Chapter 09

83 2 0
                                    

Chapter 09
Alexamarie POV

Natapos yung dinner namin ay hindi pa rin nakapagsalita si Jay. Hindi pa rin nito matanggap na asawa ko ang nasa harapan niya ngayon dito sa kwarto ko. Sumama kase ito sa loob ng kwarto ko dahil gusto niyang bantayan ang kilos ng lalaki.

Di ko talaga alam kung ano ang tumatakbo sa isipan ng kapatid ko. Hindi umuwi si Jyriel at nasa kaklase ito natutulog. Gugustuhin ko man hindi rito sa kwarto ko matulog si Amado ay wala akong magawa.

Utos ng mama ko. May tiwala siya sa akin at hindi kami hahantong doon. Namumula akong kumuha ng pantulog sa cabinet at hinayaan ang dalawang magtitigan sa kama ko. Parehas silang naka indian seat sa kama while crossing their arms against their chest. Wala sa kanila ang nais matalo sa titigan nila.

Napailing na lang ako at nilapitan ang kapatid kong pinaglihi ng bato sa katigasan ng ulo.

"Jay, matulog ka na sa kwarto mo. May pasok ka pa bukas. Sige na, Jay." Utos ko dito.

Sumimangot siya at huminga ng malalim sabay lingon sa akin. "Di ko siya bet, ate. Bakit siya pa? Mukha siyang matanda."

Napakurap-kurap ako.

"I'm not old, kid."

"Eh mukha kang old sa eyes ko."

"Then you're a baby."

"Di na ako baby."

Napatampal ako sa noo dahil nagsisimula na naman silang dalawa. Napabuntong-hininga ako at umupo sa gilid ng kama, nakatingin sa kanilang dalawa. Para akong nanonood ng isang batang palabas kung saan walang gustong magpatalo. Nakakainis na, pero sa isang banda, parang nakakatawa na rin.

"Jay, tama na," sabi ko, pagod na sa kakasaway. "Tulog na. Kailangan mong magpahinga dahil may klase ka pa bukas."

Napairap si Jay pero hindi pa rin tinantanan si Amado ng tingin. "Ayoko, ate. Kasi parang—"

"Jay," pinigilan ko na siya. "Bata ka pa para intindihin ang mga ganitong bagay. Umalis ka na sa kwarto ko."

Nakita kong napangisi si Amado. Hindi ko alam kung natutuwa siya dahil nagwagi siya sa pagtatalo nila o dahil napatigil ko ang kapatid ko. Pero hindi pa rin siya nagsalita, tahimik lang na nanatili sa kanyang lugar, pinagmamasdan si Jay na mukhang patuloy na nag-iisip kung paano siya magdadahilan.

"Fine," sabi ni Jay sa wakas, bumuntong-hininga na parang may malaking sakripisyong ginawa.

Napailing na lang ako. Tumayo siya mula sa kama at tumingin ulit kay Amado bago lumapit sa akin para magpaalam. "Pero ate, siguraduhin mong hindi yan gagawa ng kalokohan, ha?"

Namula ako agad sa tanong niya at napasulyap kay Amado, na tila mas seryoso na ngayon at wala nang ngiti.

"Jay!" pabulong kong sigaw, namumula sa kahihiyan.

"Goodnight!" Tumakbo si Jay palabas ng kwarto bago pa ako makapagsalita ulit.

Nang maisara na ang pinto, bumalik ang katahimikan sa loob ng kwarto. Nakaupo pa rin si Amado sa kama, tahimik pero kitang-kita sa mga mata niya ang malalim na iniisip. Lumapit ako sa gilid ng kama, pilit na hindi tinitignan siya ng diretso. Pakiramdam ko, may malaking bagay akong hindi kayang ipaliwanag, pero kailangan kong magsalita.

"Sorry about my brother," bulong ko habang inilalapag ang pantulog ko sa gilid. "He’s just...protective."

Amado didn’t respond immediately, just continued to watch me with that same unreadable expression. His intense gaze was making me uneasy, but I couldn’t bring myself to look away.

The Mafia Don's Karma (Devil Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon