Chapter 03

105 5 1
                                    


Chapter 03
Alexamarie POV


Nagising ako mula sa pagkatulala marinig ang boses ni Jay. Napalingon ako sa kanya. Nakatapis ito ng tuwelya. Kalalabas pa lang ata ito ng banyo.

Tumingin muli ako kina mama at mabilis kumilos makitang nahihirapan silang patigilin ang kaunting dugo mula sa tagiliran nito. May nakabandang damit sa ulo ng lalaki na binahiran na rin ng dugo.

“Ma, tulungan na kita.” Aniko.

Tinutulungan ko siyang maiyos ang mga bente nito sa sofa namin pero dahil sa katangkaran ng lalaki ay hindi ito kasya.

“Jusko, Lolito! Anong nangyari sa kanya? Bakit ganito? Saan mo siya nakita?” Sunod-sunod na tanong ni mama kay papa na nag-alala sa lalaki.

“Pauwi na ako tapos nakita ko lamang siyang gumapagang papunta sa kalsada hanggang sa nahimatay ito. Naawa ako kaya dinala ko dito, Toyang. Natataranta ako kaya di ko nadala sa hospital. Wala rin tayong pambayad para sa kanya.”

Habang nakikinig ako kay papa ay hindi ko mapigilang mapatitig sa mukha ng lalaki. Maamo ang mukha nito. Matangos ang ilong. Makapal ang kilay. Walang pimples. Di ko maibigay ang buong description nito dahil medyo madumi rin ang mukha niya. Pinahiran ko ang tuyong dugo na nasa noo nito.

“Wag muna natin iisipin ang pera. Ang mahalaga madala natin ito sa hospital.” Segunda na mama.

“Wait lang po, kailangan ko po siyang bigyan ng first aid baka mapano ang mga sugat niya.” Medyo natataranta kong sabat nila.

Napahinto naman sila sa pagtatalo at tumingin sakin. Sabay silang tumango kaya dali dali kong kinuha ang first aid na nasa divider. Tinulungan ako ni mama habang nakatingin sa amin si Jay na nakatapis pa rin. Si papa naman ay nasa iisang silya na alalang-ala.

“Medyo tumigil na rin ang pagdudugo ng kanyang sugat. Dalhin na natin ito sa hospital para matignan. Jay, gisingin mo kuya mo para tulungan kami. Kung hindi magising buhusan mo ng malamig na tubig. Kapag magalit sabihin mong utos ko.”

Matapos marinig ni Jay ang utos ni mama ay ngumisi ito sa amin at kumislap pa ang mga mata bago umalis ng mabilis sa sala.

Nanginginig ang mga kamay ko habang pinupunasan ng basang bimpo ang mukha niya. Hindi ko mapigilang mapatitig sa mukha niya at umawang ang aking labi habang sinusuri ito. Masyadong makinis para sabihin kong mahirap lamang ito. Napakaperpekto rin ang jawline nito. Matangos ang kanyang ilong at maganda ang kanyang pilik mata. His eyebrows are thick and well-defined. Dumako ang mga mata ko sa buhok niya. It's color dark and styled in a sleek, modern cut. Hindi ko in-expect na ganito pala ang hitsura niya. Ang ganda rin ng katawan niya like those men in magazines. His skin is olive-toned. May ganitong tao pala dito sa mundo? Too perfect to be real.

But the real question, nakikipag-away ba siya? Naaksidente? Binugbog? Bakit nakasuot siya ng suit? Bakit sa gilid ng kalsada? Iniwan ba siya ng mga lalaking bumugbog sa kanya katulad ng nasa pelikula?

Taga saan kaya siya? Bakit siya napadpad dito? He looks like a foreigner. Curious tuloy ako sa kulay ng mga mata niya.

Naudlot ang pagtitig ko sa mukha niya marinig ang mura ni Jyriel at galit na boses ni mama dahil pinagalitan ito. Lumingon ako sa kung saan si Jyriel. Nakabusangot itong bumaba sa hagdan habang pinupunasan ang basa nitong buhok. Nakita kong nakasunod sa kanya si Jay na may malawak na ngiti sa labi.

Napailing akong umiwas ng tingin sa kanila at tumayo mula sa pagkakaupo sa sahig. Sumulyap ako sa mukha ng lalaki bago tumingin kina mama na ngayon ay hawak na nito ang kanyang shoulder bag. Si papa naman ay nagpalit ng damit.

The Mafia Don's Karma (Devil Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon