Chapter 4: Mga Followers Mo, Mga Readers Mo Ba Talaga?

1.5K 63 4
                                    

Mga Followers Mo, Mga Readers Mo Ba Talaga?

Marami na akong napapansing iba't-ibang klase ng rants dito sa Wattpad. Karamihan sa kanila ay nagtataka kung bakit kaya kahit na parang madami silang followers eh kulelat pa rin ang story nila pagdating sa comments na siyang mas higit na kailangan ng isang author para maramdaman niyang may nakaka-appreciate ng gawa niya o mas mahubog pa siya bilang isang manunulat.

Kahit ako ay nagtataka rin kung ano ang intensyon ng mga followers na nag-follow sa 'yo pero hindi mo naman maramdaman ang presensya o kung minsan mapapaisip ka kung readers mo ba talaga sila?

Ito ang ilan sa mga observations ko at naiisip na dahilan kung paano mong naging followers ang iba na hindi mo alam kung totoo bang readers mo talaga:

1) POPULARITY

Sila iyong mga tao na nag-follow lang dahil nakita nila na isa kang sikat na author sa Wattpad. Dahil readers mo ang mga kaibigan nila ay nakisabay na rin sila sa uso. Mayroong fandom na tinatawag na gusto nila na maging kabahagi sila para makasabay sa daloy ng buhay sa wattpad world.

Karamihan sa mga ganitong readers ay pagiging popularity mo lang ang dahilan kaya nag-follow sa 'yo. Na-curious sila kung bakit ka sikat kaya gusto nilang malaman kung bakit. Pero later on ay nagiging tunay na fan na talaga sila.

2) DEDICATION

Medyo mababaw ang dahilan ng isang ito pero ang intensyon niya ay gusto niyang mag-dedicate ng story sa 'yo. Para nga naman hindi na sila mahirapang mag-type ng username dahil kapag naka-follow ka o naka-follow sa 'yo ay automatic lumalabas sa list of suggestion ng dedication field. Hence, baka raw kasi kapag nag-dedicate sila ng story sa 'yo ay maisipan mong basahin ito. At dahil sikat ka, magiging sikat din ang gawa nila once na mapansin ng mga readers mo na may binabasa kang isang kwento. Sabi nga nila, curiosity kills the cat. Isa ito sa mga pamamaraan ng iba para mag-promote.

3) GUSTONG MAGPABASA NG STORY

Mayroong isang nag-follow sa 'yo na laking tuwa mo naman. Then nag-send ka ng private message sa tao na iyon only to find out that the reason why she followed you was simply because she wants you to read her story. Yes, you heard it right, sila ang nag-follow sa 'yo pero ikaw pa ang gusto nilang gawing reader!

Napansin siguro nila na may iba kang kwento na binasa at nilagyan ng mahabang comment at dahil maganda kang magbigay ng comment sa mga binabasa mong stories dito sa Wattpad, eh naisip nila na baka kapag nag-follow sila sa 'yo ay basahin mo rin ang gawa nila.

4) NON-FICTION FOLLOWERS ONLY

Dahil sa mga non-fiction at articles mong pino-post ay nagpa-follow din sila. Dahil sa nagugustuhan nila ang opinyon mo sa iba'-ibang bagay pero kapag stories mo na ang pinost mo ay wala ng dating sa kanila. Magkaiba pa rin kasi ang non-fiction kung ikukumpara sa tunay talaga na kwento. Karamihan kaya sila nagpa-follow ay dahil nakuha mo ang paggalang at respeto nila but it doesn't mean na fan mo na sila.

5) You're friends with their REAL IDOL

Dahil sa madalas kang mabanggit ng idol nila ay naiintriga rin sila sa 'yo. Kaya nag-follow sila para malaman kung paano maging malapit din sa idol nila.

6) FRIENDLY

Dahil maboka ka, masayang kausap, aktibo sa mga wattpad meet ups at malambing ay nag-follow na rin sila sa 'yo kahit hindi naman talaga sila interesado sa kwento mo. They just purchased your books just for the sake of friendship! Ha-ha-ha!

7) YOU HAVE TOO MANY STORIES

May ilang mga readers na natutuwa sa mga authors na marami nang natatapos na kwento. Sila rin iyong mga klase ng readers na naglalagay lang muna ng maraming stories mo sa library nila at later on na lang babasahin. Nag-follow din lang muna sila sa'yo kahit hindi ka pa naman nila ganap na idol dahil gusto lang muna nilang i-save ang wattpad profile mo at isa ang pagpo-follow sa mga paraan para mag-save ng account na hindi na kinakailangang mag-bookmark o mag-save ng url link.

8) SUGGESTION SECTION

Sila naman iyong mga tao na click lang ng click ng follow sa nakikita nilang recommended user na nasa ibaba ng newsfeed kahit na hindi pa naman nila kilala ang mga ito. Minsan din ay naka-follow na pala sila ay hindi pa nila alam o napapansin.

9) OTHER SITES COMPARISSON

Akala nila, ang Wattpad ay katulad din ng ibang website na add ka lang ng add ng friends kahit na wala namang dahilan. Hindi nila alam na importante para sa iba ang salitang follower kasi iniisip nila na reader talaga nila iyon. Karamihan din sa mga ganitong klase ng readers ay mahilig magpa-follow back na akala nila ay nasa twitter sila.

10) DUE TO RECOMMENDATION

Let's say na may isang watty author ang nagsulat ng isang review tungkol sa 'yo, kahit hindi ka pa naman talaga nila kilala ay ipo-follow ka na nila kasi ang sabi sa review ay magaling ka.

11) CUTE WATTPAD PROFILE PICTURE

Nag-follow sila kasi nagandahan o na-gwapuhan sila sa profile picture mo. At dahil babaero/lalakero sila parang trip nilang makipagbolohan at magpapanggap silang reader mo.

12) SAME HOBBY

Isa pang rason ay ang fandom. Kapag nakita nila na fan ka ng anime o kpop at kahit ano pang gusto nila ay i-pa-follow ka na nila. Again, hindi dahil reader mo sila kundi dahil lang pareho kayo ng gusto.

13) PRI-CHAP

Karamihan sa kanila ay mga silent readers na kaya lang nagpa-fan ay dahil sa isang chapter ng binabasa nilang story na naka-private. Kumbaga parang napilitan pa sila para lang ma-view ang private chapter na iyon. Mayroon pang iba na kapag nabasa na ang private chapter ay mag-a-unfollow na.

Ang mga nakasulat sa taas ay hindi nangangahulugan na ibig kong sabihin na ang lahat ay may ill intentions sa pagpa-follow. Ang akin lamang ay para mabigyan ng kasagutan ang tanong na "Bakit ang dami kong followers pero parang wala naman akong reader?" o kaya naman sa mga nagmamayabang na sikat na sila pero wala namang nakikitang suporta sa ibang mga readers kuno nila.

Minsan ay kailangan din nating tanggapin ang katotohanan na hindi lahat ng followers mo sa Wattpad ay readers mo talaga. Masakit man pero posible na iyon ang masalimuot na katotohanan. Na pang-display lang sila! Ha-ha-ha!


30. Cristina's Guide For Online Writing (PUBLISHED BY PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon