Chapter 02

153 8 1
                                    

Chapter 02
Alexamarie POV

@mafiagossipnews

OMG mafaeas! We have some tea for today! Gather round. Our beloved sexy and handsomest CEO @DaemonCascioferro just got married with his wife #gasp @selene_ur_dyosa. Me #too! I am shocked that this is their second #wedding. Stay tuned for more soon because you just know there’s going to be so much more from this couple. #bestwedding #devilcircle #menofhell

Napakurap-kurap ako ng ilang ulit dahil sa nabasa. Hindi ko alam kung totoo ba ito or hindi. Pero sabi ni Precious na ngayon ay ngumangawa sa tabi ko na kinahihiya ko na ngayon na naging kaibigan ko siya. Ang daming napapalingon sa pwesto namin dahil sa kanya. Nagsimula siyang umiyak na parang bata matapos niyang basahin ang news na ito. Ayun sa kanya, sa twitter daw ito at page ng Mafia Gossip Global. Ang kilalang page for devils na mga sikat na nagpopogiang mga lalaki. Hindi lang sa bansa namin kundi pati sa buong mundo.

Alas tres na ng hapon at pauwi na kami sa bahay. Maaga ang dismissal namin para makapaghanda for student research congress ng 4th year college ng every department. Next after tomorrow ay ang student research congress namin bale binigyan din nila kami ng isang araw to prefer our presentation and poster. Mga malalaking tao rin ang panelists namin in that congress. Kinakabahan ako lalo na't mas challenging ito kesa sa oral defense.

Back to the marriage, nakakagulat talaga. Gusto kong basahin ang mga comments ng madla pero hindi ko alam kung paano gamitin itong Twitter. Ibinigay lang naman ni Precious ang phone niya sakin para mabasa ang dahilan kung bakit heartbroken siya ngayon. Paano na lang kaya kapag si Andrei ang kasama ko ngayon? Di namin kasama si Andrei pati na rin si Isla bukod sa officers sila ay alam kong busy sila to prefer the venue of our congress.

Lumingon ako kay Precious na ngayon ay nakatunganga. Nakaupo siya sa bleachers kung saan ay naghihintay din kami ng masasakyang tricycle. Magtatricycle na lang kami dahil punuan ang mga jeep at iilang jeep na lang din ang dumaraan sa pwesto namin. May ilang estudyante rin kaming kasabay at mga magulang. Iisang pwesto lang kase ang waiting sheds ng high school at college kaya marami talaga. Mukha ring may ganap sa school nila dahil may mga parents.

“Precious.” Pukaw ko sa kanya.

Wala sa sarili itong lumingon sakin. Napailing na lang ako makita ang mukha niya. Para siyang binagsakan ng langit at lupa. Kulang ang salitang messy dahil sa eyeliner niyang kumalat sa eyebags niya. Okay pa rin naman ang ayos ng kanyang buhok pero yung mukha niya talaga. Huminga ako ng malalim at kumuha ng tissue sa bag sabay bigay sa kanya.

Tinitigan muna niya ito bago inabot sabay bumuntong hininga. “Salamat.”

Nakita kong kumalma na siya at ngumuso sabay lahad ng kamay. Ibinigay ko naman sa kanya ang kanyang phone at muli na naman niyang binasa ang balita. Doon, umiyak ulit na parang bata. Napatampal ako sa noo at umupo sa tabi niya sabay tapik sa balikat nito.

“Tahana, Precious. Wala tayong magagawa dyan. Kasal na crush mo.” Pagpapatahan ko dito.

Nagbabasakaling titigil siya sa pagngawa. Lumingon ito sa akin sabay pahid ng eyeliner sa eyebags nito.

“Di ko siya crush. Hot fafa ko siya. Isa sa mga bebe boy ko. Ang sakit, Alexa. Akala ko di sila mag-aasawa pero look– isa sa Devils ang kinasal today. Sakit sa puso sa amin na isang fan. Makakamove on din ako diba?” Anito.

Tumango-tango ako sa sinabi niya st binigyan ng matamis na ngiti. “Oo naman. Normal lang din naman masaktan ang isang tulad mo na isang fan. Alam mo, ang hirap talaga kapag idol mo ang involved, parang personal na rin ang sakit. Pero tandaan mo, darating din yung time na matatanggap mo na at magiging masaya ka na rin para sa kanila.”

The Mafia Don's Karma (Devil Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon