Chapter 05

100 6 0
                                    

Chapter 05
Alexamarie POV

Pagsapit ng gabi ay muling dumating si Narnia dala ang marriage certificate namin ni Amado na may pekeng pirma na ni Mayor.

Di ko na siya tinanong kung bakit may ganito pa pwede naman namin ipakita kaagad sa admissions desk kanina. Sinamahan niya ako papunta sa admissions desk para ipasa ang pekeng marriage certificate. Tahimik kaming dalawa habang naglalakad sa hallway ng ospital. Ramdam ko ang kaba sa dibdib ko dahil alam kong delikado ang ginagawa namin pero para naman ito sa kanya.

Pagdating namin sa desk, iniabot ko ang certificate sa nurse na naka-duty. Pinagmasdan niya ang dokumento nang ilang segundo bago siya tumingin sa amin.

Tumango siya at sinabing, "Mukhang kumpleto na po ang mga dokumento. Ipa-process na po namin ang PhilHealth niyo, ma'am. Makakaasa po kayo na magagamot na ng maayos ang asawa niyo."

Nakaramdam ako ng kaunting ginhawa sa sinabi niya, pero alam kong hindi pa rin tapos ang lahat. Maraming tanong ang tumatakbo sa isip ko—paano kung may makaalam? Paano kung may magtanong tungkol sa pekeng kasal? Ngunit para sa ngayon, kailangan kong magpakatatag at ipagpatuloy ito.

"Salamat po," sagot ko sa nurse bago kami lumakad palayo ni Narnia.

Nang makalayo kami nang kaunti, binasag ni Narnia ang katahimikan. "Medyo delikado ang ginawa natin, pero wag kang mag-alala. Matagal na akong sanay sa ganitong trabaho. Siguraduhin mo lang na hindi ka mahuhuli. Congratulations, crush, kasal ka na."

Nakuha niyang pumalakpak at tumawa. Napasimangot ako at huminga ng malalim. Kinabahan ako sa ginagawa ko pero pagkatapos nito maging okay naman siya diba? Di niya naman siguro tatanungin kung paano namin siya tinulungan. Siguro itatago nalang namin ito sa kanya. Peke naman yun eh.

"You mean pekeng kasal." Aniko.

Tinakpan ni Narnia ang bibig ko at pinaglakihan niya ako ng mga mata. "Shhh! Bibig mo. Pero sureness ka dyan? Malay mo totoo pala yun."

Inalis ko ang kamay niya sa bibig ko at kinunutan siya ng noo. Hindi ako tanga para hindi magets ang sinasabi niya.

"Ano?"

Mahina siyang tumawa at inakbayan ako. "Kidding! Pero malay mo? Pero joke ulit yun, crush. Pero ayaw mo nun? May asawa ka na? Di mo na poproblemahin tungkol sa magiging asawa mo sa future dahil nandyan na. Joke ulit, crush. Di ka talaga mabiro."

Sinamaan ko siya ng tingin hanggang ngayon kahit nasa labas na kami ng hospital at nakataas ang dalawang kamay tila sumusuko sa pulis. Di ko nagustuhan ang joke niya. Hindi nakakatawa.

"Di nakakatawa, Narnia." Nakasimangot kong sabi.

Ibinaba niya ang mga kamay at nagkibit-balikat. "Siguro nga pero maiba tayo. Anong gagawin mo ngayon? If magising siya saan siya pupunta? Paano kong magkaroon siya ng amnesia?" tanong ni Narnia, biglang seryoso ang tono.

Napahinto ako sa paglalakad at tinitigan siya, biglang sumagi sa isip ko ang posibilidad na iyon. "Hindi ko alam... hindi ko pa naisip 'yan."

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko. Paano nga kung magkaroon siya ng amnesia at hindi maalala ang kahit ano? Paano ko siya tutulungan kung hindi niya maalala kung sino siya? Parang mas lalong gumulo ang sitwasyon.

Sumakit ang ulo ko.

"Well, you need to prepare for the worst, Alexamarie," sabi ni Narnia. "Ang importante, huwag kang masyadong magpaka-stress. Gawin mo lang ang kaya mo. At least natulungan mo siya kahit paano, di ba?"

The Mafia Don's Karma (Devil Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon