Epilogue

627 18 1
                                    

"ANAK, may bisita ka..."

Mula sa harap ng salamin, nilingon ni Wanda ang ama. "Sino, Pa?"

Wala siyang ine-expect na bisita, maliban na lang kay Norman na pasulpot-sulpot lang kung dumating.

Makahulugang ngumiti sa kanya ang ama. "Si Valentino..."

Napakunot-noo siya. "Valentino? Wala akong kilalang Valentino..."

"Basta," anang matanda. "Lumabas ka na't baka mainip iyon sa paghihintay sa 'yo. Sige ka, ikaw rin."

Itinuloy muna ni Wanda ang pagsusuklay ng buhok bago tuluyang lumabas ng silid.

Pagbaba niya sa sala, daig pa niya ang natuklaw ng ahas pagkakita sa bisitang tinutukoy ng ama.

"Abe...!" bulalas niya. "What are you doing here?"

Alanganing ngumiti ang binata.

"I thought you were in the States!"

"Obvious ba," sabad ni Millie na nakaupo sa katabing silyang inuupuan ni Abe. "Nandito na siya sa 'Pinas, 'no?"

Mula sa sulok ng mga mata, nakita niyang sinenyasan ng kanyang mama ang dalawang kapatid na sundan itong paakyat sa hagdan.

Nagdadabog na sumunod ang dalawa.

Nakatawa namang hinabol ni Abe ng tingin ang mga ito.

Si Wanda ay nanatili sa pagkakatayo sa kinaroroonan, halos hindi pa rin maka-recover sa shock na dulot ng walang kaabog-abog na pagsulpot ni Abe sa kanilang tahanan. Hindi siya makapaniwalang kaharap na niya ngayon ang binata.

"This isn't my home pero... please have a seat," nakatawang untag ni Abe.

Saka pa lang siya naupo sa kaharap na sofa.

"A-akala ko, sa Amerika ka n-na mag-i-stay f-for good..."

"I tried to give you the impression para pasakitan ka sa pagbo-boyfriend mo gayong..."

Bumuntong-hininga ito. "Anyway, I just visited Collin sa States and when I get back, a surprise was awaiting for me."

May kinuha si Abe sa likuran nito at saka iyon iniabot sa kanya. Gusto niyang matunaw sa boyish na ngiti nito.

"F-flowers?" tanong ni Wanda.

Tumango ito. "Pasensiya ka na, 'yan lang ang dala ko sa 'yo right now. Nagmamadali kasi akong pumarito after I had a talk with Norman."

Nanatiling tahimik na nakaupo si Wanda, nao-overwhelm sa konotasyong kaakibat ng mga bulaklak.

"Pero may pasalubong ako sa 'yo, nasa maleta pa lang," pagpapatuloy ng binata. "Pati sa mga kapatid mo, saka sa papa mo. Bumili rin ako ng pots para sa mama mo, kapalit ba no'ng mga pasong nabasag ko."

Kunot-noong napatingin siya rito. "Nabasag?"

Tumango si Abe, nakangisi. "'Yong dalawang paso sa labas... ako'ng nakabasag n'on. Don't worry, nai-confess ko na 'yon sa mama mo and she just laughed at me. Inis na inis nga sa akin si Penny dahil siya pala ang napagbintangan."

Napailing-iling si Wanda, nais humingi ng mas klarong paliwanag; ngunit hindi naman niya maisatinig ang demand. Natatakot siyang mag-stammer kapag nagsalita siya.

"I was going to ask you that night," pagkukuwento naman ni Abe. "Nasa loob na ako ng bakod when I saw you and that guy... kissing."

Rumehistro ang pagkagulat sa kanyang mukha.

"You were here when Derek...?"

"Kissed you?" dugtong ni Abe sa tila nasasaktang tinig. "Oh, yes. I was... and I'd seen enough to make me suffer a lifetime."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 08 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bawal Mo Siyang Mahalin - CamillaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon