Kung may mga iba't-ibang klase ng mga readers ay may iba't-ibang klase rin naman sila ng galaw kapag nagbabasa.
Ito ang mga iilan sa kanila:
1) TUOD – stoic face lang. Nagbabasa pero walang reaksyon ang mukha na parang wala man lang emosyon sa binabasa nila. Sila ang mga tipo na mahirap i-please ang taste pagdating sa story.
2) KINIKILIG – Iyong hindi nila maitago sa mukha nila ang sobrang excitement sa binabasa nila at kung minsan ay nanghahampas pa sila ng braso ng iba at with matching kurot pa. Minsan ay tumatawa pang mag-isa at parang baliw na hindi maihi.
3) OPINIONATED – Iyong bawat line o scene ng kwento ay may nasasabi na agad opinion kahit hindi pa natatapos ang kwento. Lalo pa kung natapos na nila ang kwento, siguradong mag-iiwan sila ng comment na pwede na ring gawing pang-update sa Wattpad.
4) IYAKIN – Sila naman iyong mga klase na sa sobrang damang-dama nila iyong binabasa nila ay umiiyak pa talaga sila with matching singa pa sa panyo.
5) PATAGO – Ayaw naman nila na may nakakakita sa kanila na nagbabasa sila. Sila rin iyong mga tipo ng mga silent readers na hindi nagse-share sa iba ng binabasa nila.
6) ROLE PLAYING – Bihira lang ang mga katulad nila pero sila iyong klase na habang nagbabasa ay binabasa pa ito ng malakas at may action pa na parang nasa theater sila.
7) INAANTOK – Karamihan sa mga ganitong klase ay sobrang adik na sa Wattpad at tipong ihi na lang ang pahinga ay hindi pa rin natutulog sa ngalan na matapos ang pagbabasa ng story. Ang iba sa kanila ay isang mata na lang ang dilat kapag nagbabasa.
8) BUSY BEE – Ito naman iyong mga klase na habang nagbabasa ay may iba pang ginagawa bukod sa pagbabasa. Madalas kahit nagbabasa sila ay nag-re-react pa rin sila sa mga pinapanood nila sa TV o kaya naman may kausap pa sila sa telepono o sa chat room.
9) CAN'T READ WITHOUT MUSIC – Sila naman iyong mga taong hindi makapagbasa hangga't walang music. Madalas na lowbatt ang mga cellphone nila kasi sinasabayan nila ng pakikinig ng mp3 ang pagbabasa sa wattpad application.
10) ABANGERS
Halos buong araw na naghahantay sa update ni author.
11) BYAHE MODE
Sa jeep o sa bus sila madalas nagbabasa kasi dahil masyadong mahaba ang byahe ay nabo-boring sila.
BINABASA MO ANG
30. Cristina's Guide For Online Writing (PUBLISHED BY PSICOM)
Non-FictionMahilig ka bang magsulat pero hindi mo alam kung paano mo maipapakita sa buong mundo ang mga gawa mo? Gusto mo bang magkaroon ng publish book pero hindi mo alam kung paano mag-uumpisa? Sa librong ito ay marami kang malalamang iba't-ibang tips tungko...