-Mikaila-"LOLA!!" pasigaw kong tinatakbo ang daan papunta sa kwarto ng aking lola.
"Oh, Napano ka kaikai at bakit ka nagsisisigaw riyan"takang tanong niya at lumapit saakin.
"Lola natanggap po ako sa university na inuplayan ko!!!" tatalon talon kong hinawakan ang kamay ni lola, napangiti naman siya sa binalita ko.
"Mabuting balita yan apo. Makakapag kolehiyo ka na ng wala tayong binabayaran" nakangiti niyang saad sa akin na lalo kong ikinangiti.
"Tama po kayo diyan Lola. Kailangan ko lang hong imaintain lahat ng marka ko" masaya kong sabi sakanya. Pinaupo niya muna ako sa kanyang kama habang hawak hawak ang aking mga kamay.
"Alam kong gusto mo talaga ang makapag kolehiyo apo. Bago ka pa man makagraduate ng highschool ay inasikaso mo na iyan. Masaya ako para sa iyo" nakangiti nitong sabi saakin. Okay lang naman talaga saakin kahit senior high lang ang matapos ko, pero syempre mas magandang opportunity parin ang matatanggap ko kung matatapos ko ang kolehiyo.
"Salamat Lola. Para sayo rin naman po ito kaya po ako nagbakasakaling makapasok sa university na ito kahit hindi ako sigurado na matatanggap ako" ngiting saad ko sakanya. Totoo naman na hindi ko expect sa masasama ako sa mga scolar nila dahil napaka taas ng standard nila.
"Ano kaba apo. Gawin mo yan para sa sarili mo at huwag para saakin. Dahil hindi naman tayo habang buhay magkakasama" tinapik tapik niya ang aking balikat at marahan itong hinagod.
"Lola naman" malungkot kong sabi rito, may pagkamatanda narin kasi si lola, bata palang ay siya na ang kasama ko kaya ang lapit lapit ng loob ko sakanya.
"Tama na ang drama apo. Kumain na tayo dahil may pasok kapa mamaya sa coffee shop" inakay na ako ni lola papunta sa aming sala. Maliit lang ang bahay na tinitirahan namin ni lola kaya sa sala kami kumakain.
Tiningnan ko ang orasan na naka sabit sa dingding. Malapit na nga ang oras ng pag pasok ko kailangan ko ng magmadali at bibili rin ako ng aking gagamitin pangaral.
Nagkukwentuhan lang kami ni lola habang kumakain dahil ito naman ang araw araw naming gawain.
"Basta apo huwag kang magmataas doon. Hindi mo alam kung sino ang pwede mong pagkatiwalaan. Alam kong mayayaman ang mga batang mag aaral roon" napagisipan kona rin yan, dahil kilalang paaralan ito alam kong mahirap magkaroon ng kaibigan rito.
"Opo Lola huwag na ho kayong mag alala" masyadong negative itong si lola minsan, mas natatakot pang pumasok kesa saakin.
Tinapos na namin ang aming kinakain at naghanda narin ako ng sarili ko dahil ayaw na ayaw ko ang nalalate ako.
"Lola alis na ho ako. Ingat kayo dito wag basta basta lalabas kung di naman kailangan ha" paalala ko sakanya dahil baka mamaya ay kung mapaano siya.
"Oo apo. Araw araw mo ng paalala yan kabisado ko na wag kang magalala" nginitian ko si lola, niyakap ko siya at hinalikan ang noo bago lumabas ng aming mumunting tahanan.
Naglakad lang ako papunta sa paradahan ng tricycle. Tricycle lang ang sinasakyan ko patungo sa paradahan ng jeep dahil malayo layo rin ito mula sa bahay.
"Thank you ho manong" pasasalamat ko bago sumakay na ng jeep papunta sa coffee shop na pinagt-trabahuan ko.
Bumaba na ako ng jeep ng makarating na ako sa coffe shop na pinagt-trabahuan ko.
ANA COFFEE SHOP
Pumasok na ako sa loob at sinalubong ng mga katrabaho ko.
8am ang shift ko hanggang 5pm, malaki laki ang sahod ko rito nakakatulong ito saakin para sa pangaraw araw namin ni lola at para narin sa pag aaral ko noong high school.
BINABASA MO ANG
NDC:1 The Cold-Blooded Professor (GXG)
RomanceProfessor Series I: Professor x Student STATUS: ON GOING Si mikaila ay isang dalagang lumaki sa hirap, kasama na lamang niya ang kanyang lola na may katandaan narin, natatrabaho siya upang matustusan ang kanilang pangangailangan ng kaniyang lola...