Pagsubok sa pagiging sikat
At dahil isa ka nang wattpad authors, mapasikat man o hindi ay marami kang ma-e-encounter na readers na may iba't-ibang ugali rin. Ito ang ilan sa mga dapat handa kang harapin kung gusto mong sumikat.
1) Bashers
Sila iyong numero uno mong posibleng maging kalaban. Gagawin nila ang lahat para ikaw ay maibaba at ipagngangalandakan nila kung gaano kang hindi karapat-dapat sa trono mo bilang sikat. Kahit ang mismong personality mo eh huhusgahan nila na para bang kilalang-kilala ka na nila kahit hindi naman. Siguradong babantayan din nila ang mga grammars and punctuations mo at babasahin pa rin nila ang story mo kahit sabi nila ay sukang-suka na sila. Babasahin nila 'yan para laitin, maniwala ka. At dahil sikat ka na, palagi kang pag-uusapan ng mga taong ni hindi mo kilala at kikilatisin ang lahat-lahat sa 'yo.
2) Demanding at Makukulit na readers
Asahan mo na ang gatambak na mag-ko-comment sa 'yo ng salitang UPDATE AGAD-AGAD, BITIN, NASAAN ANG KASUNOD? at paulit-ulit na manghihingi ng mga soft copies. Madalas silang aasta na akala nila palamon ka nila para utusan na mag-type agad ng susunod na update.
3) Stalkers
Ihanda mo na ang sarili mong ma-stalk dahil panigurado, kahit ang private life at totoong mukha sa likod ng pangalan mo ay gugustuhin nilang malaman. I-a-add nila kahit ang mga magulang at kapitbahay mo kapag nalaman nila ang real account mo. Kaya ngayon pa lang ay i-private mo na ang mga photos mo na sa tingin mo ay chararat ka ro'n!
4) Sabog na Notifs
Ihanda ang iyong mata dahil pnigurado mag- kakanda-duling-duling ka sa pagbabasa ng comments at matataranta ka rin sa pag-re-reply sa kanila dahil kung hindi ay baka masabihan kang snob at pa-famous kahit famous ka naman talaga.
5) Consistent ka dapat
Kung trip mo lang ang pagsusulat at biglang boom sikat ka na, kahit tinatamad kang mag-update, kung minsan mapipilitan ka dahil sa dami ng umuungot sa 'yo. Hindi ka rin pwedeng mawala ng isang taon dahil baka pagbalik mo ay wala ka na sa serkulasyon. Maraming writers sa Wattpad kaya kung sikat ka na e samantalahin mo na kasi parang pag-ibig lang 'yan. Baka ipagpalit ka nila sa iba! Ha-ha-ha!
6) False Friendship
Marami ring makikipagkaibigan na ang hangad lang ay maki-back ride sa kasikatan mo. Ikaw mismo ang mag-iisip sa intensyon ng gustong makipag-friend dahil aminin natin o hindi e uso talaga ang gamitan sa Wattpad.
7) Expectation
Dahil sikat ka ay maraming mag-e-expect na dapat maging movie ang story mo o kahit maging published book man lang dahil kung hindi, ikukumpara ka nila sa ibang author na bakit si ganito, si ganyan ay may publisher na pero ikaw ay wala pa. Marami ring mag-e-expect na dahil sikat ka ay dapat na mataas ang sales ng books mo at pipilahan ka sa mga book signing dahil kung hindi ay lihim kang kakaawaan ng ibang writers or worst, baka pagtawanan ka pa.
7) Chikka Minute
Dahil sikat ka, huwag ka nang magtaka na kung kahit ang kulay ng panty mo ay pinag-uusapan na nila. Lahat ng kilos mo ay makikita nila kaya konting galaw mo lang ng mali ay trending ka na!
8) NAGHI-HISTERIKAL NA READERS
Ihanda mo na ang tenga mo sa tili na maririnig mo sa mga book signings. Kapag naman nasa mga bookstores ka ay asahan mo na rin na biglang may makakakilala sa 'yo at magpapirma ng libro mo.
Kung handa ka nang harapin lahat ng consequences kung magiging sikat ka e 'di ipagpatuloy mo na ang pagsusulat. At kung nasa ituktok ka na ay always do your best in everything dahil hindi lahat ng wattpad writers ay nabibigyan ng chance na makilala. Sharpen your craft. Research, make yourself better. Galingan mo na at magpakitang gilas ka na dahil nasa tuktok ka na, lubus-lubusin at galingan mo na. Ikaw din, baka biglang maglaho na lang ang opportunity sa 'yo.
Bilog din ang mundo at ang kasikatan ay hindi permanente. Pwedeng ngayon ay sikat ka at ikaw ang magaling sa paningin nila pero kapag nakahanap na sila ng much better e malamang iwanan ka rin ng mga so called fans mo. Masakit pero that's the reality.
Maraming ding tao na kilala ka lang kapag sikat ka at babasahin nila ang story mo— hindi dahil sa maganda 'yan at type nila kundi dahil sikat ka. Marami kasing mas prefer ngayon na magbasa na mataas ang rate.
Kaya tandaan na kahit sikat na e hindi dapat lalaki ang ulo. Palaging maging mabait sa readers and treat them right dahil binigyan nila ng oras na basahin ang kwento mo na pwede nilang i-invest na lang ang time nila sa mas makabuluhang bagay. Huwag silang babastusin at mahalin natin sila dahil kung wala sila ay wala rin ang mga writers.
Kaya kung sikat ka man ngayon ay i-enjoy mo na lang at i-appreciate mo lahat ng ginagawa ng mga readers mo for you. Huwag din papa-apekto sa mga bashers dahil ang mas mahalaga sa lahat ay mayroong naniniwala sa kakayahan mo. Just enjoy what you love to do and make them see na deserve mo kung ano ang mayroon ka ngayon.
BINABASA MO ANG
30. Cristina's Guide For Online Writing (PUBLISHED BY PSICOM)
Non-FictionMahilig ka bang magsulat pero hindi mo alam kung paano mo maipapakita sa buong mundo ang mga gawa mo? Gusto mo bang magkaroon ng publish book pero hindi mo alam kung paano mag-uumpisa? Sa librong ito ay marami kang malalamang iba't-ibang tips tungko...