WHAT IS WATTPAD?
Ano nga ba ang Wattpad? Bakit maraming baliw na baliw dito at maririnig mo saan ka man magpunta? Well, ang Wattpad lang naman ang isa sa pinakapaboritong site ng mga kabataan ngayon. Dito kasi ay hindi mo na kailangang bumili ng books para lang makapabasa. Basta may internet connection ka lang ay mababasa mo na kung ano ang gusto mo. Ang mga Wattpad authors ay mga aspiring writers na nagpa-publish ng mga kwento nila sa site para makilala at magkaroon ng chance na makapag-publish ng book sa hinaharap. Ang iba sa kanila ay nagpo-post ng kwento sa site para lang maibahagi ang story nila sa iba. Some of them want to be recognized, they want to showcase their talent, they want to learn or maybe they want to be famous. Pero kahit ano pa man ang dahilan kung bakit nagsusulat sila, nabibigyan nila ng entertainment ang mga mambabasa. This is a training ground for beginners ika nga. Kaya kung gusto mong matutong magsulat, isa ang Wattpad sa pinakamabisang paraan. Hindi ka lang basta dapat magsulat kundi kailangan mo ring magbasa at makipag-interact sa other wattpaders para matuto.
Ang Wattpad ang isa sa pinaka-successful site ng taon. Patunay diyan ang kabi-kabilaang pag-imprenta ng iba't-ibang published book na galing Wattpad. May mga TV series din na a-adopt na sa TV5. May mga movies na rin na nailabas. Kaya naman sa biglaang pagsikat ng site ay marami ring nakikisabay sa pag-agos ng dalos nito. Marami ring nagbabakasakali na baka isa sila sa mga swertehin na mapansin. Kaya naman maaaring makatulong ang guide book na ito para mag-survive o mas mapadali ang buhay mo sa Wattpad.
Kaya naman ibabahagi ko rin ang sarili kong experience sa site na ito.
BINABASA MO ANG
30. Cristina's Guide For Online Writing (PUBLISHED BY PSICOM)
Non-FictionMahilig ka bang magsulat pero hindi mo alam kung paano mo maipapakita sa buong mundo ang mga gawa mo? Gusto mo bang magkaroon ng publish book pero hindi mo alam kung paano mag-uumpisa? Sa librong ito ay marami kang malalamang iba't-ibang tips tungko...