-Mikaila-“What the hell?” mahinang bulong niya pero narinig ko parin kaya naman ay napatingin ako sakaniya bago sa pinapanood namin.
Kunot noo siyang nakatingin sa pinapanood namin, para bang sinusuri kung anong klasing palabas ang pinapanood namin.
Mukhang hindi na niya kinaya ang sumunod na lumitaw sa tv at marahas niyang dinampot ang remote sa table at pinatay ang tv.
Bumuntong hininga muna siya bago iabot saakin ang remote, sandali ko pa itong tinitigan bago kunin, mukhang wala na siyang ibang maisip na papanoorin.
“I will just get some snacks” malamig na saad niya bago naglakad papunta ng kitchen.
Nag scroll scroll lang ako sa tv niya nag hahanap ng pwede namin mapanood, wala rin naman kasi akong maisip na pwede naming panoorin e.
“Here” maikling saad niya bago naupo sa tabi ko, tamang tama lang ang pagdating niya dahil nagsimula na rin ang movie na plinay ko.
“Maleficent?” tanong niya na ikinatango ko kahit hindi naman niya nakikita, tango nalang baka mamaya hindi ako ang kinakausap niya at may imaginary friend siya diyan.
Tahimik lang kaming dalawang nanonood habang ngumunguya ng chips na kinuha niya sa kitchen.
Focused lang ako sa panonood hanggang sa hindi ko na namalayan na kinain na pala ako ng antok ko.
Napamulat na lang ako ng may kung sino ang tumatapik sa aking pisngi.
“Hey Ramirez wake up now” malamig na tinig na saad saakin na ikinadilat ng aking mga mata. Ilang sigundo pa bago ko inilayo ang sarili ko mula sakaniya.
Doon ko lang na-realize ng makalayo na akong tuluyan sakanya na nakasandal pala ako sa balikat niya.
Napaiwas tuloy ako ng tingin dahil doon, nakakahiya ka soper.
Tumayo na siya mula sa pag kakaupo niya at kinuha yung mangkok na nasa small table, napatingin ako sa ng mapansing hindi na iyon nag iingay, tapos na pala yung movie, napahaba ang tulog ko.
“Miss ako na po ang mag hugas niyan” saad ko ng mapansing papunta na siya ng kitchen, tumayo na ako at lumapit sakaniya pero inilayo niya yung bowl saakin at tinaasan ako ng kilay.
“No i will do it, go to that room and continue your sleep” malamig na saad niya bago umalis sa harapan ko at nagtungo sa kitchen.
Ang sama ng ugali talaga ni Miss, hindi mah lang ako hinayaang makapagsalita. Napapout nalang ako at tahimik na sinunod siya. Pumasok lang ako sa loob ng kwartong sinabi niya.
Pagkapasok na pagkapasok ko ay ganoon nalang ang pagkamangha ko, napakalaki ng kwarto na ito, kwarto pa lang ni Miss ang buong bahay namin, sobra pa nga.
Napakaganda rin ng interior niya, it's all purple and black ang ganda sobra, tapos ang bango bango pa, kaamoy niya.
Tuluyan na akong pumasok at naupo sa malambot niyang kama bago nahiga at napapikit ng madiin. Napakalambot.
Tumayo akong muli at kinuha yung phone ko sa loob ng aking bulsa. Chineck ko ang gc namin nila Ashley.
Ginawa nila iyon para sa mga announcement ni Ashley, doon din namin pinabackstab yung mga professor na sobrang sungit tapos ang baba mag bigay ng scores sa mga projects na pinapagawa nila. Dito rin nag u-update si Ashley about sa gagawin naming booth. Masyadong maingay ngayon dahil buhay na buhay sila at pinaguusapan nila yung nangyari kanina, hindi pa talaga sila naka move on.
Napukaw ng taong nag bukas ng pintuan ang aking atensyon, nakabihis na niya ngayon at papalapit na saakin. Matutulog na nga lang seryoso parin ang mukha.
BINABASA MO ANG
NDC:1 The Cold-Blooded Professor (GXG)
RomanceProfessor Series I: Professor x Student STATUS: ON GOING Si mikaila ay isang dalagang lumaki sa hirap, kasama na lamang niya ang kanyang lola na may katandaan narin, natatrabaho siya upang matustusan ang kanilang pangangailangan ng kaniyang lola...