Chapter 8: DON'Ts in Wattpad

1.5K 53 5
                                    


DON'Ts in Wattpad

Kung mayroong mga DO's ay mayroon ding mga DON'Ts sa Wattpad na mabuti sana na iwasan na lang gawin kung ayaw mong mas mawalan ng readers! Ha-ha-ha!

1) Huwag mag-promote ng stories sa comment box ng mga stories na maraming votes and reads. Nakaka-offend ito sa writer ng story na iyon kasi nag-eexpect sila ng feedback. Isa ito sa mga kagagahan ko dati. Isa akong malaking epal no'ng ako ay nag-uumpisa pa lamang. Ngayon ko napagtanto na ang rude ko pala no'n. Hehehe...

2) Huwag mag-dedicate sa kung sino-sino para lang magkaroon ng readers ang stories mo. Hindi rin nila iyon babasahin lalo na kung hindi ka naman nila naging reader o ni hindi mo naman sila nakausap kahit minsan. Magsasayang ka lang ng space para sa dedication section. Mas maganda kung i-dedicate mo na lang ang story chapter mo sa taong mas makaka-appreciate.

3) Huwag mag-follow para makuha ang pansariling interes pagkatapos ay kapag nag-thank you sila sa 'yo ay saka mo sasabihin mo na, "Okey lang po. Pabasa naman ng story ko." Tigil-tigilan po ang pagbanat ng ganyan dahil tandaan mo na ikaw ang nag-follow at hindi sila kaya wala silang obligasyon na basahin ang gawa mo. Kung reader ka talaga nila, magbasa ka na lang without expecting something in return kasi kung gusto mo talaga ang kwento nila, babasahin mo iyon kahit hindi ka nila pagbigyan.

4) Huwag magsisinungaling. Magpapanggap ka na reader ka ng writer na iyon kahit hindi naman para lang i-promote ang story mo pagkatapos. Mabubuko ka rin diyan kung talagang nagbasa ka nga kapag tinanong ka niya tungkol sa story niya. Nakakahiya lang kapag nagkamali ka pa ng isasagot sa kanya at siya rin ay mapapahiya kasi nagpapasalamat siya sa 'yo for being a reader tapos siya rin mismo makakatuklas na fake ka lang pala.

5) Don't be a fake. Kapareho rin halos ng nasa number 4. Mag-ko-comment ka sa isang story na 'update, bitin, exciting, ang ganda' tapos sabay promote. Kung ano kasi ang itinanim mo eh iyon din ang ibabalik sa 'yo. Baka mamaya ganyan din gawin sa 'yo no'ng niloko mo. So, kung sinungaling ka, sinungaling din malamang ang maaaring maging readers mo.

6) Huwag manlait ng gawa ng iba dahil lahat ng kwento ay maganda in their own way, syempre, bawat kwento ay pinagpaguran. 'Pwera nga lang kung ang kwento ay may dulot nang hindi maganda para sa ibang mambabasa. Doon ay pwede kang mag-rant ng mag-rant. You are free to express your opinion sa pamamagitan ng komento pero sabihin mo naman in a good way. Pwede ka namang maging honest at direct to the point na hindi nagiging masyadong harsh eh. Kumbaga, limitahan mo rin ang sasabihin mo at pag-isipan mo nang maigi. Dahil ang masakit salita ay posibleng magdulot sa kawalan na ng ganang magsulat ng isang author.

7) Huwag mong ilalantad sa publiko kung gaano kang kayabang. Marami kasing readers ang na-te-turn off dito kaya minsan, kahit gusto naman nila ang story mo ay parang nawawalan na sila ng ganang basahin.

May isa pa ngang famous author noon na nagsabi na huwag daw siyang tawaging scam dahil sikat siya. Nagpapa-self publish kasi siya ng mga books niya at medyo natatagalan ang delivery. Iyong iba siguro ay tinawag na siyang scam dahil naiinis na rin na almost half a year na e wala pa rin iyong libro. Ang sagot naman niya, "Kapag sikat ang author, hindi scam 'yun. Kapag hindi sikat na author ang nagpapa-self pub, iyon ang scam!"

Dahil sa sinabi niyang iyan ay marami talaga ang nagtaas ng kilay sa kanya. Halatang-halata kasi na pumasok na sa ulo niya ang kasikatan. Kaya, huwag tularan ang author.

8) Huwag ikumpara ang popularity ng iba sa 'yo. Mas maigi kung huwag ka na lang magtingin ng mga profiles ng ibang writers at maging sa comment box ng mga stories nila kasi maiinggit ka lang kung sa mga stories mo ay walang votes and comments tapos makikita mo sa kanila na wala pang isang oras na-update ang story pero hundreds of comments na agad ang mayroon. Nakakademotivate magsulat kapag kinukumpara mo ang sarili mo sa mga sikat na authors. Be confident in your own work. At the end of the day, lilipas din ang trend at ang mga matitira na lang talaga ay ang mga gusto talagang magsulat. Mawawala rin ang mga nagsusulat lang para sumikat.

30. Cristina's Guide For Online Writing (PUBLISHED BY PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon