Mikaila“Lola nandito napo ako!!” sigaw ko ng makapasok ako dito sa loob ng bahay namin.
Namiss ko tuloy itong bahay namin kahit isang gabi lang akong hindi nakauwi dito.
“Oh apo nandito kana pala, na miss kita” natutuwang saad ni Lola bago ako yakapin, niyakap ko naman siya pabalik habang nakangiti
“Namiss rin po kita Lola” nakangiti kong saad habang yakap yakap parin siya, diko talaga kayang mawalay kay Lola ng matagal.
“Oh apo may kasama ka pala” napahiwalay kaming dalawa ni Lola dahil sa sinabi niya kaya napatingin ako sa likuran ko, si Miss pala, nakalimutan ko na kasama ko pala siya. Iniwan ko kasi siya sa labas dahil sa inis ko doon sa babae kanina, bumalik tuloy inis ko ng makita ko siya.
“Ahmm yes po Lola” nginitian ko si Lola bago lumapit kay Miss at hinila siya papalapit kay Lola.
“Apo, huwag mong sabihing ipapakilala mo siya saakin bilang kasintahan mo na” may malokong tingin pa si Lola kaya naman napatingin ako kay Miss na nakatingin lang din sakin. Lola nakakahiya.
“Lola hindi po!!, naalala niyo po last time noong sinumpong po kayo nandito po siya nun, si Miss Anderson po, Professor ko” paliwanag ko kay Lola bago tumingin kay Miss. Parang may kumurot sa puso ko ng sabihin ko ang katagang iyon, professor ko lang pala siya.
Napabitaw ako sa pagkakakapit sa braso ni Miss ng sabihin ko yun bago ngumiti kay Lola.
“Ah ganon ba, kamusta naman itong apo ko, hindi ba siya pasaway?” nakangiting tanong ni Lola kay Miss na walang emosyon na makikita sa kanyang mukha.
“Not really Lola, she's not that pasaway po, but sometimes yes” saad ni Miss kay Lola habang seryoso parin ang mukha. Ngayon ko lang siya narinig na mag tagalog may accent pa, ang hot niya mag tagalog hehe.
“Pasensya na po pasaway lang po yan pero mabait po” tatawa tawang saad ni Lola na ikinatango lang naman ni Miss.
“Kumain naba kayo? tara iha, apo kain tayo” dagdag pa ni Lola bago niya hatakin sa kamay si Miss, napatingin naman si Miss saakin na parang nanghihingi ng tulong kaya naman ay napatawa lang ako ng mahina.
May favoritesym na si Lola ah, ako yung apo diba bakit iniwan ako? Napailing iling nalang ako dahil sa naisip.
Sumunod lang naman ako sakanila habang bitbit ang inorder namin kanina ni Miss.
Nang makarating kami sa kusina ay binigay ko kay Lola yung inorder namin ni Miss bago siya tinulungan sa pag hahain. Habang nag hahain kami ay dinadaldalan ni Lola si Miss kaya napailing iling lang ako. Chismosa talaga itong si Lola.
“Iha, may nobyo ka naba?” pagtatanong ni Lola at nakay Miss Anderson ang tingin, napatigil ako sa pagkain at uminom ng tubig habang malayo ang tingin.
“No. I'm not dating anyone right now Lola.” seryosong saad ni Miss bago ako sandaling tinapunan ng tingin at tumingin kay Lola. Tumango tango lang naman si Lola habang may ngiti sa labi.
Nagpatuloy lang kami sa pag kain ng tahimik, pinakikiramdaman ko lang din si Miss, habang si Lola naman ay masaya lang na kumakain.
“I will wash the dishes” pag piprisinta ni Miss ng tumayo na ako at simulang ayusin ang mga pinagkainan namin. Umalis lang sandali si Lola para dae ayusin ang higaan namin at ako na daw ang bahala dito sa professor ko.
“No Miss it's okay, ako napo” pagtanggi ko naman at ngumiti sakaniya at aalis na sana nang pigilan niya ako.
“Let me”
BINABASA MO ANG
NDC:1 The Cold-Blooded Professor (GXG)
RomanceProfessor Series I: Professor x Student STATUS: ON GOING Si mikaila ay isang dalagang lumaki sa hirap, kasama na lamang niya ang kanyang lola na may katandaan narin, natatrabaho siya upang matustusan ang kanilang pangangailangan ng kaniyang lola...