Chapter 2: Iba't-ibang klase ng nilalang sa Wattpad

3K 135 20
                                    

Iba't-ibang klase ng dahilan mayroon ang mga writers na nagsusulat sa Wattpad at halos lahat ng authors ay nag-aasam na sumikat. Sino nga ba namang hindi? Bihira na lang siguro ang magsasabi na ayaw nilang sumikat o ayaw nilang makilala kahit man lang ang story na ginawa nila.

Hindi naman siguro dahil gusto nila na nasa spotlight sila kaya nais nilang sumikat pero syempre, iba pa rin sa pakiramdam na kahit sa online ka lang nagsusulat ay nakikilala pa rin ang mga gawa mo. Masarap sa pakiramdam kapag may nagbabasa ng gawa mo at talagang may nag-ko-comment at excited talaga sa nangyayari sa kwento mo. At higit sa lahat, iyong tipong may nagtatanggol talaga sa 'yo kapag naaapi ka na. Iyong mahal na mahal ka talaga ng mga readers mo kahit na hindi ka naman talaga nila kilala in person. Iyong feeling mo, nagkakaroon ka ng space sa buhay nila at na-i-inspired sila dahil sa 'yo. Best feeling, right? And most of all, kapag sikat ka ay may posibilidad na maging tunay na libro ang mga kwento mo na maaaring mailabas nationwide. Sigurado rin na pag-aagawan ka ng mga publishing company kapag marami kang followers. Dahil sa panahon ngayon, sa mundo ng publishing, minsan hindi na sapat na magaling ka lang o creative ka lang magsulat.

Kailangan mo rin ng luck para maraming makapansin sa 'yo. Iyong iba ay gumagamit ng charm. Malay mo maging movie pa ang kwento mo. Partida pa na baka ikaw pa ang maging bida kung artistahin ka! Ha-ha-ha!

Unfortunately, marami na akong nakikitang mga sikat na authors ngayon na para bang hindi na na-a-appreciate iyong mga maliliit na bagay na iyan. Ang iba sa kanila ay hindi man lang magawang mag-reply sa mga readers nila. Ang iba naman ay binabara pa ang readers nila.

Kaya andito ako ngayon para ipamulat sa inyo kung ano ang iba't-ibang klase ng level ng kasikat mayroon ang Wattpad community. At pati na rin iyong mga consequences at dapat harapin kapag sakaling nakamit ninyo na ang tagumpay. 

30. Cristina's Guide For Online Writing (PUBLISHED BY PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon