Chapter 9

274 7 1
                                    

"HI.. YOU must be Wanda."

Alanganing nakangiti at nakakunot-­‐‑noo si Wanda nang magtaas ng tingin sa may-­‐‑ari ng tinig. Kasalukuyan silang magkasamang nag-­‐‑i-­‐‑sketch ni Collin sa bahay-­‐‑kubo sa tabi ng pool nang hapong iyon habang sina Norman, Millie at Penny ay nagkakasayahan sa pagsu-­‐‑swimming.

"Yes. .?" aniya, nagtataka.

Lumuwang ang pagkakangiti ng kaharap na babae na tinataya niyang ang edad ay hindi lalampas sa thirty-­‐‑five. Matangkad ito at maganda. Gandang lalong pinatingkad ng maputi at makinis na kutis.

"Oh, siyanga pala," anitong inilahad sa harap niya ang kanang palad. "I'm Doctor Ocampo. Kababata ko si Abe."

Tinanggap ni Wanda ang pakikipagkamay nito.

Mula sa pool ay narinig niya ang sigaw ni Norman. "Jen, join us!"

Nanlaki ang mga mata ni Wanda at saka muling binalingan ang kaharap na babae.

"Oh, you're Jennifer!"

"Yes, I am," nakangiting tugon ng babae. "I was here last Friday. You weren't feeling well daw that night so we didn't get to meet."

Tumango-­‐‑tango siya. "Well, I had a mild headache kaya I went to bed early."

"Jen!" tawag muli ni Norman.

"Later, Norm," malakas na sagot ni Jennifer. "I'm still talking to Wanda here!"

Hindi na sumagot si Norman. Bigla itong nag-­‐‑dive sa pool. Naghiyawan sina Millie at Penny.

"Sisters mo?" tanong ni Jennifer.

Tumango siya.

"Adorable ones," nakangiting wika nito.

Nginitian niya ito at nasorpresa siya sa sarili. Wala ang inaasahan niyang pagkainis dito.

She's not what I expected her to be, naisaloob ni Wanda.

"Well," mayamaya ay wika nito habang hinahaplos-­‐‑haplos ang ulo ni Collin. "Abe and I met this afternoon, sa Lucena. He'll be home late tonight. Pupunta pa raw kasi sa Pagbilao, eh."

Tumango siya. Pinigil niyang mapaismid dahil sa nabubuhay na namang damdamin ng pagkainis towards Abe.

"Nakita mo na sa picture si Beata?"

"Beata?"

"Beata Bermudez. Iyong yumaong ina ni Abe. ."

Matipid siyang umiling.

"Ay, sayang! Sana'y nakita mo na ang laki ng physical resemblance n'yo sa isa't isa!"

"May nakita akong lumang portrait ng babae sa loob ng room ni Abe. ." Bigla siyang natigilan, saka napapahiyang tumungo. Baka kung ano ang isipin ni Jennifer... Pero agad niyang binura sa isip ang ideyang iyon. "Pero hindi ko alam kung sino 'yon. Hindi siguro si Beata Bermudez dahil hindi ko naman kamukha."

Dinugtungan niya iyon ng isang mahinang tawa.

"Walang resemblance whatsoever. Masyadong mestiza 'yong babae sa portrait."

"It must be Guadalupe. Abe's grandmother. She was also very pretty, 'no? Spanish 'yon."

Tumango-­‐‑tango si Wanda, saka muling binalingan ang pag-­‐‑i-­‐‑sketch. "That explains Abe's Castillian features, then."

"Yep."

Nakita niyang hinalikan ni Jennifer sa noo si Collin na tahimik lang na gumuguhit.

"You know, Abe's very fond of you," mayamaya ay sabi nito. "Palagi ka niyang ikinukuwento sa akin."

Bawal Mo Siyang Mahalin - CamillaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon