Chapter 8

274 6 2
                                    

NASASAKTAN na si Wanda sa trato ni Abe sa kanya mula nang dumating sina Norman. Dama niya, iniiwasan siya nito.

Napu-­‐‑frustrate na naman siya. Kung minsan tuloy, dahil sa sobrang depression, natutukso na siyang ipagtapat kay Norman ang "namamagitan" sa kanila ni Abe; ang damdamin niya para sa binata. Para man lang lumuwag kahit kaunti ang kanyang pakiramdam. Pakiramdam kasi niya ay sakal na sakal na siya dahil sa ginagawang pagsikil sa damdamin.

Si Norman lang naman ang hadlang, naisip niya. Ang alam kasi ni Abe ay nobya siya ng pamangkin nito kung kaya't kusa itong dumidistansiya sa kanya.

Sa pagkakahiga niya sa kama habang nagngingitngit dahil sa frustration, nakapagpasya siya na it's the moment of truth para sa kanilang dalawa ni Abe.

It's now or never.

Bumalikwas siya ng bangon at mabilis na lumabas ng silid. Dumeretso siya sa silid ng binata at walang katok-­‐‑katok na binuksan ang pinto niyon.

Nadismaya siya nang madatnang wala ang binata roon.

Napatingin si Wanda sa suot na wristwatch. Alas-­‐‑dos y media. Tamang-­‐‑tamang oras ng afternoon nap ng lalaki. Pero nasaan ito?

Papalabas na sana siya ng silid nang bigla siyang matigilan. May nahagip ang kanyang tingin. Nilapitan niya ang kulay-­‐‑sepia sa kalumaang larawan sa may gawing itaas ng kama.

Sino kaya ito? Ang ganda-­‐‑ganda. Classical beauty.

Natitiyak niyang may dugong kanluranin ang babae sa malaking portrait.

Unti-­‐‑unti siyang napakunot-­‐‑noo sa pagkakatitig sa larawan. Parang nahihigop siya, name-­‐‑mesmerize ng magagandang mata ng babae. Tila ba may isang nakakakiliting sekreto sa likod ng ngiting iyon. Dahan-­‐‑dahan siyang naupo sa ibabaw ng kama na may striped black and white sheet. Kinuha niya ang isang unan at niyakap iyon habang ang mga mata ay nakikipagtitigan sa magandang babae sa larawan.

"God, she's beautiful. ." usal niya.

"Isn't she?"

Kamuntik na siyang mapalundag nang marinig ang tinig.

Si Abe!

Nakapamaywang ito sa pintuan. "Ano'ng ginagawa mo rito, young lady?"

Napipi si Wanda. Narinig na lamang niya ang marahang pagpinid ng pinto. Nakapamaywang pa rin, nilapitan siya ng lalaki.

"I said, what are you doing here?" ulit nito.

"W-­‐‑wala. ." nakatungong tugon niya. "G-­‐‑gusto ko lang pagmasdan ang picture na 'yan.. "

"Bakit ka pumasok sa kuwarto ko without my permission?"

Hindi siya sumagot.

"Snooping around, young lady?"

Napairap siya at saka umiling.

"Okay, okay!" Nagbuntong-­‐‑hininga siya. "I wanted to talk to you about something."

Itinaas ni Abe sa isang kilay. "And what could that be?"

"A-­‐‑about Norman. . a-­‐‑and me."

Hindi ito nagsalita. Nanatili ito sa pagkakatayo sa harap niya, naghihintay sa susunod niyang sasabihin.

Naupo siyang muli bago ipinagpatuloy ang pagsasalita. Humingi siya ng suporta mula sa unan ni Abe, niyakap iyon.

"It's not what you think it is, Abe.. "

Napahalukipkip ito, bahagyang nakakunot-­‐‑noo. "What is not what I think it is, Wanda?"

Bawal Mo Siyang Mahalin - CamillaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon