Chapter 11
Alexamarie POV"Oh! Anyare sayo, teh?"
Nagtataka akong napalingon kay Andrei nasa tabi ko. Akala ko ako ang tinanong niya yun pala si Precious na nasa kaliwa niya. Sumilip ako para makita ko ito.
Kumunot ang noo ko at nawala ang focus sa pagsabay ng kanta sa graduation song namin nang makitang nagpepekeng umiyak habang nagpapahid ng invisible niyang luha. Pabalik-balik ang tingin nito sa phone habang sumasabay sa kanta.
Hindi ako nagtanong at hinintay ang sagot niya kay Andrei.
"Anong meron?" Bulong sa akin ni Ysla katabi ko sa right side.
Inilapit ko ang ulo ko sa kanya habang hindi inalis ang tingin kay Precious na umiiyak pa rin.
"Umiiyak si Precious pero walang luha ang lumabas sa mga mata niya." Bulong ko rin.
Napasinghap si Ysla at mahinang minura si Precious. Napangiwi ako. Masakit sa tenga kapag may naririnig akong nagmumura. Ayoko talaga ang taong nagmumura.
"Si Daemon my honeybunch kinasal na pala kay Selene last week. Bakit outdated ako? Kasalanan ito ng globe telecom eh. Nawalan ng signal at inabot pa ng one week. Nakakainis. Nakakairita tapos heto pa. Si Aamon, missing in action daw hanggang ngayon. Ano bang nangyari sa earth at ito ang bumungad sa akin? Kakabalik ko lang sa online world eh." Mahabang sabi nito at kahit niisa wala akong nainintidahan lalong-lalo na wala rin akong kilala sa sinasabi nitong mga pangalan.
Artista ba sila? Sikat ba sila? Sino sila?
Napailing akong tinuon ang atensiyon sa hawak kong lyrics copy ng graduation song namin at sumabay sa practice. Ang kanina na si Precious lang ang nagdadrama ay sinabayan ito ni Andrei kaya ang ingay nilang dalawa. Minsan ay sinasaway na sila kaya mahihina ang boses nila pero halata ang gigil at pagdadalamhati nila.
"Saan nga yung venue ng graduation natin? Did you know, Alexa?" Tanong ni Ysla.
"Sabi nila sa Gym ng Municipality natin para daw mas malawak." Sagot ko na hindi nakatingin sa kanya.
I just keep singing para makabisado ko ang tono at lyrics na rin. Nasa gym kami ng school for graduation practice namin. Nalalapit na rin kase ang big event ng aming buhay. Hindi ko mapigilang maexcite at kabahan. Gagraduate na ako. After all, graduation is just the beginning, right? Hindi ito ang dulo ng journey ko. Malapit na. It's a biggest achievement sa isang katulad kong may pangarap at nangangarap. Marami kase akong goals na tuparin, hindi lang para sa akin ngunit para rin sa pamilya ko. Swerte rin ako because I have supporting and understanding family. I didn't feel pressured sa totoo lang. Hinayaan nila ako. Hinayaan nila akong magdesisyon para sa sarili ko and they said, they are always behind my back.
Ang mga tao lang talaga ang nagbibigay ng pressure sa buhay mo. But I didn't mind them. Hinayaan ko lang dahil in the first place, bakit ko naman sila papakinggan? Bakit ko naman sila bibigyan ng pansin? I know that hindi naman sila ang magdadala ng buhay ko. Ako lang. Kung meron mang taong dapat makinig ako, yun ay sarili ko at ang mga taong nagmamahal sa akin.
"Baka fake news yan, huh!"
"Crazy, Andrei. Kita mo yan? Pati BBC nagbabalita tungkol sa ambush. Jusko! Sana okay lang si Baby Aamon ko. Nasaan kaya siya ngayon? Sana nasa mabuting kalagayan siya. Sana hindi siya nakuha ng kalaban nila. Bakit ba kase may Mafia? Bakit ayos lang dito sa pinas?"
"Bakit sa pinas lang ba ang may Mafia?! Mas malakas sa Europe, dzai. Mas worse rin sa USA. Pero kalerki talaga! Di kaya ng bangs ko nung nalaman kong missing in bed si Aamon. Namimiss na siya ng mga babae niya."
BINABASA MO ANG
The Mafia Don's Karma (Devil Series #5)
AzioneGate of Hell: Where the devils do fall in love ࿇ ══━━━━✥◈✥━━━━══ ࿇ ❝Under his watchful eye, none shall threaten what he's claimed as his territory.❞ ••••••••••••••• Ruthless.Mean.Heartless.Dangerous.Cunning.Playboy. He is known as the number one bac...