-Mikaila-Nagmamadali akong naglalakad sa hallway dahil oras na ako nagising sa sobrang pagod ko kahapon. Hindi ko naman inakalang mas matindi pala ang pagod ko ngayon kumpara noon.
Ilang room nalang at Classroom na namin, pagkabukas ko ng pintuan ay mga kablockmates ko palang ang nasa loob na ikinahinga ko ng maluwag.
Naupo na ako sa tabi ni Elisia, hindi niya siguro napansin ang pag pasok ko kaya naman ay kinalabit ko siya.
"Oh you're here na pala Mikaila" Ngiti niya saakin bago inilapag ang kaniyang cellphone sa mesa.
"Sabay tayo mag lunch later, sunduin kita sa last sub mo before lunch" Tiningnan ko siya kung talaga bang seryoso ito, mukha naman siyang seryoso kaya naman ay nginitian ko ito.
"Alam mo Elisia, Scolar lang ako rito ano tsaka wala akong pambili ng tinitinda nila sa canteen ang mamahal" Sagod ko rito. Well totoo naman mga mare, kahapon pumunta ako doon kasi nga gutom na ako tapos nung tinanong ko kung mag kano ang presyo biglang umurong ang gustom ko dahil sa narinig.
"Ano kaba it's on me so you don't have to worry about your foods" Ngiting ngiti parin ang gaga. Parang piso lang para sa kanila yung presyo doon e pang isang kilong bigas na namin ni lola iyon.
"Kahit na, teka bakit mo ba ako inaaya? Siguro naman may mga kaibigan ka diyan na pwede mong ayain kumain kasabay ka" Pilit pag tanggi ko parin rito.
"That's the point Kaila, I want you to meet them" Hinawakan niya ang kamay ko na para bang nagmamakaawa na siyang sumama ako sakanya. Ayaw ko nga e ang pilit pilit naman nito.
"Anong meet them? Baka mamaya hindi ko lang sila makaclose baka ayaw din nila saakin kaya wag na Elisia masaya na ako na may nakakausap ako" Hinarap ko ulit ang inaayos kong mga gamit.
"I already told them your situation and they understand, They are just same as me Kaila, You don't have to worry. Trust me" Tatanggi pa sana ako kaso pumasok na ang maganda naming propesora na maala demunyita.
Tinanguan ko nalang si Elisia bago ako humarap sa harapan.
"Goodmorning Class" Malamig niyang tugon. Ginantihan namin ang kaniyang bati saamin. Mas malamig pa ata si Miss kumapara sa Aircon nitong room.
"Let's start to our lesson" Saad niya bago nag binuksan ang kaniyang dala dalang libro.
Nagsimula na siyang magturo saamin, makakatakot parin siya kahit nag tutueo pero mahahalata mo talaga na magaling siyang professor.
"Bring our a one half lengthwise we will having a quiz about our topic today" Grabe talaga si Miss, kakasimula lang ng discussion quiz na agad.
"Ano ba naman yan, quiz agad" Reklamo ng nakaupo sa lukuran namin ni Elisia.
"Wala pa naman akong naintindihan sa itinuro niya" Dagdag naman nung katabi niya. Buti na lang talaga at focus kapag may nag tuturo sa harapan.
Hindi naman ganon kahirap ang pinaquiz niya pero nakakasakit parin ng ulo.
"Class Dismiss" Pag kahapos niyang sabihin iyon ay agad na kaming nagsitayuan at inayos ang mga gamit namin.
"Una na ako sayo Kaila, Dadaan pa kasi ako sa restroom. Sunduin nalang kita mamaya okay? Bye" Pagpapaalam niya saakin bago lumabas ng Room. Aalis narin sana ako pero napatigil ako ng may tumawag saakin.
"Ms.Ramirez" Napatingin ako sa harapan at nakita si Ms.Anderson na nakatayo parin doon habang nasa dibdib ang mga braso.
"Yes Miss?" Tanong ko rito bago lumapit. Tinuro niya ang libro at papel namin kanina.
"Bring that and follow me" Saad niya bago umalis. Grabe naman itong si Miss, wala man lang pa please mukhang wala na akong ibang choice kundi gawin ang utos niya.
Dinanpot kuna agad ang libro at papel bago sumunod sakanya dahil baka maiwan ako at hindi ko pa naman alam kung saan iyon pupunta.
Natanaw ko si Ms Anderson kaya dali dali akong sumunod sakanya. Habang naglalakad kami sa hallway ay puro pagbati ang natatanggap ni Miss pero hindi niya ito pinapansin o sinusuklian pabalik. Famous ka mare.
"Ang ganda talaga ni Miss.Anderson nakakainsicure"
"Swerte talaga magiging boyfriend ni Miss"
"Ang ganda sana kaso ang taray nakakatakot pa"
Iilan ang yan sa mga naririnig ko na parang hindi naririnig na nasa harapan ko. Wala siyang ni isa sakanilang nililingon kaya hindi ko narin pinansin at sinundan nalang siya.
Pumasok kami sa elevator, halos mapuno ang elevator dahil sa dami ng students na baba. Pero nung nakita nila si Miss lahat sila ay nagsipag alisan na ikinataka ko, so ang ending ngayon ay dalawa lang kami sa elevator.
Minsa ay nililingon ko siya minsan naman ay tinitingnan ko ang reflection niya sa harapan namin. Hindi naman awkward wala lang talagang nagsasalita dahil first off all hindi naman kami close nitong si miss ano.
Pagkalabas namin ng elevator ay naglakad na naman kami ng pagkalayo layo,charing lang. Buti nalang talaga at malapit lang ang office ng mga professor sa building namin kung hindi ay baka malate na ako sa next class ko.
Nagulat ako ng biglang huminto si Miss kaya naman ay nabangga ako da likuran nitong parang bato. Napadaing tuloy ako sa sakit, pano ba naman kasi e hindi rin ako nakatingin sa dinadaanan ko.
"Sorry po Miss.Anderson" Hingi ko ng tawad rito habang nada noo ang kamay ko. Tumitig lang ito saakin bago tumango at binuksan ang pintuan ng isang opisina satingin ko ito na yung kanya.
"Come inside and put those in the table" Saad niya na agad ko namang sinunod. Napatingin ako sa loob ng opisina ni Miss, ang ganda kasi ng interior modern na modern tapos ang bango pa dito sa loob.
Inilapag kona ang mga gamit ni Miss sa lamesa bago ako humarap sa kanya na wrong move dahil lalos magkalapit na ang mga mukha namin mga mare.
Nagulat rin siya sa pagharap ko kaya dali dali itong lumayo ng kaunti, magsasalita na sana siya ng inunahan ko siya.
"I'm so sorry Miss.Anderson, it won't happened again please don't take my scolorship" Hingi ko ng tawad habang nakapikit, hindi ko naman sinasadiya baka kasi isipin niya na sadiya ko yun at pinagsasamantalahan ko siya baka mawala pa ang scolar ko.
"What are you talking about?" Takang tanong niya saakin kaya naman ay napadilat ako at tumingin sakanya.
"Yung scolar ko po hindi niyo naman po babawiin diba?" Tanong ko dito. Feel ko maiiyak ako anytime call me oa pero ganito talaga ako mga mare.
"I won't do that okay? You can leave now" Saad niya bago pumunta sa upuan niya at nagsimula ng icheck ang mga test paper namin kanina.
"Thank you po Miss una na po ako" Nakangiti kong saad dito at lumabas na ng kaniyang opisina.
Hinawakan ko ang taenga ko dahil pakiramdam ko ay ang init inti nito, ano ba naman kasing pinagagawa mo Mikaila.
-----------------------------------------------------------
💗💗
BINABASA MO ANG
NDC:1 The Cold-Blooded Professor (GXG)
RomanceProfessor Series I: Professor x Student STATUS: ON GOING Si mikaila ay isang dalagang lumaki sa hirap, kasama na lamang niya ang kanyang lola na may katandaan narin, natatrabaho siya upang matustusan ang kanilang pangangailangan ng kaniyang lola...