Chapter 13

319 8 1
                                    

KUNG minsan, nami-miss din naman ni Wanda si Derek. Tulad ngayong weekend, wala siyang gimmick. Nabuburo siya sa bahay.

Mahigit dalawang linggo nang nakakaalis ang kababata pabalik sa Amerika. Hanggang ngayon, hindi pa ito tumatawag sa kanya. She doubt kung makakabalita pa siya mula rito.

Hindi pinagsisisihan ang ginawang pambabasted sa lalaki. Hindi talaga niya kayang pilitin ang sariling pakisamahan ito gayong ibang pangalan ang ibinubulong ng kanyang puso. Pangalang ayon kay Norman ay wala na sa Pilipinas. Halos kasunod ni Derek, umalis din si Abe papuntang Amerika.

She's going to miss him but it's not the end of the world. Unti-unti, sinikap niyang ibalik sa normal ang kanyang buhay. Most of the time, she succeeded. But during those times na matindi ang dalaw ng alaala ni Abe sa kanyang gunita, para pa rin siyang mababaliw sa labis na pangungulila.

NANG malaman ni Norman na babalik na sa bansa si Abe, labis ang tuwang nadama niya. Finally, naisaloob niya, maa-accomplish din niya ang misyon.

Bawal Mo Siyang Mahalin - CamillaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon