Mikaila“Did you eat your lunch?” tanong ni Miss at lumapit sa table niya habang ako ay prenteng nakaupo dito sa sofa niya.
Pagkatapos niya akong palabasin ay pinapasok niya ako ulit. Pagkapasok ko rin ay nawala na yung amoy ng sigarilyo kaya hindi na ako naubo.
“Not yet po Miss” sagot ko sakanya na ikinatango naman niya bago lumapit saakin na may dala dalang dalawang paper bag.
Ibinaba niya yung dalawang paper bag sa harapan ko bago isa isang inilabas ang laman nun.
Dalawang tupperware ang laman ng bawat paper bag. Yung dalawang tupperware ay puro kanin while yung dalawa naman ay ulam. Naagaw ng pansin ko yung laman ng dalawang tupperware na inilabas ni Miss. WAHHHHHHHHHH chicken nuggets and buffalo wings, MY FAVORITES.
Napalunok ako nung makita ko yung mga ulam. Sadya ba ito ni Miss or coincidence lang na ito ang gusto niyang ulamin ngayon?
“Let's eat” napintig ang tenga ko dahil sa sinabi ni Miss. So it means kaming dalawa ang kakain nito??? Napatingin ako sakaniya at nakitang maaliwalas ang mukha niya, walang ngiti pero makikita mong good mood siya. Pakiramdam ko ay nag niningning ang mga mata kong tumatango tango sakaniya habang nakangiti.
Naupo siya sa tabi ko at sinimulang bukas ang mga tupperware, binigay niya saakin yung isang tupperware na puno ng kanin na tinanggap ko naman agad. Pagkain na yan e tatanggi paba tayo, syempre hindi, rice is life.
“Here” ininulak ni Miss yung Tupperware na may lamang chicken nuggets at buffalo wings, kumuha ako ng ilang peraso ng chicken nuggets pati narin ng buffalo wings.
Kahit kailan talaga walang tatalo rito, sobrang sarap talaga, the best!!.
Nagsimula na ring kumain si Miss, di gaya ko na parang any time ay mauubusan siya ay napakahinahong kumakain na parang walang pake sa paligid niya.
Bahala ka diyan Miss, enjoyin kona itong ulam, minsan nalang ulit makatikim nito tapos sobrang sarap pa ng pagkakaluto parang galing sa five star restaurant.
“Hey Ramirez, slow down, no one will snatch that chickens from you” tiningnan ko lang si Miss bago tumango at kumain na ulit pero napatigil din ng bigla akong nabilaukan.
Agad namang napatayo si Miss papunta sa maliit na refrigerator niya bago kumuha ng petcher ng tubig at nag salin sa baso bago ibigay saakin.
Agad ko naman tinanggap at uminom ng tubig habang nauubo parin, naramdaman ko ang isang malambot na bagay sa likuran ko na hinahagod hagod iyon. Unti unti ay naging maayos na rin ako.
“I told you to slow down, your so stubborn Ramirez” stress na sabi ni Miss habang hinahagod parin ang likuran ko, tumingin naman ako sakaniya na mamasa masa ang mata. Nabilaukan na nga ako papagalitan pa ako.
“H-hey, what's wrong??” mukhang nag aalala niyang tanong pero hindi ko siya sinagot at yumakap lang sakaniya.
Nagulat pasiya dahil sa inakto ko pero maging ako rin ay nagulat dahil sa biglang pag yakap ko sakaniya.
Aalisin kona sana ang pagkakayakap sakanya dahil baka hindi siya comportable pero napabalik din ako sa pagkakayakap sakaniya ng itulak niya ang ulo ko papunta sa dibdib niya bago ako yakapin at hagurin ang buhok ko.
Ilang minuto pa kaming nasa ganoong sitwasyon ng putulin niya ang pagyayakapan namin. Ayaw ko pa nga sana e kasi ang bango bango niya sarap yakapin.
Nag simula na ulit kaming kumain ng tahimik, dahan dahan na rin ako sapagkain dahil baka mamaya ay mabilaukan ako ulit, nakakahiya na yun.
BINABASA MO ANG
NDC:1 The Cold-Blooded Professor (GXG)
RomansaProfessor Series I: Professor x Student STATUS: ON GOING Si mikaila ay isang dalagang lumaki sa hirap, kasama na lamang niya ang kanyang lola na may katandaan narin, natatrabaho siya upang matustusan ang kanilang pangangailangan ng kaniyang lola...