Chapter 07
Alexamarie POVMabining katahimikan ang bumabalot sa aming dalawa matapos ko yun sabihin. Gusto kong maglaho. Gusto kong umalis sa harapan niya. Hindi ko alam kung bakit iyon ang sinabi ko dahil pwede ko naman sabihin sa kanya ang katotohanan.
May pumipigil sa akin na hindi ko alam kung paano ilarawan. Nakaramdam ako ng pagkabahala habang tinitingnan ang reaksyon ni Amado. Sa kabila ng lahat, mukhang naisip niyang may mali sa sinasabi ko.
"My wife?" balik-tanong niya, sabik na naglalaman ng pagdududa.
"You're my wife?" Ulit pa nito na akala mo sobrang impossible na naging asawa niya ang kagaya ko.
He titled his head as he watched me carefully. Sinusuri niya kung nagsasabi ba ako ng totoo o nagsisinungaling lamang. Seriously?
Gusto kong umiwas ng tingin pero pinigilan ko baka mahalata niya. Mukha pa naman siyang magaling magbasa ng isang tao kung nagsisinungaling ba ito o hindi.
Even myself, hindi ko rin maipaliwanag kung bakit sinabi ko ang katagang yun. I can tell him the truth mula umpisa hanggang dulo. Maybe, I just don't want him to think about the accident at baka sasakit ang ulo niya at pilit niyang alalahanin ang nangyari. Baka sasakit ang pa ang ulo niya't dahil doon ay lalong magulo ang kanyang isip. Kailangan niyang magpahinga at mag-recover bago dumaan sa ganitong mga komplikasyon.
"How come?" Tanong niya ulit.
"Dahil kinasal tayo kaya naging asawa mo ako?" Hindi ko mapigilang mag-uyam.
Ganun niya ako hindi ka gusto? Kulang na lang isuka ako.
"Don't used that tone to me, woman."
Nagulat ako sa tono ni Amado, pero sinubukan kong manatiling kalmado.
“Okay. I’m sorry if I sounded harsh. I just want you to understand that we need to deal with your situation calmly.”
Nakita ko ang pag-aalangan sa kanyang mga mata. Tila hindi pa rin siya makapaniwala sa mga sinasabi ko.
"I don't remember any of this," aniya, tumitig sa akin na parang inaasahan ang iba pang paliwanag. "Why would I marry you? How could this happen?"
Muling umupo ako sa tabi ng kama niya, nag-aalangan sa susunod kong sasabihin. “It’s complicated. We met a long time ago, and we ended up getting married. I understand that it’s confusing, but we’re here now, and we need to focus on helping you recover.”
Gusto kong palakpakan ang sarili ko dahil ang galing gumawa ng storya. Pero hindi ko mapigilang makaramdam ng guilt. I take advantage to this man at masama yun pero para naman ito sa kanya. Kapag okay na siya, sasabihin ko naman sa kanya ang katotohanan. Sa ngayon, kailangan mo na niyang magpahinga at makabawi. Mahirap man, ito ang pinakamabuting paraan para sa kanyang kalusugan.
Tahimik siyang nakatitig sa akin, halatang nagdududa pa rin at walang tiwala sa akin. Kung siya ang hirap niyang paniwalain kami naman no hesitation to help him. Kami patuloy naging mukhang may kasalanan dahil tinulungan namin siya.
“I need proof,” biglang sabi niya, na ikinagulat ko. "How can I believe you if I don't remember anything? I don't even remember our wedding day."
Napalunok ako, bigla akong ninerbiyos. Of course, hahanapan niya ako ng ebidensya. Hindi ko napag-isipan iyon. Pero seryoso ba talaga siya? Grabe naman! Naiinis na talaga ako sa kanya. Hindi ba pwedeng bukas na lang? At ganun ba ako ka panget sa paningin niya?
"Proof?" ulit ko.
"Yes," seryoso niyang sagot. "If what you're saying is true, there should be documents or photos of us together. Show me the wedding ring, pictures, anything."
BINABASA MO ANG
The Mafia Don's Karma (Devil Series #5)
AcciónGate of Hell: Where the devils do fall in love ࿇ ══━━━━✥◈✥━━━━══ ࿇ ❝Under his watchful eye, none shall threaten what he's claimed as his territory.❞ ••••••••••••••• Ruthless.Mean.Heartless.Dangerous.Cunning.Playboy. He is known as the number one bac...