Chapter 24:

28 2 0
                                    

Mikaila

"Nasaaan naba yung iba??" tanong ni Natalie na naiinis na habang nakapamewang.

"Xander texted me, he said that they're on their way" Sagot naman ni Janna habang nasa phone niya ang tingin at nag pipipindot.

Inilibot ko ang paningin dito sa buong field, puno na ang field ng mga booths, iba't ibang booths.

Napagdesisyonan kasi namin na mag libot libot kami ngayon after ng mga gawain namin bago mag start ang event mamaya, may mga kakanta kasi at sasayaw kaya naman excited ang lahat. Marami na ring mga students ang nandito sa field at nag sisimulang enjoyin ang mga booths. Double nga lang ang mga tao ngayon dahil pati outsiders ay pwedeng makijoin sa event, malaki naman itong campus kaya kayang kaya ang maraming tao

"Ayan na pala sila oh" saad ni zedrick na ikinatingin ko naman sa mga tinuturo niya.

Sila Michelle na nga kasama yung iba pa, pero hindi ko enexpect na may iba pa silang kasama.

"Hi guys!!. Sorry natagalan, hinintay pa kasi namin sila prof" saad ni Xander ng makalapit na sila saamin.

Nasa kaniya parin ang tingin ko, kahit gabi na ay napakaganda pa rin ni Miss, walang kupas ang kagandahan.

"Bakit niyo sila sinama???!!!" inis na tanong ni Anisha matapos niyang hablutin sa damit si Xander.

"Bakit ba?? Saka bakit ako ang pinapagalitan mo e hindi naman ako ang pumilit sakanila" rinig ko namang depensa ni Xander kaya napatingin ako sa gawi nila at nakita kung saan nakatingin si Xander.

Nag piece sign si Michelle saaming dalawa ni Anisha kaya naman ay sabay kaming napairap sakaniya.

Sabi kami kami lang daw ang maglilibot tapos isasama nila yang mga professor namin na ubod ng kalamigan sa katawan, tapos kasama pa siya.

"Okay, now that we're all complete, let's go and have some fun!" sigaw ni Janna bago naunang mag lakad na sinundan naman ng iba. Sumunod narin ako dahil ayaw kong makasabay yung mga professor namin.

"Guys, let's try that one" rinig naming recommend ni Xander ng papalapit na kami sa shooting booth.

Sumunod lang naman kami sakaniya, pag kalapit namin ay nag tanong na agad si Xander kung ilang balloons ang dapat na mapaputok para makakuha ng price, sabi nila ate tatlong balloons daw dapat pataas para makakuha ng price na teddy bear.

Nag bayad na si Xander bago mayabang na tumayo sa harapan ng maraming balloons.

Itinutok pa niya sa mata niya yung hawak hawak niyang laruang baril na akala mo ay tumitira ng kalaban.

"May paganyan ganyan kapang nalalaman, wala ka namang matatamaan" tatawa tawang saad ni Natalie kaya pati kami ay natawa na rin, syempre maliban doon sa apat na professor na kasing lamig ni elsa.

"Shhh, wag mo akong pakealaman" rebat naman sakaniya ni Xander bago pindutin ang baril. Lalo kaming natawa ng walang natamaan na balloon si Xander.

"Oh ha, sabi sainyo wala yang matatamaan e" tatawa tawang saad ulit ni Natalie. Hindi naman pinansin ng isa yung sinabi ni Natalie at kinasa ulit ang baril bago tinutok sa balloon.

"Look at this baby" nangaasar na saad nito bago tumingin kay Natalie at nag wink bago pindutin ulit ang baril, this time ay tumama na ang binaril niya kaya naman ay nag hiyawan sila Zedrick.

"Sus, yabang isa palang naman natamaan" saad ni Natalie na ikinalabas ng dila ni Xander bago ikasa ulit ang baril at pindutin iyon. Sunod sunod na ang pag tama ng bala sa mga balloons kaya naman ay nakakuha siya ng isang teddy bear. Inaasar asar niya pa si Natalie dahil ang akala niya ay hindi siya makakakuha ng teddy bear.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: 7 days ago ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

NDC:1 The Cold-Blooded Professor (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon