Chapter 9:

32 4 0
                                    


                           -Mikaila-

Sabado na ngayon at kanina pa ako ayaw tigilan ni Elisia at ng iba sa messenger. Naisipan kasi nilang maggala buti na lang talaga at mabati ang manager namin at napapayag ko na ngayon na lang ang day off ko para bukas.

"Oo papunta na ako. Saan ba yang mall na yan?" Tanong ko kay Elisia na nasa kabilang linya.

"Apparel Mall" Pagkarinig na pagkarinig ko ng apparel mall ay napakunog kaagad ang aking noo.

"Apparel Mall?? Ang mahal ng bilihin diyan jusko Elisia kayo na lang at baka nag hugas plato ako diyan" Saad ko sakaniya na ikinabuntong hininga niya mula sa kabilang linya.

"It's on us Kaila. Just come with us and you don't need to worry about the expenses" Seryosong saad nito. Abaaba marunong din pa lang magseryoso ang bruha.

"Ano Elisia wag mo akong idinadaan sa yaman mo at baka makalbo kita" Irita kong saad habang ipinipiliy na isuot ang sapatos ko na napaglumaan na siguro.

"Wag ka ng maingay diyan Kaila at bilisan mo ang kilos. It's so hot in here. Sayang pagpapaputi ko" Iritang saad ni Michelle na ikinatawa naman ng mga kasama nila doon ngayon.

"Ang tatanda niyo na kasi bakit niyo pa ako kailangang isama?"

"Hindi naman dahil doon gurl. Of course part ka ng gang so you should be here with us and party party" Hindi ako na inform na may ganitong side din pala si Natalie.

Napabuntong hininga na lang ako. Tama rin naman kasi sila. Nagkaroon ako ng sila na hind ko naman inakala na magkakaroon ako. Tapos ngayon naman na may kaibigan na ako. Ako naman itong umaayaw.

"Okay sige papunta na" Saad ko at narinig ko ang ingay nila sa kabilan linya. Parang mga bata talaga minsan.

"Lola magiingat kayo rito. Yung mga bilin ko po sainyo. Uuwi rin po ako kaagad pagkatapos na pagkatapos ko roon" Saad ko kay Lola at ngumiti bago nag pabango.

"Mag enjoy ka lang doon apo huwag mo na akong intindihin pa. Kaya ko ang sarili ko. Magiingat ka rin" Nginitian ko si Lola at humalik at yumakap sakaniya.

"Opo Lola ingat" Ikinaway kaway ko sakaniya ang aking kamay bago lumabas ng bahay at nag para ng tricycle na napa daan.

Nagpahatid lang ako kay kuyang driver sa sakayan ng jeep at sumakay na ng jeep papunta sa Apparel Mall.

Nang makarating ako ay kaagad akong nag message kay Elisia na nandito na ako. Hinahanap hanap ko pa sila sa paligid dahil ang tagal mag reply ni gaga.

Pumunta na ako sa bandang entrance ng Mall at kahit malayo pa lang ako ay rinig na rinig ko na ang bangyan nila Xander at Michelle. Pinagtitinginan na nga sila dahil para silang mag jowa na ang aaway.

Habang yung iba naman ay kanya kanya lang ng tawa sa gilid. Hindi siguro nila ako napansin dahil tuloy tuloy lang sila sa pag tatawanan.

"Ang saya niyo naman uwi na lang ako" Lahat sila ay napalingon saakin ng magsalita ako. Kumaway kaway pa nga ang mga boang kaala mo kung saan ako galing.

"Akala ko hindi kana darating. Pwersahan ka sana namin dadalhin dito" Saad ni Zedrick na nakapagpatawa sa iba.

"Sa sobrang tagal mo kaila wa epek na yung sunscreen ko" Saad naman ni Michelle saakin bago ako lapitan at hilain.

"Tara na. Gusto kona mayakap ang Aircon" Natatawang tiningnan ko si Michelle na hilahila parin ako papasok ng Mall.

Pagkapasok na pagkapasok pa lang namin ay manghang mangha na ako sa laki at ganda ng Mall. Kung maganda sa labas at malaki. Mas maganda at malaki sa loob.

NDC:1 The Cold-Blooded Professor (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon