Chapter 12
Alexamarie POVPagkatapos kumain ng hapunan, tahimik kaming naglakad patungo sa silid namin. Agad akong dumiretso sa bathroom matapos kong nilagay ang shoulder bag ko study table habang si Amado ay binuksan ang cabinet para kumuha ng pamalit.
Mabilis ang kilos ko dahil medyo inaantok na rin ako. Di ko na binasa ang buhok ko dahil hindi naman mabaho. Paglabas ko ay nakahanda na ang pantulog ko na isang maluwag na puting bestida na bagay sa mala-diwatang kong anyo.
Napakurap-kurap ako.
Napatingin ako kay Amado na nakaawang ang labi nitong nakatitig sa akin habang may hawak na towel. Kinunutan ko siya ng noo bago bumalik sa bathroom dala ang bestida. Matapos kong magbihis ay siya ang pumalit sa akin.
Nakaupo ako sa harap ng vanity mirror, sinusuklay ang mahaba at malambot kong buhok. Nakipagtitigan ako sa sarili kong repleksyon habang iniisip ang mga nangyayari sa nakalipas na mga araw noong dumating sa amin si Amado.
Hanggang ngayon, di niya ako tinatanong tungkol sa magulang niya at saan kami nagkita at paano kami nagkita. Saan kami kinasal at bakit nasa bahay namin siya nakatira. Kung ano ang trabaho niya, nakapagtapos ba siya ng pag-aaral o wala. Kung ano ang nakita niya ay go with the flow lang siya. Yung tipong normal na sa kanya ang lahat. Walang duda sa amin, I mean di kami pinag-isipan niyang nagsisinungaling kami at hindi siya nagdududa.
Hindi ko alam kung dapat ba akong kabahan o mag-alala in the future. Paano kung makaalala siya at bigla siyang magalit sa amin? Lalo na't nagsisinungaling akong asawa niya ako. Normal naman siguro na magalit siya sa amin dahil in the first place nagsisinungaling kami. Bakit nga ba kailangan namin magsinungaling sa kanya na pwede namang hindi di ba?
Napabuntong hininga ako. Kahit ang motibo namin na tulungan lamang siya ay malaking problema pa rin dahil nagsisinungaling pa rin kami sa kanya.
Kinabahan at natatakot ako.
Habang patuloy akong nagsusuklay, hindi ko maiwasang maramdaman ang bigat ng konsensya ko. Tumitig ako sa repleksyon ko at pilit kong kinakalma ang sarili. Pero sa bawat suklay ng buhok ko, lalo akong kinabahan. Ano nga ba ang gagawin ko kung maalala niya ang lahat?
Tahimik lang kase si Amado, parang tanggap lang niya ang lahat ng nangyayari, pero may bahagi ng isip ko na nagsasabing hindi ito magtatagal. May araw na maalala niya ang lahat, at kapag nangyari 'yun, paano na ako? Paano na kami?— I mean, anong gagawin namin ni mama kapag dumating ang araw na yun?
Napabuntong hininga ako at napalingon kay Amado na kakalabas lang mula sa bathroom. Nakasuot na rin ito ng pantulog at ang amoy ng cherry blossom na ginamit niyang sabon ang bumalot sa buong silid. Tila nakapagpahupa iyon sa kaba ko, kahit papaano. Umupo siya sa gilid ng kama at tinaasan ako ng kilay.
"What?" Napaiwas ako ng tingin at nagpatuloy sa pagsuklay.
Mula sa salamin, nakita ko siyang tumayo at lumapit sakin, huminto sa likuran ko. Umawang ang labi kong napatitig sa kanya mula sa salamin kahit katawan ko lang ang nakikita ko rito.
"Let me," bulong niya, kinuha ang suklay mula sa kamay ko at sinimulang suklayin ang aking buhok nang marahan. Narinig ko ang mahinang tunog ng bawat hagod ng suklay sa buhok ko, na tila nagdala ng kakaibang katahimikan sa pagitan namin ngunit napakakomportable.
"You love cherry blossom." Mahina nitong sabi.
Ngumiti ako at napatango. "Oo. Bakit?"
"Nothing."
After that, tahimik ulit kaming dalawa ngunit bigla siyang nagsalita.
"Earlier at the market, I was with Mama," simula niya. "It was so chaotic, the smell was so bad. It's noisy and exhausting. I never imagined a place like that could exist. People were everywhere, pushing, shouting... it’s nothing like the quiet, pristine markets I grew up with."
I watched him through the reflection, noting the way his brows furrowed slightly as he spoke. Sa pagsasalita niya, parang unang beses nangyari ito sa buong buhay niya. Na para bang nagmumula siya sa angkan ng mayayaman. Pero baka nga galing siya sa mayamang pamilya. Sa accent pa lang at kutis niya ay halata na. Sa kilos niya rin.
"It was my first time seeing something like that," he continued, "The way people hustle just to make a living. Yung pagtitinda nila, the bargaining... are they not exhausted? Is this my first time entering the market? They are shocked when I'm with mama especially when mama told them I'm your husband."
Alam kong nakakunot ang noo nito. Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Anong ibig niyang sabihin?
"Sinabi ni mama na asawa kita?" Mahinahon kong tanong ko sa kanya.
"Yes! And they laugh after that. They are fucking rude. How dare them laughing at me as if mama was lying," he finished, his voice filled with indignation.
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Ibig sabihin, sinabi ni Mama sa mga tindero sa palengke na asawa ko si Amado? At natawa sila? Napakagat ako sa labi habang iniisip ang mga sinabi niya. Ano kaya ang tumatakbo sa isipan nila? Bakit sinabi ni mama yun? Ano na lang kaya ang mangyayari sa kinabukasan? Paano kung mabuko kami?
"Amado..." simula ko, halos pabulong na.
"Natawa sila dahil hindi nila tayo nakikitang magkasama," mahinahon kong paliwanag, sinusubukang pakalmahin ang sitwasyon. "Baka inisip nila na biro lang 'yon. At tsaka, wag mong isipin ang sasabihin ng ibang tao."
He stared at me through the reflection, his face unreadable. I couldn't tell if he believed me or not. His hand stopped combing my hair, and he placed the comb gently on the vanity. "I don’t get it. I’m your husband, right? Why would they find it funny?"
Napakurap-kurap ako at bumukas-sara ang bibig ko. Ano ba ang sasabihin ko?
Tumayo ako at napaatras siya. Pilit kung pinakalma ang kabog ng puso ko habang tinungo ang kama. Mariin kong kinagat ang ibabang labi habang iniiwasan ang mga mata niya.
Iniisip ko kung ano ang sasabihin ko. Hindi ako dapat nagpadalos-dalos sa sasabihin ko dahil alam kung nakasalalay ang kung anong meron sa aming dalawa. Ang hirap.
"Maybe... hindi lang nila matanggap. I mean, masyado pa kase tayong bata at nag-aaral pa ako. Maybe, they find it possible and I don't know. Hindi natin hawak ang opinion nila. Just forget about them." Kinabahan kong sabi at sumulyap sa kanya.
Nakatayo lamang ito at nakakunot ang noo habang hawak ang wood comb ko. Huminga ako ng malalim at pumikit ng mariin. Matapos kong pinakalma ang sarili ay umupo ako sa kama habang tumingin sa kanya.
For a moment, silence filled the room again as he walked towards me. Kumabog ang puso ko hanggang sa huminto ito sa harapan ko. Pilit kong huminga ng normal habang nakatingala sa kanya at sinalubong ang malalim niyang mga titig. I can't read those eyes.
"If that's so, well, let's talk about your farm....I’ve been thinking, though... maybe we can do something about it."
I blinked. "What do you mean?"
Hinawi niya ang buhok ko sa balikat at tinitigan niya ako ng mariin. "Why not expand the farm? We will make it more sustainable, not just for us but for the people around. Create jobs, build a community that thrives on its own. If we can help in some way, even just a little, it could make a difference, right?"
Napakurap-kurap ako at umawang ang labi. Wait what? Paano humantong sa ganyan ang plano niya? Hindi masyadong malaki ang lupain namin at paano ko kakayanin ang ganitong klase ng plano? Hindi ko akalain na magiging ganito ka-ambisyoso si Amado.
"Bakit... bakit gusto mong gawin 'yun?" tanong ko, di pa rin makapaniwala sa sinasabi niya.Naupo siya sa gilid ng kama, hawak pa rin ang suklay sa kamay. "I don't know. Maybe, I just want to make something... meaningful. Parang… gusto kong makatulong, hindi lang sa'yo, kundi sa mga tao rito. I want to be part of something bigger than myself."
Hindi ko namalayang napatitig na ako sa mukha niya. Ganito pala siya. Mabait at matulungin sa kapwa. Sa pinapakita niya ngayon ay hindi ko mapigilang makunsensiya. Bigla akong nahiya at kinain ng kunsensiya. Bakit hindi? Kung ganito ang taong tinulungan namin at pinaliwala na asawa niya ako, sino ba ang hindi kakainin ng kunsensiya?
BINABASA MO ANG
The Mafia Don's Karma (Devil Series #5)
AcciónGate of Hell: Where the devils do fall in love ࿇ ══━━━━✥◈✥━━━━══ ࿇ ❝Under his watchful eye, none shall threaten what he's claimed as his territory.❞ ••••••••••••••• Ruthless.Mean.Heartless.Dangerous.Cunning.Playboy. He is known as the number one bac...