MY OWN WATTPAD EXPERIENCE (07/6/2015)

4.7K 228 32
                                    


MY OWN WATTPAD EXPERIENCE

Ang mababasa ninyo ngayon ay una ko pang naisulat sa Wattpad way back in 2011, taon kung kailan active pa ako sa mundo ng Wattpad at siya ring taon kung kailan ko nalaman ang site na ito. Noong mga panahong iyon ay kaunti pa lang ang populasyon sa Wattpad. Wala pa halos nakakaalam ng site na ito.

Ilang beses ko na yatang nasabi sa iba't-ibang post ko noon kung paano ako napadpad sa Wattpad. Na naghahanap ako ng e-book ng Vampire Diaries at ito iyong site na tinuro no'ng napagtanungan ko which is hindi ko na rin maalala kung sino. Tuwang-tuwa ako non'g makita ko ang site na ito dahil akala ko talaga ay puro english stories lang ang mga nakalagay dito. I didn't expect na may mga tagalog stories at may mga readers pa rito na pwedeng makapansin ng gawa ko.

Una kong pinost ang mga tapos ko nang story katulad ng The Necklace at Is It Wrong To Love You? Pagkatapos ay sinunod ko na ang mga ongoing stories ko like Stronger Fighter, In Love With A Ghost, etc. No'ng mga time na 'yon ay wala pa akong kamuwang-muwang dito. Kumbaga hindi ko pa alam ang kalakaran noon dito. Tanda ko pa nga na para akong buang no'n na naghihintay buong maghapon na madagdagan ang reads ng mga stories ko na nakalagay dito. Iyong votes at comments nga noon ay wala akong paki' basta masaya na ako na makitang nadagdagan kahit isang bilang ng reads sa mga stories ko. Ganoon ako kababaw na hindi humihingi ng kahit anong kapalit sa mga readers ko. Nakaabang din ako noon sa WHAT'S NEW LIST dahil hindi ko pa alam buksan ang profile ko noon.

Nag-umpisa akong magbasa-basa no'n. Nahagip din ng mata ko iyong mga nasa what's hot. Nag-browse ako ng mga stories na nasa what's hot. Maraming stories na magaganda ang plot at doon ko napansin na parang maraming nagko-comment sa mga gawa nila. Doon ako biglang na-curious at nag-isip kung paanong magkakaroon ng maraming readers na magko-comment sa gawa ko. Nagtataka rin ako noon kung bakit iyong ibang writers eh nanghihingi pa ng votes sa mga readers nila na hindi ko maintindihan kung para saan. Nalaman ko na lang later on na magkakaroon pala kasi ng rank sa what's hot ang story mo kapag maraming nagbo-vote.

Nang sa wakas ay makatanggap din ako ng comment sa sarili kong story. No'ng time na iyon ay tuwang-tuwa talaga ako kahit pa na napaka-ikli lang naman ng comment niya. Nanghihingi nga lang yata siya ng update noon pero na-appreciate ko talaga dahil hindi naman ako mahilig mag-post ng mga stories noon sa mga website. Madalas na ang nagko-komento sa mga gawa ko ay mga personal na kakilala lang.

Nag-explore pa ako sa Wattpad at naging silent reader dahil noong mga panahong iyon ay ni hindi ko naman alam kung saan maglalagay ng comment sa mga binabasa ko. Nalaman ko rin na may mga clubs din pala sa watty. So, nag-join ako at nagbasa-basa ng mga tips doon. Natuto akong mag-promote. Nag-fan ako sa kung sino-sino sa pagbabaka-sakali na may pumansin sa akin. He-he-he... Nagbasa din ako ng maraming stories at natuto na akong mag-comment. Bukod doon ay nag-dedicate din ako ng stories sa iba't-ibang sikat na writers sa wattpad kahit na hindi naman nila ako kilala sa pagbabakasakaling magustuhan nila ang story ko at ma-i-promote rin nila. Sa madaling salita. Galawang 'peymwor' ako noon! Ha-ha-ha!

First time kong natutong mag-dedicate nang dahil kay haveyouseenthisgirl. Nag-post kasi siya sa message board niya noon na she wants someone to dedicate any stories to her. Siya iyong pinakaunang naging reader ng story ko na Is It Wrong to Love You ko. Tanda ko pa no'n na palagi talaga akong napapangiti kapag nababasa ko iyong mahaba at may sense niyang comment. Kadalasan nga ay inaabangan ko pa siya mag-online kasi taong gabi rin ako noon. Wala mang pag-uusap ay awtomatiko na naming binabasa ang stories ng isa't-isa at nagsu-suportahan kami. Hindi ko lang talaga alam kung bakit hindi kami naging super close friends noon. Siguro dahil ayaw ko ring masabihan noon na nanggagamit ng sikat para lang mapansin din ang stories ko. Pero ngayon ay isa na siya sa mga pinaka-successful na writers ng Wattpad and I'm really proud of her even though I'm not sure if she still remember me.

Nang dahil sa Wattpad ay natuto rin akong tumapos ng mga stories noon. Na-i-inspire ako sa bawat votes at comments na natatanggap ko. Most of them are praises na nakakapagpadagdag sa self-confidence ko. Nag-start akong jejemon writer noon sa Wattpad. Sa cellphone lang kasi ako noon nagta-type pagkatapos ay kina-copy paste ko lang sa opera mini ko noon na may trick kaya free ang internet! Ha-ha-ha!

Hanggang sa hindi ko na lang namalayan na unti-unti na rin pa lang nadadagdagan ang mga fans (Fans pa ang tawag noon sa mga followers) ko rito. Kahit na hindi ako kasing-sikat ng iba ay masasabi ko namang may narating ang pagsusulat ko. Dahil na-reach ko ang mga sumusunod na goals ko sa Wattpad katulad ng:

• Pagkakaroon ng followers.

• Pagkakaroon ng comments, mapahaba man o maikli.

• Maka-receive ng maraming votes.

• Mapunta sa number one ng what's hot noon ang isa sa mga stories ko. (No'ng time na wala pang what's hot per category eh mas mahirap makapasok sa what's hot dahil lahat ng category ay naglalaban para sa unang pahina ng what's hot.)

• Pagkakaroon ng fan art, fanvid o fanfiction.

• Magkaroon ng Fan Page, Group o Character Operator.

• Maging contestant sa isang writing contest.

• Maging judge sa isang writing contest.

• Maging published author (under LIB Publishing)

• Magkaroon ng pa-contest (na may sumali naman kahit papaano.)

As of now eh iyan na ang mga na-achieve kong goals sa Wattpad. Ang isa na lang sa mga hinihiling ko ngayon eh iyong makuha naman for TV SERIES or MOVIES ang kahit isa man lang sa mga pinaghirapan kong stories. Minsan nang nasabi sa akin ng isa sa mga kaibigan ko na wala raw dating ang plot ng mga stories ko kaya kahit na maayos naman ang pagkaka-narrate at mismong flow o twist ng stories ay kaunti lang daw ang nakakapansin. Pero kahit ganoon ay hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa. Gulong ang palad at naniniwala ako na iikot din ito at ako ang mapupunta sa ituktok (Char!) At syempre, habang buhay ako ay may pag-asa! Ha-ha-ha!

30. Cristina's Guide For Online Writing (PUBLISHED BY PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon