Practice Time!

1.2K 65 6
                                    


MAG-ISIP NG SCENARIO

Para mas mahasa ang pag-iisip mo pagdating sa paggawa ng iba't ibang genre ay subukan mong tumingin sa kapaligiran mo at umisip ka ng isang partikular na eksena na may iisa ring lugar pero lapatan mo ng iba't-ibang tema.

Gawin mong halimbawa na nasa classroom ka kunwari at napaka-ingay. Sa room na iyon ay marami ka ng genre na pwedeng gawin.

Ito ang mga halimbawa:

ROMANCE: Maingay sa room pero palihim na nag-uusap ang mga mata nila ni Zeus. Punong-puno ng pag-ibig ang nangungusap na mga mata nito at hindi naman niya maiwasang hindi kiligin. Ito na nga yata ang chance na pinakahihintay niya para magka-boyfriend!

HORROR: Sa maingay na classroom ay nakatulala lamang sa bintana si Eden. Mula roon ay bigla na lamang may dumaan na isang anino sa bintana kahit na nasa second floor ng building siya at mga puno na ang makikita sa labas. Maya-maya ay dumaan ulit ang anino sa bintana at napatitig siya roon. Nanlaki ang mga mata niya nang unti-unti ay muling nagpakita ang anino roon at nagkaroon iyon ng mukha habang nakaharap sa kanya. Isang mukha ng babae ang nakita niya! Punong-puno iyon ng dugo at warak na warak ang buong mukha nito at para bang tinaga ito ng isang matalim na kutsilyo!

COMEDY: Maingay at magulo sa classroom pero biglang napatingin si Cristina kay Betty. Bigla na lamang ay ipinasok nito ang kamay nito sa ilong nito.

FANTASY: Sa maingay na room ay biglang nagkaroon ng lindol. Doon ay biglang may umatakeng halimaw na walo ang galamay mula sa labas ng bintana. Agad na nawasak ang bintana at may tinarget ang galamay ng halimaw. Papunta sa isang babae na gulat na gulat din sa bilis ng mga pangyayari. Si Eden! Akmang tatama na ang galamay sa mukha ng babae pero bago pa man mangyari iyon ay bigla nang lumitaw mula sa kung saan si Zeus at sinalo ng espada nito ang galamay ng halimaw.

Mahirap gumawa ng iba't-ibang klase ng genre pero ang pag-iisip ng iisang scenario na may iba't-ibang klase ng genre ay makakatulong para mas maging creative pa kaya maganda kung masusubukan ninyo rin ito. Wala namang mawawala hindi ba? Practice makes perfect kaya good luck!

30. Cristina's Guide For Online Writing (PUBLISHED BY PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon