Chapter 6: Kinaiinisan ng mga writers sa Wattpad

1.2K 57 12
                                    

Kinaiinisan ng mga writers sa Wattpad

Kung ang ilang readers ay naiinis minsan sa mga iniidolo nila dahil hindi sila nire-replayan o ini-i-snob ang beauty nila ay mayroon din namang hindi mapigilang i-rant ang mga authors.

Para sa mga readers ang article na ito. Para naman kahit paano ay aware kayo sa mga kinaiinisan ng mga paborito ninyong authors.

1) ONE LINER COMMENT

Karamihan ng mga authors ay umaasa na bawat update ay mayroong makukuhang feedback from the readers kahit papaano. Iyon naman talaga ang dahilan ng mga authors sa Wattpad kung bakit sila nagpo-post ng mga stories dito. Kasi gusto nila na maka-receive ng feedback at mas mag-grow pa as a writer at ang feedback ang isa sa mga epektibong paraan para may matutunan din ang mga writers sa mga readers niya.

Kaya minsan ay nakaka-disappoint din talagang makita na kung hindi puro like ay puro one liner comment lang naman ang laman ng comment box mo katulad ng:

· UPDATE NA

· ANG GANDA

· NASAAN ANG UPDATE?

· MAY SOFT COPY PO BA NITO?

· WOOOSSHHHHH

· Asbdkamflacklfkoakoiroiao

· HAYY...

· :)

Ang saya makabasa ng ganyan hindi ba? Seriously, guys. Nag-comment pa kayo. Ha-ha-ha!

Kaligayahan na ng authors na makakuha ng feedback sa mga stories nila kaya sana naman, kung minsan ka lang magbigay ng comment ay karerin mo na. Malay mo, ang simpleng komento mo ay maaaring makapagpabalik ng gana ng isang manunulat na nawawalan na ng gana.

At utang na loob, huwag naman maghingi ng update agad-agad kahit kaka-update lang ni author ng 5,000 characters. Aba, nakakapagod kaya mag-type. Hindi ka na nga nag-comment ng matino, demanding ka pa?

2) BOTO GALORE

Malaki ang naitutulong ng votes pagdating sa ranking ng isang story pero kung minsan, ang mga writers na wala namang pakialam sa mga rating ay kinaiinisan lang na makikita nilang puno ng notification ang account nila, pagkatapos ay puro vote lang pala at wala man lang ni isang comment. Pahirapan mag-scroll ng mouse, ateng! Kahit iyong iilang comment na mayroon sila ay natatabunan pa.

Mayron pa nga iilang authors ang nagsabi with feelings na, "I don't need votes! What I want is a comment with a sense! Aanuhin ko ang boto kung wala namang comment about sa story? Hindi naman ako magkakapera diyan. Sa'yo na boto mo, hindi ako kandidato!"

Na-shock ako ng may nabasa akong ganito sa news feed ko noon. Kaya mga readers, comment-comment din kapag may time.

3) Tamang Hinala

May ilang readers na kung magbato ng akusasyon sa ibang writers ay wagas. Mag-me-message kay author at sasabihin na ginaya lang nito ang kwento sa isa pang author na mas sikat kaysa rito. Kahit ang totoo ay dugo't-pawis ang pinuhunan niya ro'n matapos lang ang kwento.

4) Soft Copies Pa More!

Iyong mga makukulit na hingi ng hingi ng soft copies kahit na sinabihan mo na nga na hindi ka nagbibigay no'n. Bukod doon ay isa nang published book ang gusto nilang hingin.

Hindi bale sana kung after nilang mabasa ang soft copy na binigay mo eh magbabalik ng Wattpad para mag-comment o magvote man lang pero karamihan sa kanila ay nawawala na lang na parang bula kapag nakapagbigay ka na. At ang mas malala pa ay malalaman mo na lang na kumalat na pala sa iba't-ibang site ang kwento mo.

5) Teacher Ba Ako?

Iyong mga readers na hindi mo malaman kung bakit sa 'yo nagtatanong ng assignment at nagpapagawa ng essay o projects. Kung minsan naman ay nanghihingi ng tutorial kung paanong gumawa ng blog.

Kulang na lang ay tanungin mo kung mukha ka bang teacher. At ang malala ay hindi kung hindi mo naman readers ang nagtatanong. Alam lang nila na author ka at mukhang matalino kaya sa 'yo na na nagpapaturo.

Iyong iba naman ay nagtatanga-tangahan lang para magkaroon ng topic at makausap ka.

6) Fictional Character

Mayroon akong isang author na nabasa ko ang profile noon. Naiinis siya sa isang reader kasi binasa lang daw ang story niya dahil paborito nito ang artistang ginamit niyang fictional character.

Hindi ko lang ma-gets kung ano ang pinagmumulan ng galit ni author. Hindi pa ba siya masaya na kahit ang artista ang dahilan kung bakit napadpad ang reader na 'yon sa story niya ay binasa pa rin ang gawa niya?

Isa lang naman ang pinakaunang bagay na dapat gawin mo rito sa Wattpad, eh. At iyon ay ang makakuha ng readers na magkakainteres na magbasa ng story mo. Kaya kahit ang artista man ang dahilan kung bakit siya nagbasa, at least pinag-aksayahan niya ng oras na basahin ang story mo.

7) Bobong Tanong

Mag-se-self publish ng book si author at sa announcement post niya sa facebook ay naglagay na siya ng mga detalye at ang presyo ng libro ay nilagay niya pa mismo sa picture na kasama ng post tapos nagtanong pa rin si reader kung magkano.

Mga hindi marunong magbasa. Tanong muna, bago basa kaya paulit-ulit na lang mag-explain si author. Kawawang author. Basa-basa rin 'pag may time.

8) User Friendly

Dating reader mo na pinagbigyan mo na basahin ang story niya kasi naging close na kayo. And then no'ng naging sikat na siya ay bigla ka na lang niyang nakalimutan. Nagkaroon siya ng published book at bagong circle of friends. Nag-unfollow pa siya sa 'yo sa Wattpad. Tinutuntungan ka lang niya at ngayon ay siya na ang nasa ibabaw.

30. Cristina's Guide For Online Writing (PUBLISHED BY PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon