Chapter 06

112 5 0
                                    

Chapter 06
Alexamarie POV

Bumukas-sara ang bibig ko. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Mariin kong hinawakan ang aking damit at tinitigan siya. Nakatitig sa akin ang kanyang kulay  berde nitong mga mata.

Muntik na akong mahulog sa upuan makita kong gaano kaganda ang mga mata niya. Ito ang unang beses na makakita ng berdeng mga mata. There's no doubt that he's a foreigner. It means English speaking ito.

Napakurap-kurap ako.

"What?! Are you mute? Can't you speak? Stupid." Malamig nitong tanong sa akin.

Umawang ang labi ko at bahagyang kumunot ang noo. Wala akong pakialam kung malamig ang boses niya. Ang hindi ko nagustuhan sa kanya ay ang pananalita niya. Ganun ba talaga siya? O dahil nawalan ng memorya?

Right! I need to call a doctor. Mabilis akong tumayo at hindi siya pinansin na nakasunod ang tingin sa akin. Gusto kong sagutin ang tanong niya pero kailangan siyang macheck ng doctor. Kung tama ba ang hinala ko na may amnesia nga siya. Iniwan ko muna siya saglit.

Nang makalabas ako ng kwarto, mabilis akong nagtungo sa nurse station. Sa sobrang kaba ko, hindi ko na halos namalayan ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Kailangan kong tawagan ang doktor na nag-aasikaso kay Amado. Kung totoo ngang may amnesia siya, malaking problema talaga ito.

"Excuse me," sabi ko sa nurse na naka-duty. "Puwede po bang tawagin si Dr. Gonzales? Kailangan niya pong macheck ang pasyente sa room 305. Nagising na po siya, pero... may kakaiba po."

Nakita ko ang pagkagulat sa mukha ng nurse, ngunit agad naman siyang kumilos para tawagin ang doktor. Habang naghihintay ako, hindi ko mapigilang kabahan. Ano kaya ang sasabihin ng doktor? Paano kung hindi lang amnesia ang nangyari kay Amado?

Bakit ko ba kase ito pinasok? I mean, sa sobrang kabaitan nila papa at mama pati stranger pinoproblema ko na. Napakamot ako sa ulo at inayos ang nagusot kung uniform. Di na ako pwedeng atras ito. Nandito na. Ang kailangan kong gawin ay maybe alagaan siya? I don't know. Or maybe, act as his true wife? Napangiwi ako.

Ilang minuto lang ang lumipas bago dumating si Dr. Gonzales, nagmamadali at halatang nag-aalala rin.

"Ano'ng nangyari? Nagising na ba siya?" tanong niya habang patuloy sa paglalakad pabalik sa kwarto ni Amado.

Tumango ako. "Opo, Dok. Nagising na siya, pero... mukhang may problema. Tapos parang galit siya. Sinabihan pa niya akong stupid." Parang bata kong sumbong dito.

Napakunot-noo si Dr. Gonzales sa sinabi ko. "Sige, tingnan natin."

Pagpasok namin sa kwarto, nakita kong nakatingin si Amado sa kisame, tila iniisip ang isang bagay. Nang makita niyang pumasok kami, bumaling siya ng tingin kay Dr. Gonzales at ako, pero walang emosiyon sa kanyang mga mata. Napalunok ako.

Nakakatakot kase siya. Mas nakakatakot pala ito kapag gising. Sana pala tulog lang ito parati but it's bad.

"Good evening, Amado," bati ni Dr. Gonzales. "Ako si Dr. Gonzales, at ako ang nag-aasikaso sa kalagayan mo. Kamusta ang pakiramdam mo?"

Umangat ang isang kilay ni Amado. "Amado? Is that my name?" malamig niyang tanong. "And who are you? What is this place?"

Nakapagat ako labi. Ganito ba talaga siya? Sobrang sungit akala mo isa siyang hari. Kung ganito pala ugali nito edi sana hindi ko na lang ito tinulungan. Ang sama-sama eh.

Huminga ng malalim si Dr. Gonzales bago sumagot, "Yes, Amado is your name. You're in a hospital right now dahil naaksidente ka. Maaari bang itanong kung ano ang naaalala mo?"

The Mafia Don's Karma (Devil Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon