Iba't-ibang klase ng Wattpad Authors

2K 101 99
                                    


1) Instant Celebrity

Sila iyong para bang no'ng nagpasabog ng ka-swertehan sa mundo ay nasalo na nilang lahat! Sila iyong hindi masyadong nag-effort para sumikat. Napag-trip-an lang magsulat, at most of the time ay hindi rin masyadong pinag-isipan ang plot ng story at pampalipas oras lang daw pero boom agad ang story sa madlang pipol. May charm din sila most of the time. Karamihan sa kanila ay mga masasayang tao at madalas na romance comedy ang genre.

Marami ring stalker Lahat ng galaw nila ay binabantayan. Bawat comments at status nila ay hindi nakakalagpas sa mata ng mga fans nila. Kapag nagpost sila ng story (kahit a minute ago pa lang) ay hindi na agad mabilang ang dami ng comments at votes. Marami ring nag-eefffort para gumawa ng fanpage, group, fanarts, fanfics, fanvid at kung ano-ano pang fan craze para sa kanila.

2) Medyo Sikat

Sila iyong mga nasa mediocre status na hindi man gano'n kasikat eh masasabi mong may mga followers na rin naman na nakapalibot kahit na papaano. Kadalasan, sila iyong mga maaayos ang grammar at plot pagdating sa story. Palagi silang nasa anino ng mga sikat at napapansin din naman kasi close nila ang isang sikat na wattpad author.

3) Underrated

Sila naman yung mga magagaling naman at may nakakapansin din naman kaso mangilan-ngilan lang. Respeto ang madalas na nakukuha nila mula sa ibang co-writers nila. Kadalasan eh sila iyong mga malalalim managalog at mag-english.

4) Ranter

Sila naman iyong mga tao na sumikat lang dahil sa kaka-rant nila o palaging may nakakaaway na isang sikat na Wattpad author. Madalas silang magbigay ng criticism pero ang story nila ay hindi rin naman ganoon kaganda. Sila iyong mga tao na palaging may pinaglalaban.

5) Feeling Sikat

Sila naman iyong may isang column o works lang sa Wattpad na makilala lang ng konti eh akala nila sikat na agad sila at lumelevel na sa kayabangan ng mga ilang sikat na authors. Madalas silang maglagay ng announcement sa message board nila about sa mga where abouts nila pero kadalasan naman ay wala ring pumapansin. Madalas din na sila iyong klase ng tao na nagsulat lang kasi gusto sumikat o gustong magkaroon ng pera.

6) Ate/Koya

Sila naman iyong mga authors na hindi kasikatan pero may magandang lahi kaya nagkakaroon din ng readers kahit na papaano. Madalas silang mapagkamalan na ate kahit na kuya talaga dapat at kuya naman kahit babae sila. Madalas silang makikita na nag-po-post ng sandamakmak na selfie sa facebook at madalas binabasa lang ang mga stories nila kasi gusto silang maging ka-close ng reader na talandi.

7) Pasikat

Sila naman yung mga naglipanang baliw sa Wattpad. Mga famewhores na parang spy ng mga sikat para hilahin sila pababa. Pilit silang gagawa ng issue para hilahin at ayawan ng tao ang sikat na author. Madalas din silang magpost sa mga iba't-ibang wattpad confession sa facebook para lang manira sa isang author kahit na minsan eh wala nang sense ang mga pinagsasasabi nila. Gustong-gusto nila iyong pinapatulan sila kasi feeling nila panalo sila kahit nagtatago lang naman sila sa isang poser account.

At syempre, ginagawa niya ang lahat ng ito dahil gusto niya ay siya ang mapansin at hindi si sikat na author.

8) Desperada Mode

Sila naman iyong mga Wattpad author na gagawin ang lahat may magbasa lang ng gawa nila. Sila iyong mga todo promote sa message/comment board ng iba at nagmumukha ng spammer. Madalas din na pumapayag sila sa 'read for read rule' pero kadalasan ay nagpapanggap lang na nagbasa pero hindi naman talaga.

30. Cristina's Guide For Online Writing (PUBLISHED BY PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon