Chapter 04

69 5 0
                                    

Chapter 04
Alexamarie POV

A/N: This is fiction only. Gawa-gawa ko kang yung PhilHealth ek ek. Don't make it serious po. Happy reading!

Pagdating ko sa ospital, agad akong pumunta sa emergency room. Nakita ko ang mama ko at papa ko na parang nag-aalala. Mabilis akong lumapit sa kanila.

"Ma, Pa, ano na ang nangyari?" tanong ko habang nag-aalala.

"Ang sabi ng mga nurse, kailangan daw nating maghintay hanggang sa dumating ang doktor. Pumila kami sa admissions desk, pero mukhang priority pa rin nila ang ibang pasyente. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin namin," paliwanag ni mama na halatang stressed na.

Huminga ako ng malalim at napatingin sa ER. Hindi namin kaano-ano ang lalaki pero hindi pwedeng pabayaan namin ito. Paano kung hinahanap na pala siya ngayon ng pamilya niya? Paano ang buhay niya? Hindi pwedeng wala akong gagawin dito.

Tumingin ako kay mama na ngayon ay napahawak na sa ulo. "Kakausapin ko ang nasa admissions desk, ma. Sabi mo kilala nila ako kaya I'll do everything para sa kanya."

Napahinto si mama habang si papa ay napabuntong hininga. Kumunot ang noo ko sa reaksyon nila.

"Yun nga eh. Kilala ka nila kaya sinabi namin na...." Pabitin nito at nagkatinginan sila ni mama tila nag-uusap ang kanilang mga mata.

Tahimik akong naghihintay kung ano ang sinabi nila. Ewan pero bigla akong kinabahan na para bang delikado sa akin ang sinasabi nila sa nurse o doctor.

Tumingin ulit sila sa akin at sabay nagbuntong hininga. "Wala kaming choice anak kaya..."

"...sinabi namin na asawa mo ang lalaki yun." Nakangiwing dugtong ni papa at sumulyap sa ER.

Napatampal sa noo si mama at bumulong-bulong. Umawang ang aking labi sa narinig at tila tumigil ang mundo ko. Parang hangin na dumaan ang ibang tao sa paligid namin at ang mga mata ko ay nakatuon lamang sa pinto ng ER.

Asawa? Kailan ko pa siya naging asawa? Wala akong boyfriend pero asawa?

Humugot ako ng hininga dahil sa solusyon na naisip ng magulang ko. Bakit yun pa? Kaya ba binigyan nila ng pansin ang lalaki dahil asawa ko ito? Anong connect?

Di ko talaga alam kung ano ang takbo ng mga utak ng nurses dito sa provincial hospital namin. Pasalamat na lang ako dahil kilala nila ako at asawa ko kuno ang lalaking yun. Napangiwi ako.

"Okay. I get it. I get it. Pero ma, paano kung malaman nilang hindi ko pala asawa yun? May hinahanap ba silang papeles?" Nag-alala kong tanong.

"Yun ang problema, anak, naghahanap din sila ng proweba na asawa mo siya. Kaya sinabi namin na kapag dumating ka na ikaw ang kakausap nila." Nakangiwing sabi ni mama.

"Kawawa yung lalaki kapag hindi nila ito inaasikaso, anak. Kailangan natin malaman kung may bali ba sa buto niya. Kargo di konsensya ko kung pababayaan ko lang siya." Nag-alalang sabi naman ni papa.

Huminga ako ng malalim at tinitigan ko ang dalawa. Malungkot at nagsusumamo ang kanilang mga matang nakatitig sa akin.

"Okay. Gagawa ako ng paraan. Kakausapin ko muna ang admissions desk. Di ba pwede ang PhilHealth natin ma? Para mabawasan bayarin natin."

“Inday, may PhilHealth naman tayo pero di siya beneficiary. Di na rin namin maisakay ng papa mo bilang beneficiary. Ang advice ng doctor kung may isa raw na wala pang PhilHealth at magiging beneficiary mo siya ay okay lang daw. Ang problema dapat kaano-ano natin. Eh, di naman natin siya kaano-ano. Ayokong sabihin sa kanya na hindi natin siya kilala baka pabayaan lang dito lalo na't di kasya ang pera natin. Kailangan natin ang PhilHealth, Inday.” anito.

The Mafia Don's Karma (Devil Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon