-Mikaila-Kanina pa tapos ang klase ko kaya ngayon ay work time naman ako.
8:30 na ng gabi at tatlong oras na ako rito sa coffee shop na paulit ulit lang ang ginagawa.
Mabuti nga at kasama ko parin si Grace at hindi ako gaanong inaantok. Mahina talaga ako sa puyatan kaya nung una hindi pa ako sigurado sa night shift buti at sinabi ni Grace na kasama ko siya sa night shift.
"Ngiti naman diyan Mikaila" Natatawang saad ni grace saakin. Inikutan ko siya ng mata bago inilapag ang dala dala kong tray sa counter.
"Paano ako makakangiti kung antok na antok ako kahit maaga pa" Naiinis kong saad bago humalumbaba sa counter.
"Meron ka ano" Saad ni Grace na ikinalingun ko sakanya bago tumango.
"Sabi na e, dika naman kasi ganyan this past two days" Napahinga nalang ako ng malalim bago pinuntahan ang isang costumer na kanina pa hindi nag oorder.
"Miss can i get your order?" I ask her habang nasa pad ang tingin.
Naghihintay lang ako na mag salita ito ng napatingin ako sakanya. Muntikan ko ng mahulog ang hawak na pad ng makita kung sino ito.
"M-miss.Anderson" Saad ko bago iniyuko ng kaunti ang aking ulo. Bakit ba sa dinami dami naman ng coffee shop rito sa Pampanga dito pa niya napiling bumili.
"Good Evening po. Can i get your order Miss" Tanong ko ulit rito habang hindi na mapakali pero hindi ko ito ipinapakita dahil nakakahiya mga mare.
"So you work here. Ms.Ramirez" She coldly say. I can't say na it's a question cause more on its a sentence.
"Yes po Miss" Magalang na sagot ko sakanya. Hindi naman pwedeng maging ano tayo rito mga mare dahil baka sa grades ko bumawi si Miss.
"Just a cup of black coffee" Saad niya bago ulit tumutok sa computer niya. Feel ko nandito lang talaga siya para tumambay for work but i come near here and ask her order kaya napaorder siya.
"Okay" Saad ko bago bumalik sa counter na hindi parin makapaniwala na nakita ko rito si Ms.Anderson.
"Hoy Mik, Bakit ka lumapit don?" Nagtatakang tanong ni Rob na ikinataka ko rin.
"Why?" Tanong ko ulit sakanya.
"Sabi ng manager kanina na wag daw kunin order niya bakit mo parin kinuha?" Huh? May sinabi ba yung manager namin? Bakit hindi ko narinig at bakit bawal kunin order niya?.
"Wag mo ng pagalitan Rob, lutang kasi yan" Natatawang saad ni grace ng marinig niya ang pinaguusapan namin ni rob.
"Bakit bawal kunin order niya?" Takang tanong ko kay rob, tinaas baba lamang niya ang kaniyang balikat mukhang hindi rin niya alam.
"Malay ko ba basta sabi huwag daw kaya nga di namin nilalapitan ni grace linapitan mo naman" Saad niya bago umalis at kumuha ng order ng mga bagong pasok na costumer.
Kung nagtataka kayo kung bakit nandito si Rob. Inilipat siya ng manager namin sa night shift para daw kasama din namin siya sa night shift . Buti nga at pumayag ang mga dating night shift na makipagpalit saamin.
Ibinigay na ni Rob saakin ang order na kinuha ko kay Ms.Anderson. Hindi ko alam kung ibibigay koba o hindi dahil sabi ng manager na huwag daw kukunin ang order niya.
"Hatid mo na yan Mik. Okay lang naman din kay Miss dahil binigay niya order niya, nung lumapit kasi ako kanina di daw siya oorder kaya ibigay mo na bago lumamig yan" Lumapit si grace saakin bago ako tinapik senyales na ibigay ko na ang kape.
Kahit hindi sigurado ay lumapit narin ako kay Miss at inilapag ang order niya.
"Here's your order Miss" Saad ko at aalis na sana ng magsalita ito.
"Sit down" Huh? anong sit down aso mukha ba akong aso na pauupuin niya basta basta? Charing lang.
"Pardon Miss?" Tanong ko sakanya at hinarap siya, nakatingin narin pala siya saakin at tinitingnan ang upuan sa harapan niya.
"I said sit down" Alam ko na pinapaupo mo ako Miss pero bakit nga.
"Don't overthink and just sit down" She pulled my hand and sit me down on the chair in front of her.
"Drink the coffee" Anudaw??? Anong drink the coffee ka diyan kanina pa nga ako inom ng inom ng kape papainumin na naman niya ako???
"But Miss-" She glared at me kaya napatingin nalang ako sa kape bago sa counter. Nakita ko pa si Grace na nakatingin saakin ng nakangisi.
"Drink it" Malamig niya paring saad. Ano ba naman itong si Miss parang walang ka sweet sweet sa katawan puro utos nalang ang alam.
Dahil sa wala na akong magawa ay ininom ko nalang ang kape ng paunti unti dahil mga mare nakakainsicure ang tingin ni Miss.
Ibinaba ko na ang baso habang dito parin nakatingin. This is the first time that i drink a coffee with the costumer and i don't know what will the manager say about this.
Ilang sandali pa ay napagdesisyonan ko ng tumayo napatingin pa si Miss saakin.
"Miss, I'm really sorry po talaga but kailangan ko ng bumalik sa trabaho ko. Thank you for the coffee Miss papalitan ko nalang po" Nakangiti kong saad dito bago naglakad papunta ng counter.
"Huy ikaw ha dumadamoves ka kay Miss hottie" Kinikilig na saad ni grace saakin habang kinalalbit kalbit ang tagiliran ko.
"Anong dumadamoves ka diyan. Hindi ko nga alam na papaupuin niya ako doon tapos papainumin ng kape niya. Nagising tuloy diwa ko" Naiinis kong saad sakanya. Hindi ako kay Miss naiinis okay guys? Kay grace ako naiinis kasi lahat nalang binibigyan niya ng meaning.
"Wag kana mag paliwanag. May tatlo pa namang hottie na kasama si Miss kaya wag kana mag paliwanag it's okay lang" Tatawa tawa niyang saad na sinabayan din ni Rob.
Ang landi talaga ng bading na ito kahit kailan talaga. Naalala ko pa nung may iniyakan siyang gurl na mukha namang gangster. Ang dami dami pang tatto at piercings.
Hindi ko nga alam kung saang lupalop ng pilipinas niya nahanap yung panget na yun. Di ako judger sinabi ko lang kung ano ang nakikita at na observe ko okay.
Hindi ko na lang pinansin ang sinabi ni grace saakin at nagsimula na ulit mag trabaho.
-----------------------------------------------------------
BINABASA MO ANG
NDC:1 The Cold-Blooded Professor (GXG)
RomanceProfessor Series I: Professor x Student STATUS: ON GOING Si mikaila ay isang dalagang lumaki sa hirap, kasama na lamang niya ang kanyang lola na may katandaan narin, natatrabaho siya upang matustusan ang kanilang pangangailangan ng kaniyang lola...