Chapter 18:

35 2 0
                                    

-Mikaila-

"What the hell is happening here?"

Napatingin kaming lahat sa nag salita, yari tayo nito mga bes ko.

Si Miss Anderson.

Walang ni isa ang nag nangkang sumagot sa tanong niya, yung iba ay nakayuko na habang yung iba naman ay ang lalayo na ng tingin.

Nag kasalubong pa ang aming mga tingin ng kumunot ang noo niya. Siguro nag tataka siya kung anong nangyari sa itshura ko.

E kasi naman sino ba namang di magiging ganito ang itshura kung sinabunutan ka ng kaibigan ng pinsan ni satanas diba.

"Answer my question, what is happening here?" tanong niyang muli pero sa nagbabantang tono.

"Aurelio" malamig niyang saad. Napatingin ako sakaniya dahil sa pangalang binanggit niya. Sinong aurelio.

"Uhmm, Miss it's just a misunderstanding, when i came her they're already fighting and i just went here to stop my friends, elisia" sagot naman ni cole. Wait teka aurelio pangalan niya? Diba cole? Ano yung Cole second name niya?

"Second name niya lang ang Cole" napalingon ako sa bumulong saakin, si elisia pala. Nasagot na ang tanong ko dahil sa kanya.

"Go to the detention office now" malamig pa sa panahon na saad ni Miss bago kami isa isang tiningnan. Lahat ay napa bulong bulong na lang dahil sa sinabi ni Miss.

"But Miss-" aangal pa sana yung pinsan ni satanas ang taasan siya ng kilay ni Miss at tingnan ng masama.

Sige bes anong palag mo diyan aber.

"Now" saad niyang muli, kaya kahit labag sa loob ang iba ay sumunod na lang sila ay kaniya kaniya ng nag sipag alis para pumunta ng detention office.

"Tara na kaila" saad ni elisia saakin bago kami sumunod sakanila pres.

"Kaila ang galing mo doon, diro expect na sasagot sagutin mo yung bruhang iyon" nag thumbs up pa saakin yung iba naming ka block mate na ikinailing iling ko lang.

Wala akong pake sa papuri niyo, yung scholar ko ang iniisip ko.

Ano ba kasing nakain ko at ganon ang ginawa ko kanina?? Hindi naman ako ganon ah? Hindi naman ako impulsive kumilos, lahat naman ng bagay na ginagawa ko ay pinagiisipan ko ng maayos. Pero bakit hindi ko naisip ang scholar ko kanina bago ko sagot sagutin ang pinsan ni satanas.

Dahil sa lalim ng iniisip ko ay hindi kona namalayan na nandito na pala kami sa harapan ng detention office, huminga ako ng malalim bago sumunod sa mga kasama ko.

Pagkapasok na pagkapasok namin ay nandoon na si dean kasama si Miss Anderson at si Miss Javier kilala ko siya dahil kaibigan ni Miss Anderson yan at nakakasabay naming kumain lagi sa cafeteria.

Agad na umupo si pres sa upuan na nasa harapan ng table ni dean. Nasa kabilang banda naman yung pinsan ni satanas kasama ng nga alipores niya.

"So, what happened to the both of you?" mahinahong saad ni dean. Gaganyan ganyan lang yan siya pero kapag nagsinungaling itong mga kasama ko ngayon baka masupalpal kami niyan.

"They start it first dean they insult us" saad ni pinsan ni satanas.

"Hoy babaeng espasol wag mo nga kaming binabaliktad at baka ikaw ang ibaliktad ko diyan sa kinauupuan mo" Trisha yung kaibigan din ni Ashley.

Napapigil ng tawa ang mga kasama namin dahil sa pangbabanta ni Trisha.

"Tsaka akong sinabi mong iniinsulto ka namin e totoo naman lahat ng sinabi namin ah, na offend kaba edi sorry" dagdag naman ni abigail kaibigan din nila pres.

NDC:1 The Cold-Blooded Professor (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon