Chapter 7

260 9 1
                                    

HINDI sigurado si Wanda kung ano ang sinabi ni Norman sa mga magulang nito, ngunit natitiyak niyang hindi iyon maganda. Hindi pabor sa kanya.

"You are really pretty," magiliw na wika sa kanya ng ina ni Norman. Binalingan nito si Abe na nagmamasid sa kanila. "I like her, Abe. What do you think? This is the first time Norman ever introduced a girl to me, and well, I can say na mataas ang taste ng anak ko!"

Kaswal na ngumiti lang ang binata, hindi nagsalita.

Pagkatapos nilang magkuwentuhan, nagyaya si Norman na mag-­‐‑picnic sa tabing-­‐‑ilog. Siyempre pa, dahil sabik sa buhay-­‐‑probinsiya, mabilis pa sa kidlat na nagsipaggayakan sina Millie at Penny.

"Mom, wanna come with us?" tanong ni Norman sa ina.

Umiling ang ginang. "Magpapahinga na lang muna kami ng daddy mo, hijo."

"Okay."

Binalingan ni Norman sina Wanda at Abe.

"How about you two, gusto n'yong sumama?"

Palihim na sinulyapan ni Wanda si Abe.

Nakatingin lang ito sa kanya, blangko ang ekspresyon sa mukha.

"Si Wanda na lang," tila walang ganang tugon ni Abe. I'll look after Collin while you're gone. ."

"Tara na, Ate," sabi ni Penny sa kanya.

"Uubusin natin ang ipinagmamalaking mangga ni Uncle Abe sa orchard!"

Wala na siyang nagawa kundi pagbigyan ang dalawang kapatid kahit mas gusto sana niyang magpaiwan na lang sa villa, kapiling ni Abe.

Oh, Abe.

Panay ang kanyang bulong at buntong-­‐‑hininga habang nagsusuot ng sneakers sa kanyang silid.

Hindi pa man sila nakakalabas ng villa, nami-­‐‑miss na niya ito.

Positibo na siya ngayon: umiibig na nga siya kay Abe.

At gusto niya nang mapangiti sa ideyang iyon.

"Well," aniya habang nakatingin sa sariling repleksiyon sa salamin, "it doesn't sound so horrible naman pala, eh."

At least, dama niya na kahit paano ay may pagtingin din sa kanya si Abe. Hindi ba't ipinahihiwatig iyon ng mga halik nito? Nang mga yakap?

Kinikilig pa si Wanda nang salubungin siya ng akbay ni Norman nang makababa ng hagdanan.

"Let's go," anito.

Iniyakap din niya ang isang braso sa baywang nito at magkasabay silang lumabas ng villa.

Kinarga pa siya nito pasakay sa sasakyan.

Pagsakay nila sa Wrangler jeep na siyang service car patungo sa farm, wala siyang kaalam-­‐‑alam na sa asotea ay nagtatagis ang mga bagang ni Abe habang napapanood ang eksenang iyon.

Bawal Mo Siyang Mahalin - CamillaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon