Chapter 21:

39 2 0
                                    

- Mikaila -

Kunot noo kong tinitingnan ang mga ginagawa ng mga ka blockmates kong lalaki. Dahil naiinis parin ako kay Miss Anderson, hindi man lang ako tinawag nung umalis ako. Tsk.

Kung nag tataka kayo kung bakit kasama ko sila imbis na sila Ashley ay sinabihan ako ni Ashley na mas maganda kung may mamaiwan na babaeng kablockmates namin para may mag babantay sa mga gagawin ng mga ka blockmates ko.

Kasama ko naman si Elisia kaya pumayag na din ako, kasama din namin yung isang officer namin na sinabihan din ni Ashley na samahan ako.

Ayaw ko pa nga nung una dahil tinatamad akong bantayan sila pero pinilit niya ako kaya no choice ako. Nakikinig rin naman daw saakin yung mga kablockmates namin kaya isa ako sa pinili niya.

Nagpapasalamat din ako at matitino itong mga ka blockmates ko at sinusunod nila kung ano man ang satingin ko ay magandang gawin namin. Pero syempre hinihingi ko rin ang opinion nila para walang problema ang mangyari.

“Kaila, ito na yung materials na kailangan pa natin” saad ni jake ng makalapit siya sa pwesto ko kasama yung dalawang kablockmates namin na buhat buhat yung mga kahoy na binili nila.

“Sige itabi niyo nalang muna diyan, kukunin nalang nila Noah yan if ever na kailangan nila” tumango lang naman siya saakin bago umalis na. Si noah kasi yung nag design ng gagawin naming booth, magaling din naman siya sa pag drawing kaya nga nag tataka kami at hindi siya kumuha ng architecture, ang sabi naman niya ay kahit gustuhin niyang mag architecture ay pinilit siya ng father niya na mag take ng business for their company kaya wala siyang choice kundi ang sumunod nalang.

Ang hirap din pala maging mayaman.

“Kaila!!! Tingnan mo nga ito kung tama na ba ang sukat” sigaw ng kung sino saakin kaya naman napalingon ako sa gawi na iyon. Si Noah pala. Kaya lumapit na ako sa pwesto niya para malaman kung bakit niya ako tinawag.

“What do you think? Is it alright already?” tanong niya saakin ng makalapit ako at tinuro yung mga shelf na ginawa nila para sa paglalagyan ng mga sweet's.

Tiningnan ko muna kung tama na ba talaga or kailangan pang i-adjust.

“Hmmm…I think that's fine already, just try to expand it a little so that mas marami tayong malagay” ngiting saad ko sakanya na ikinatango tango naman niya bago sinimulang sukatin yung shelf na ginawa niya.

Umalis na ako sa pwesto nila at tiningnan yung ginagawa ng iba ko pang kablockmates. Mukhang kaya naman na nila yung trabaho nila dahil kasama nila sila Elisia at yung Secretary namin kaya napag desisyonan ko ng umalis muna at pumunta ng restroom dahil kanina pa ako ihing ihi, hindi na kayang pigilan ng perlas ko.

Naglakad lang ako papunta sa restroom. Sobrang busy ng halos lahat ng students sa pag aayos ng mga booth nila. While yung mga SSC Officer's ay busy rin sa pag babantay, nakita ko pa nga yung isa kong kaklase sa isang sub nakumakaway saakin, kaya ngumiti ako sakaniya at kumaway rin.

Nakita ko rin si Miss Anderson kasama yung linta, hanggang dito ba naman papainitin nila ulo ko? Pinainit na nga nila sa parking lot dito rin ba?? Dapat talaga sumama na ako sakanila ni Ashley. Inikutan ko siya ng mata kahit hindi naman niya nakikita.

Dumiretsyo na ako sa loob ng isang cubicle ng marating ko na yung restroom. Nakahinga naman na ako ng maluwag ng mailabas kona ang kailangan ilabas. Binuhusan ko muna yung bowl bago ako lumabas ng cubicle.

Pagkalabas ko ay mayroong tatlong babae na naghuhugas ng kamay nila habang nakatingin saakin sa salamin na may ngisi sa kanilang labi na ikinataka ko.

Isinawalang bahala ko na lang ang pag ngisi nila saakin bago sinimulang hugasana ang kamay ko.

NDC:1 The Cold-Blooded Professor (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon