?"

Tumango si Millie, kinikilig. "Oo, Ate, kaya dalian mo na!"

Nang lumabas siya sa sala, hindi niya agad nakilala ang bisitang tinutukoy ng kapatid. Nang makita ang malaking balat sa gilid ng leeg nito, saka pa lang siya napatili sa galak.

"Derek!"

Biglang lumuwang ang pagkakangiti ng lalaki. "Wanda.. "

Sinugod niya ito ng yakap. And before she knew it, nasiil na siya nito ng halik sa mga labi.

NAPATDA si Abe sa nasaksihan.

Nakapasok na siya sa mababang gate ng tahanan ng mga Gorres nang matanaw niya ang eksena sa loob ng bahay.

Natigilan siya sa paglalakad. Napahigpit ang pagkakahawak niya sa mga dalang bulaklak.

"Oh, God. ." bulong niya sa pinanghihinaan ng tuhod.

Nakuyumos niyang tuluyan ang dalang rosas, hindi alintana ang mga tinik na bumabaon sa kanyang mga palad.

Tumalikod siya at saka naglalatang ang dibdib na inihagis ang kinuyumos na bulaklak sa isang bahagi ng hardin. Nagtatagis ang mga bagang, hindi niya napansin na gumigilid na siya sa paglalakad.

Natisod niya ang isang paso at bumangga iyon sa katabi pang paso.

Pabalya niyang isinara ang pinto ng gate at mabilis na sumakay sa kotse. Matulin iyong pinaharurot. Samantala, pira-­‐‑pirasong naiwan ang dalawang nabasag na paso.

"WHAT was that?"

Natatawang kumalas sa kanya si Derek. "A kiss, I guess."

Umiling si Wanda. "No. . sa labas. Parang may nagbagsak sa gate, tapos may humarurot na sasakyan."

Tumawa ang lalaki. "Cars do that sometimes."

"Slam the gate?" nakataas ang kilay na sabi ni Wanda.

"No zoom."

Ngumiwi na lang siya, saka naalala ang halik nito. Hinalikan siya ng loko! Sa lips.

Kinapa ni Wanda ang sariling damdamin. Walang hundreds of butterflies na nagso-­‐‑somersault sa kanyang tiyan. Walang shiver sa kanyang spine. In short, walang thrill. Walang feeling. Bigla tuloy niyang naisip si Abe.

Bakit gano'n? sa loob-­‐‑loob niya. Bakit kapag si Abe ang humahalik sa akin, parang mawawalan ako ng bait? Because I love him and Derek doesn't mean anything to me. Biglang-­‐‑bigla ay na-­‐‑miss niya nang todo si Abe.

"ANO 'KAMO?" bulalas ni Norman.

"Ano ka ba, ang ingay mo.. " sansala ni Wanda sa kaibigan habang lumilinga sa paligid. Nasa isang class na restaurant sila, nagdi-­‐‑dinner.

"God, shock me, shock me, ha?" sabi ni Norman sa naeeskandalong tinig. "After what— fourteen years—susulpot na lang siyang bigla— walang kaabog-­‐‑abog!—para lang mag-­‐‑propose sa 'yo ng kasal? To fulfill his promise, gano'n?"

"Correction," natatawang sabi niya. "To fulfill his destiny. Iyon ang sabi ng mokong."

"Ano siya, hilo?"

"And weird, 'no."

"Ay, weird nga. Sayang, ang guwapo pa naman niya."

"Oo nga," natatawang sabi niya. "Kamukha pa naman sana niya si Brendan Fraser, 'no?"

Bawal Mo Siyang Mahalin - CamillaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon