Kung marami ang mga aspiring writers sa wattpad, eh mas marami naman ang mga readers na nagpupunta sa website na ito para maghanap ng libreng mababasa. Sumikat na ang Wattpad kaya marami na rin ang naku-curios na magbasa rito. Ang iba ay gumawa lang ng account para makiuso at ang iba naman ay hilig talagang magbasa.
Narito ang ilan sa iba't-ibang klase ng readers na makikita mo sa Wattpad community.
1) BOOK WORM
Sila iyong mga klase ng readers na hindi na namimili ng babasahin. Iyong tipo ba na kahit anong ipabasa mo sa kanila ay okay na sa kanila. Mapamaganda man o panget. Kahit anong klaseng genre, sikat man o hindi ang author ay babasahin pa rin nila. Madalas ay collector din sila ng lahat ng klase ng published books at binibigyan nila ng chance ang authors, mapasikat man o hindi.
2) FAN GIRLS/ FANBOYS
Sila iyong mga readers na isang author lang ang binabasahan nila ng kwento. Tinatamad na silang magbasa ng kwento ng iba kasi sa story pa lang ng favorite nilang author ay kuntento na sila. Sila iyong tipo na halos sinasamba na at kulang na lang ay pagpatayuan ng pedestal ang paborito nilang author. Kung magmagbasa man sila ng story ng ibang author ay hindi sila maaadik do'n. Kasi nga loyal sila sa favorite nilang author at feeling nila ay ang author lang na iyon ang magaling.
Very supportive sila at handa nilang buntutan ang favorite author nila kahit saang booksigning pa man itong magpunta. Close sila kay favorite author at handa silang makipag-away sa ibang readers para lang dito. Willing silang gumastos ng malaki para lang mapagbigyan ang sarili nila na sumaya sa pamamagitan ng pagsuporta kay favorite author. Kung minsan pa nga ay nagbibigay sila ng regalo sa paborito nilang author mapasaya lamang ito.
3) REPORTER
Sila iyong mga readers na hindi madalas nakakasama sa meet up with their favorite authors. Team bahay sila kumbaga pero very supportive pa rin sila dahil sila ang madalas na mag-promote kay favorite author lalo na sa mga social networking sites kasi ang laman ng profile nila ay puro story lang ni favorite author o kahit anong bagay tungkol dito.
Isa rin sila sa mga nakiki-rant kapag may nangba-bash kay favorite author. Karamihan sa kanila ay mga estudyante at madalas din na ikinakalat nila ang published book ni favorite author para lang may mahawa pa silang iba ring estudyante na mahilig magbasa at maging adik din ito kay Favorite Author.
4) SHARP CRITIC
Kadalasan ay mas matalino pa sila kaysa sa mga writers. Sa madaling salita, dapat masiguro mo na wala silang makikita loopshole sa story mo kasi sigurado na mapapansin nila iyon.
Malakas ang pakiramdam nila sa mga bagay-bagay. Kadalasan sa kanila ay marami nang nabasang libro at may background pa sa technical writing kaya mahirap na silang ma-satisfy sa isang kwento.
Mapagpuna sila pagdating sa mga wrong grammars, type errors at conflict ng mismong kwento mo. Medyo harsh sila magsalita pero nasa lugar naman kaya hindi mo magagawang magalit sa kanila.
Sa tulong nila ay lalo kang mag-i-improve as a writer at sa pamamagitan ng matatalas na mga mata nila ay ma-cha-challenge ka na mas mapaganda pa ang story mo.
Once na ma-satisfy mo ang isang sharp reader ay siguradong makukuha mo ang respeto nila.
5) SILENT READER
Sila iyong klase ng readers na kahit pilitin mo ay hindi talaga mag-ko-comment sa story mo. Proud sila na silent reader sila pero kahit na tahimik sila ay palihim naman silang sumusuporta. Bibili sila ng libro mo sa oras na ma-publish na ito at kapag may kakilala silang gustong magbasa ng libro ay ang kwento mo naman ang ire-rekomenda nila.
BINABASA MO ANG
30. Cristina's Guide For Online Writing (PUBLISHED BY PSICOM)
Non-FictionMahilig ka bang magsulat pero hindi mo alam kung paano mo maipapakita sa buong mundo ang mga gawa mo? Gusto mo bang magkaroon ng publish book pero hindi mo alam kung paano mag-uumpisa? Sa librong ito ay marami kang malalamang iba't-ibang tips tungko...