Chapter 01

173 5 0
                                    

Chapter 01

Alexamarie POV

"ATE ko. Ateee gising na."

Kinuha ko ang unan nasa headboard at tinakip ito sa mukha ko. Inaantok pa ako. Gusto ko pang matulog. Kung hindi dahil sa attendance di talaga ako aattend sa party kagabi. Ayoko sa party lalo na kagabi puro sayaw at inom lang naman ang nangyari. Yung iba naman ay di ko na sasabihin kung ano ang ginagawa nila.

"5 minutes bunso."inaantok kong sabi.

Ramdam kong umakyat ito sa kama ko at as usual nagsimula itong tumalon-talon. Napawas ako ng bangon at kinusot-kusot ang mga mata habang tumingin sa kanya kung saan ngumisi sa akin na nakaupong pinagmasdan ang mukha ko.

Inayos ko ang aking buhok bago tinoon ang buong atensiyon sa kanya. Nakahalubaba itong napatitig sa akin.

"Hmm?" Inaantok kong huni.

"Ganda mo, ate. Sa akin na yung chocolate ate huh!" Anito at umalis sa kama sabay takbo patungo sa table.

Nakita ko ang ibang box nakalagay doon. Halos puno ang study table ko sa mga regalo. Nandun din ang mga bulaklak at letters. Di ko nakita ang bouquet ni Kent dahil itinapon ito ni Isla kagabi. Laki ng galit niya sa sariling pinsan. Hinayaan ko na lang dahil ayoko rin naman sa bulaklak na yun kahit mahal.

"Nga pala, ate. May dumating na box galing abroad buksan na natin, ate."sabi nito habang kumakain ng chocolate.

Nakakunot akong umalis ng kama at nilapitan siya. Marahan kong kinuha sa kamay niya ang chocolate at napamewang.

"Maaga pa, Jay. Kumain ka muna." sabi ko dito.

Napanguso siya at kinuha ang chocolate nasa kamay ko. Umawang ang labi ko at nakasunod ang mga mata ko sa kanya naglalakad papunta sa pinto.

"Late ka na, ate. Ten a.m na kaya? Kumain na ako. Baba ka na huh?" Sabi nito bago lumabas sa kwarto.

Napakurap-kurap ako.


Kapatid ko ba talaga yun? He's only 7 pero kung umasta parang mas matanda pa kesa sa akin. Napailing na akong tumingin sa maliit kong wall clock. Napasuklay ako sa buhok makitang tama siya. Humikab akong tinungo ang salamin ko at kinuha ang kulay green kong suklay. Nagsimula akong magsuklay ng buhok habang tinitigan ang sarili sa salamin.

Ang salamin ko ay isang vanity mirror na may umiilaw na disenyo. Yung decoration sa Christmas tree pero iisa lang ang kulay ng ilaw–white. Tapos sa magkabilaan nito ay may nakasabit na Philodendron Scandens na uri ng halaman. Kumuha ako ng ribbon tie at yun ang ginamit kong pang-tie sa nakabraid kong buhok. Pumasok ako sa cr at sumalubong sa akin ang amoy ng rosas. Halos lahat ng gamit ko dito ay may amoy na rosas kaya siguro ganun na rin ang amoy nito.

Mabilis akong naghilamos at nagmumog pagkatapos ay nagpalit ng isang bestida. Agad akong lumapit sa bintana sabay hawi ng puting kurtina na may desinyong pinaghalong kulay red na roses at mga leaves bago binuksan ang bintana. Napangiti akong sumalubong sa akin ang sariwa ng simoy ng hangin. Dumungaw ako sa bintana at nakita kong hinahabol ni Jay ang dalawang tandang namin na  nakawala sa kulungan.

The Mafia Don's Karma (Devil Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon