Chapter 6

243 9 2
                                    

TULUYAN nang nanlambot si Wanda. Ibinagsak niya ang kanyang bigat sa dibdib ni Abe. Napahiga ito. "Wanda. ."

Patuloy pa rin ang pagdaloy ng masaganang luha sa kanyang mga mata nang ngitian niya ito. Nagkatitigan sila. Mayamaya ay muling naghinang ang kanilang mga labi. Hanggang sa mamalayan na lang ni Wanda na siya na ang nasa ilalim. Nakataas ang kanyang blouse habang ang bra ay muling natanggal sa pagkaka-­‐‑hook. Nakasubsob sa kanyang mga dibdib ang mukha ni Abe. Napangiti siya nang maramdaman ang pagkagat nito sa dulo ng kanyang isang dibdib. Ngiting agad ding napawi nang marinig ang bulalas nito.

"Damn!" Bigla itong bumalikwas ng bangon. "Oh, God, this is crazy!"

Nakaawang pa rin ang bibig niya sa pagtataka hanggang sa lumabas si Abe at padabog na ibagsak ang pinto ng silid.

ANG MGA sumunod na araw ay naging mahirap para kay Wanda. As much as possible ay ayaw niyang makita si Abe, ngunit imposible namang mangyari iyon. Palagi itong nasa villa. Kadalasan pa nga ay ito ang companion ni Collin.

Pagkatapos ng insidenteng iyon sa loob ng kanyang silid, hindi na sila muling nagkausap ng binata. Nagkakaharap lang sila kapag meal time. Napu-­‐‑frustrate siya, naiinis, dahil kibuin-­‐‑dili siya nito. Napag-­‐‑isip-­‐‑isip niya, makabubuti sigurong umuwi na siya sa kanila pagbalik nila sa Maynila sa makalawa. To hell with this job, wala rin naman siyang nakukuhang satisfaction mula rito. Uncooperative pa rin si Collin.

At heto nga silang dalawa ni Abe.

NAGULAT si Wanda nang mabungaran sa labas ng kanyang silid si Abe. Kasalukuyan siyang nag-­‐‑eempake ng kanyang personal na gamit nang marinig ang pagkatok ng lalaki.

"Mag-­‐‑unpack ka ulit," sabi nito. "Hindi pa tayo aalis tomorrow."

Napamaang siya rito. "And why not?"

"Norman just called. Napaaga ang dating ng parents niya at pupunta raw dito bukas."

Napasimangot si Wanda at saka pabagsak na naupo sa gilid ng kama. "Pero gusto ko nang umuwi..."

"Hindi ka man lang ba excited na ma-­‐‑meet ang future parents-­‐‑in-­‐‑law mo?" seryosong tanong nito.

Tinapunan niya ito ng masamang tingin. "I just wanna go home, okay?"

"You can't. Your sisters are coming with Norman," kaswal na wika ni Abe.

"My God..." Napu-­‐‑frustrate siyang bumuntong-­‐‑hininga. "If I were you, mag-­‐‑a-­‐‑unpack na ako," sabi ni Abe. "I have an appointment this afternoon, ikaw na ang bahala kay Collin."

SAAN kaya nagpunta ang lalaking iyon?

Mag-­‐‑a-­‐‑alas-­‐‑sais na ay wala pa si Abe. Kanina pa inip na inip si Wanda sa paghihintay rito. It's weird, aniya sa sarili. Mahigit anim na oras pa lamang niyang hindi nakikita ang lalaki ay miss na miss na niya ito. Napailing siya sa sarili. Wala, naisip niya, hopelessly in love na nga yata ako talaga sa bruhong iyon. Considering na mahigit one week pa lang silang magkakilala.

"Oh God," mahinang bulong niya.

Naisipan niyang magtungo sa silid ni Collin. Dinala niya ang kanyang baong CD ng Spice Girls sa kuwarto ng bata. Naisipan niyang mag-­‐‑relax kaysa ma-­‐‑torture sa labis na pagkainip sa paghihintay kay Abe. Nadatnan niyang tahimik na nagdu-­‐‑draw ng larawan ng isang kotse ang autistic child sa isang malapad na cartolina na kulay-­‐‑murang asul. Parang wala itong narinig nang isalang niya ang CD sa stereo nito gayong kay lakas ng volume niyon.

Hinayaan niyang nakabukas ang pinto ng silid upang hindi makulong ang tunog ng stereo sa loob ng kuwarto. Agad siyang napaindak nang pumailanlang ang isang maharot na awitin ng all-­‐‑female British pop group. Beinte-­‐‑tres anyos na si Wanda pero ang hilig niya ay iyong magagaslaw na dance music. Funny, pero isa siya sa milyon-­‐‑milyong tagahanga ng Spice Girls. Dahil palagi siyang nakakapanood ng MTV sa cable TV, pamilyar siya sa mga sayaw ng grupo, partikular na ang kantang pumapailanlang sa kasalukuyan. Tuluyan na nga siyang nalibang sa saliw ng musikang iyon. Si Collin naman ay patuloy sa pagguhit, walang pakialam kahit makabasag-­‐‑eardrum ang musika sa paligid.

"If you can't dance, if you can't dance." Sumasabay na rin siya sa pag-­‐‑awit habang patuloy sa pag-­‐‑indayog ang kanyang katawan. "If you can't dance you can do nothing for me, baby.. "

Mula sa asotea, tanaw na tanaw ni Abe ang pagsasayaw ni Wanda mula sa bintana ng silid ng kanyang pamangkin. Kapapasok pa lamang niya sa villa nang salubungin siya ng malakas at maharot na tugtugin. Pag-akyat niya upang bisitahin ang pamangkin, bumungad sa kanya ang nakahahalinang tanawin - ang magandang dalagang nagpe-perform ng isang youthful dance. Like a breath of fresh air, buntunghininga niya. So amusing and bewitching.

Nakapangalumbaba siya habang fascinated na nanonood sa dalagang walang kamalay-malay sa kanyang pagmamasid. May isang ngiting hindi mabura sa kanyang mga labi.

Matagal siyang nanatili sa gayong posisyon hanggang sa makita niyang hapong-hapo na si Wanda sa pagsasayaw. Saglit itong nawala sa abot ng kanyang paningin. Pagsulpot nitong muli, wala na ang tugtog.

Kumilos siya at tinungo na ang silid ng pamangkin. Eksakto namang palabas na si Wanda. Kitang-kita niya ang pagkagulat sa mukha nito pagkakita sa kanya.

"K-Kanina ka pa diyan?"

Nakangising tumango si Abe.

Biglang nakaramdam ng pagka-conscious si Wanda. Napatungo siya at saka napapangiting kinagat ang labi. He saw me dancing like the creep that I am.

"Ang galing mo palang sumayaw, ha?" tudyo nito.

Nangingiti, inirapan niya ito. "Tse!"

"Hmm... spicy!"

Tuluyan na siyang napangiti. "I looked like a jerk, I know."

"You jerk brilliantly," biro ni Abe.

Tinawanan niya iyon.

Mayamaya ay mataman siyang tinitigan ng binata. Pakiramdam niya ay bigla siyang nag-blush. Kinagat niya ang labi at saka pilit na ngumiti.

"You delight me..." Marahan nitong pinisil ang kanyang baba.

Nakipagtitigan siya rito. Hindi siya tuminag kahit nang unti-unting mabura ang pag-aalangan sa mga mata nito, kahit nang unti-unting maglapit ang kanilang mga mukha.

Gaya nang nakaraang pagtatagpo ng kanilang mga labi, hindi nagpakipot si Wanda. Ginantihan niya ang halik ng binata at pinagsalikop ang mga kamay sa batok nito.

Ikinawit niya ang mga braso sa leeg at batok ni Abe nang kargahin siya nito. Ang unang pumasok sa kanyang isip, dadalhin siya nito sa kanyang silid. Hindi pala. Sa silya lamang pala na nasa isang sulok ng asotea.

Hindi siya bumibitiw sa pagkakayakap sa batok nito kahit nang kandungin siya ng lalaki. Bagama't laganap na ang dilim, nababanaag niya ang satisfaction sa mga mata ni Abe habang magkapiling sila sa ganoong posisyon.

Lord, sana ganito na lang kami palagi.

"Dear Lord," bulong nito sa kanyang tainga.

"We're doing a terrible mistake."

Nginitian niya ito at saka masuyong iniumpog ang kanyang noo sa noo nito.

"No, we're not," ganting-­‐‑bulong ni Wanda.

"We're gonna be just fine, I promise.. "

Napapailing na ngumiti na rin ang binata.

Nanatili sila sa ganoong posisyon hanggang sa marinig nila ang pagtawag sa kanila ni Nanay Ising.

Maghahapunan na raw sila.

Naunang kumalas si Abe. Nakangiwi namang hinabol ng yakap ni Wanda ang lalaki.

"Mamaya na lang tayo mag-­‐‑dinner, please?" ungot niya.

Natatawang inilayo nito ang katawan sa mapang-­‐‑akit na mga bisig niya.

"Sige na," anito. "Mauna ka na. I'll get Collin at sabay na lang kami."

Wala na siyang nagawa kundi tuluyang kumawala. Nasa hagdanan na si Wanda nang matigilan siya sa paghakbang. Hindi niya nalabanan ang impulse na lingunin si Abe.

Napangiti siya nang makitang nakatingin pa rin ito sa kanya.

"Ano na naman?" natatawang tanong nito nang muli niyang lapitan.

Hindi niya iyon sinagot, sa halip ay mabilis niyang ikinawit ang dalawang braso sa batok nito at saka mariin itong siniil ng halik sa bibig.

"Appetizer," nakangisi niyang wika bago tuluyang lumayo.

At humahagikgik na bumaba na siya ng hagdanan.

Bawal Mo Siyang Mahalin - CamillaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon