Sa sobrang daming readers sa Wattpad ay karamihan sa kanila ay mga choosy na rin. Hindi basta nagbabasa ng mga kwento lalo na kung may nakikita silang flaws sa mga sinusulat mo o kaya naman madalas ay nakikita na rin nila iyon sa mga ibang story.
Ito ang ilan sa mga listahan ng mga kinaiinisan nila sa isang story o kaya naman dapat mo mo na rin sigurong iwasan bilang author:
1) MAGANDANG PLOT NA NALIGAW
Maganda ang description niya sa story. At sa description na iyon ay may nakasingit pang isang eksena mula sa story na talaga namang nagpapakuha sa interes ng isang reader. At ikaw naman, dahil excited ay binasa mo. Maganda ang narration pati ang characters ay gusto mo. Pero umabot na ng chapter 30 pataas ay wala pa rin iyong eksena na nasa description. Susme, humahaba na lang at parang naliligaw na.
Kung minsan kahit gaano kaganda ang story ay nakakawala ng gana na basahin kapag napakatagal lumabas no'ng mismong concept o plot sa isang story. Kaya nga nagbasa ang readers dahil sa main plot na ibinigay mo sa main description ng isang story. Kung napakatagal lumabas niyon ay mababagot na rin ang readers. Dagdag pa na marami na ring mga irrelevant scenes na sa tingin nila ay hindi naman kailangan sa kwento. Para kasing nawala na ang plot nito dahil sa paligoy-ligoy ng author. Be direct to the point.
2) TOO MANY CHARACTERS
Isa pa ito sa talagang rants ng mga readers sa Wattpad. Minsan kasi, sa sobrang dami na ng characters ay nakakalito na rin basahin. May mga times pa na mapapatanong na lang ang readers kung, "sino ba talaga ang bida rito?"
Well, in my perspective, ayos lang naman na maraming characters pero sana naman ay huwag silang sabay-sabay na ilabas sa kwento kasi kung minsan ay nakakalito na sa readers. Nagkakaroon pa ng pagkakataon na parang bakaw eksena pa sila sa bida ng kwento at ito ay parang lumabas na lang na extra.
Alamin mo kung sino ang character na dapat ay priority mo. Dapat focus pa rin sa mismong bida ang kwento at kung maglalagay man ng maraming characters sa kwento ay huwag itong sabay-sabay na ilabas. Hindi iyong unang chapter pa lang ay lahat na ng characters ay nandoon na sa kwento. Nakakalunod kasi sa mga readers iyon. Kung minsan tuloy hindi na rin nila natatandaan kung sino iyong mga characters. Kung maglalabas ng mga characters ay dahan-dahanin ito para mas may impact.
3) HINDI MABIGYAN NG JUSTICE ANG CHARACTER
For example, mga bad boy na parang beki magsalita. Mga nerd na inosente dapat pero ang bilis namang bumigay sa mga bidang lalaki at kung ano-ano pa.
Kung ikaw ang reader ng isang story ay mawawalan ka rin ng gana kung ang mga characters sa kwento ay hindi 'in character' sa kung ano ba talaga ang dapat na character nila sa kwento.
Think of a certain person (like an anime character, celebrity or your crush) siguro when making a story para palagi mong maiisip ang mga kilos at galaw niya nang sa gano'n ay hindi ma-out of character ang mga bida mo sa kwento. In that way, kahit na ikaw pa mismong author ay kikiligin na rin.
4) PURO FILLER
Maraming authors ang naglalagay ng ganito. Katulad ng nabanggit ko kanina, andami nilang irrelevant scenes na inilalagay sa kwento na kung minsan ay parang nagpapahaba na lang. Dahil sa mga ganito ay nagiging mabagal ang takbo ng kwento na kung minsan ay nagiging dahilan para maging boring na rin ang story.
5) DESCRIPTION OVERLOAD
Nakapagbibigay ng magandang quality sa isang kwento kung na-justify ng maigi iyong background ng bida at pati na rin iyong nasa paligid niya, lugar o pangyayari para mas maging kapani-paniwala ito. Pero minsan kasi, kapag sumobra ang mga description ay nagiging sobrang haba na nito at parang nagiging mabagal na rin ang pag-usad ng mismong kwento papunta sa plot. Marami ring mga readers ang nababagot kapag nasosobrahan na sa description.
Fiction novels ang sinusulat mo kaya huwag naman sanang maglagay ng sobrang daming facts sa kwento na para nang nagbabasa ng textbooks, travel o cooking magazines ang readers. Dapat din na hindi biglain sa isang chapter o prologue ang maraming informations kasi mahihirapang makasunod ang readers. Baka tamarin pang magbasa. Kaya bumibili ng fiction novels ang readers eh para mag-enjoy. Hindi para sumakit ang ulo.
Ayos lang naman siguro ang mag-describe pero huwag naman siguro na parang sinasakop na ang isang buong page at ultimo lahat na lang ng nakikita ng bida eh dine-describe na ng author.
6) PACING
Okey lang ang slow pacing. Pero huwag naman sanang sobrang SLLLLLOOOOOWWWWW na halos paulit-ulit na lang ang nangyayari sa kwento tapos hindi makausad-usad ang mga bida ro'n sa conflict. Get-over din 'pag may time.
Huwag din naman masyadong mabilis para hindi maging vague ang mga sentences. Kapag masyado rin kasing mabilis ay hindi na maramdaman ang scene.
7) KULANG
Kung iyong panglima ay sobra-sobra sa description sa story, eh mayroon namang iba na nakukulangan at malilito ka na tuloy kasi parang patalon-talon na pirated cd ang binabasa mo. Hindi maganda ang sobra pero mas hindi naman maganda ang kulang. Dapat na maayos ang transition sa kwento isang kwento para hindi ito nakakalito basahin.
8) Unnecessary Flashback
Ang paglalagay ng flashback ay para sa pagtatago ng mystery at pwede rin itong maging rason ng conflict. Pero may mga story akong nakikita sa Wattpad na naglalagay pa ng flashback kahit pwede naman nilang gawing present naman. Isa sa mga example na nakita ko e iyong story na nagtaka lang iyong bida kasi nawala iyong bestfriend niya. Iyon pala ay nagbanyo lang tapos ginawan pa ng flashback.
Gumawa lang ng flashback kung kailangan. Hindi iyong hindi naman kailangan sa story pero inilalagay pa para lang humaba.
8) Paulit-ulit na scenes sa pag-iiba ng POV
Let's just say na may dalawang bida sa kwento na nagbabalik-tanaw sa iisang scene na parehas nilang pinagdaanan, imbes na isulat ito sa magkaibang pamamaraan ay nag-copy paste na lang ang author at lahat ng inilagay niya roon sa una ay naroon din sa pangawang pov. Kung magsusulat ng iisang scene sa dalawang magkaibang pov ay dapat na ireiterate o i-retype ulit ito na magkaiba na ang description kasi hindi na parehas na tao ang nagsasalita. Kahit ang pag-iisip ng magkaibang tao ay hindi rin parehas kaya dapat na hindi basta copy-paste lang.
BINABASA MO ANG
30. Cristina's Guide For Online Writing (PUBLISHED BY PSICOM)
Non-FictionMahilig ka bang magsulat pero hindi mo alam kung paano mo maipapakita sa buong mundo ang mga gawa mo? Gusto mo bang magkaroon ng publish book pero hindi mo alam kung paano mag-uumpisa? Sa librong ito ay marami kang malalamang iba't-ibang tips tungko...