Chapter 08

88 2 0
                                    

Chapter 08
Alexamarie POV

"Siya ba yan, ate? Nagmukhang tao na siya kaso lang may binda."

Napahinto ako sa pag-aayos ng damit at lumingon kay Jyriel na ngayon ay pasulyap-sulyap sa gawi ni Amado. Nakakunot ang noo nitong nakatitig kay Jyriel na kanina pa bulong ng bulong sa tabi ko. Mula noong dumating ito ay halos hindi na humiwalay sa akin para magtanong tungkol kay Amado.

I am thankful din na dumating siya dahil sobrang awkward kanina. Buti na lang at kumatok ito si Jyriel kundi makikita niya kaming magkatabi sa kama. Hindi ko talaga alam kung paano ko haharapin kapatid ko kapag nakita niya yun. Iba pa naman utak nito.

"Kanina ka pa, Jyriel. May klase ka pa diba? Alis na. Salamat dito, ah. Uuwi naman ako eh." Sabi ko dito.

Dinampot niya ang isang apple at kinagatan ito sabay sulyap kay Amado na masama ang tingin sa kanya bago tumingin sa akin.

"Grabe, ate. Ngayon lang ako nakakita ng ganyang kulay na mga mata. Teka, ano pala pangalan niya? Alam niyo na ba?"

Napakurap-kurap ako at huminga ng malalim bago inayos ang iba pang gamit.

"Amado ang pangalan niya. You can call him kuya Amado. Sige na at baka malate ka pa niyan." Pagtataboy ko dito.

Napakamot ito sa ulo at kumagat ng apple sabay sulyap muli kay Amado. Muli itong tumingin sa akin at tumango-tango.

"Sige, ate. Aalis na ako. Ingat ka dito at text mo lang ako kapag may kailangan kayo." Bilin nito bago kami iniwan ni Amado sa kwarto.

Ilang minuto kong pinagmasdan ang pintong sinarado niya bago itinuon ang atensiyon kay Amado na ngayon ay busangot ang mukha. Hindi maipinta ang mukha nito at salubong ang mga kilay.

Pinagmasdan ko lang siya ng ilang segundo bago kumuha ng damit para magpalit.

Hawak ang isang bestida ay dahan-dahan ko siyang nilapitan. Nakuha ko ang atensiyon niya kaya napatitig siya sakin gamit ang nagtataka niyang mga mata.

"Magbibihis muna ako sa cr. Dito ko lang muna at kapag may kailangan ka pindutin mo lang yan. Ayos lang ba sayo?" Malumanay kong sabi sa kanya para maintindihan niya.

Nakatitig lang siya sa akin. Mahigpit kong hinawakan ang bestida sa bandang tiyan ko. Nakita kong huminga siya ng malalim at dahan-dahan tumango sabay pikit ng kanyang mga mata. Huminga ako ng malalim tila nawalan ng tinik ang lalamunan ko. Kinakabahan ako na hindi ko alam kung ano ang dahilan at para saan. Medyo nakakatakot talaga ang presensiya niya. Hindi ko maipaliwanag kung ano ito. May kakaiba kase sa kanya eh.

"Okay."

Walang pasabi akong umalis sa kwarto niya at dali-daling tinungo ang cr ng hospital. Buti na lang mabilis ang kilos ko dahil pagdating ko sa kwarto niya ay nakikipagsagutan ito sa babaeng nurse na ngayon ay kulang na lang umiyak na.

Nagmarcha akong lumapit sa kama niya na agad nakuha ko ang atensiyon nito. Napatingin sa akin ang babaeng nurse at ang kaninang takot na bumabalot sa mga mata niya ay napalitan ng tuwa makita ako.

"What happened? Ayos ka lang, Nurse?" Nag-alala kong tanong dito.

Tumango ito at sumulyap kay Amado sabay busangot sa akin.

Huminga ito ng malalim. "Ayaw niyang magpahawak, Alexa, papalitan ko sana dextrose niya."

Mabilis akong napalingon kay Amado habang nakakunot ang noo. Sumalubong sa akin ang malamig nitong mga mata at masama ang tingin nito sa akin. Hindi ko mapigilang pagtaasan siya ng kilay. Anong problema na naman ng lalaking ito?

The Mafia Don's Karma (Devil Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon