( A/N: Ito po ay all Cherry Chapter. Puro siya lang talaga.. :) )
Mas mafefeel niyo po kung ipplay niyo ang music video habang nagbabasa. ! :)
Cherry's POV:
Kakauwi ko lang at dumiretso ako sa kwarto ko para magpalit ng damit. Di ko na rin naabutan yung favorite show namin ng BBF ko. Hayy, my Boy Best Friend. Sana di na lang kita naging best friend. Hindi dahil sa ayaw kita maging kaibigan pero dahil ayaw ko nito feelings ko sayo. Sobra ayaw ko ! Nasasaktan ko lang ang sarili ko, nahihirapan lang ako sa closeness natin pero mas mahihirapan akong mawala ka at lumayo.
Noong una kitang nakilala di ko inakala na magiging kaibigan kita kasi napakasuplado mo. Pero nagkamali ako nang tingin sayo. Mas lalo kitang nakilala nung naging seatmate kita. Mabait ka pala, palabiro, friendly, makulit at masayang kasama. At ayun naging boy best friend na kita. Simula nung naging close tayo inaasar na nila tayo kasi nga ang sweet daw natin. Pero habang tumatagal lumalala ang pang aasar nila lalo na nung naging single tayo parehas. Ngayon ang asar naman na ay secret on daw tayo. Yung iba naniniwala pero hindi naman totoo yun.
Nung heartbroken ako ikaw yung laging nasa tabi ko. Ikaw yung nasasandalan ko. Ikaw yung nakwekwentuhan ko. Halos wala na nga akong nililihim sayo e. Kapag badtrip ako pinapatawa mo ako. Kapag malungkot ako kinukulit mo ako para ngumiti. Kapag naiinis ako sayo sinusuyo mo ako. Kapag may sakit ako nag aalala ka sa akin. Kapag kailangan ko ng kasama at kausap lagi kang nandiyan.
Noon kahit close tayo di kita namimiss o masyadong naaalala pero isang araw bigla kitang namiss at hinanap. Di ako sanay nung akala ko di na kita makakasama parang nalungkot ako. Nung inaasar ka sa iba para bang tinutusok ang puso ko. Akala ko dahil lang nasanay ako na sa akin ka inaasar pero hindi e. Kasi madalas gusto ko lagi kitang kasama. Gusto ko ikaw ang kausap. Parang kulang ang araw ko kapag di kita nakausap. At tuwing kasama at kausap kita di ko maipaliwanag yung saya ko. Kapag kausap kita di nawawala ang ngiti sa labi ko.
Minsan napapansin ko na lang ang sarili kong nakangiti habang nakatingin sa kawalan. Yun pala naiisip lang kita. Ayoko man aminin pero siguro crush na kita. Crush lang kita, tama Crush lang.. Mawawala din yun agad. Pero hindi pala ganun yun. Yung simpleng crush sayo iba pala.. Dapat pala nung crush pa lang kita lumayo na ako sayo. Dapat pala iniwasan na kita. Dapat pala di na kita kinausap pa. Dapat pala kinalimutan na kita. Kasi ngayon mahal na kita. Di ko alam kung kelan kita minahal pero gusto ko na itigil itong kahibangan. Oo, kahibangan para sa akin ang mahalin ang Boy Best Friend ko. Kasi simula umpisa sigurado wala akong pag asa. Sinabi ko sa sarili ko na ititigil ko ito ng hindi mo napapansin. Pero hidi ko alam kung paano.. Hindi ko alam kung saan magsisimula.
Tinanong ko ang sarili ko kung wag na lang kaya kita kausapin? Pero hindi ko kaya dahil ikaw ang BBF ko. Eh, kung wag na lang kaya kita pansinin? Pero hindi ko kaya dahil ikaw ang BBF ko. Layuan na lang kaya kita? Pero hindi ko kaya dahil ikaw ang BBF ko. Awayin na lang kaya kita? Pero hindi ko kaya dahil ikaw ang BBF ko. Kalimutan na lang kaya kita? Pero hindi ko kaya dahil ikaw ang BBF ko. Saktan na lang kaya kita? Pero hindi ko kaya dahil ikaw ang BBF ko. Lahat hindi ko kakayanin kung ang magiging resulta ay pagkawala mo sa buhay ko.
Minamahal kita hindi dahil kung ikaw si Anthony Padilla Cruz, minamahal kita dahil ikaw ay ikaw ! Ikaw ang Boy Best Friend ko.
Minsan naiisip ko, anu kayang mangyayari kapag nalaman mo ang nararamdaman ko para sayo?
At sa mga naisip ko walang nagtatapos sa walang magbabago at walang mawawala.
I don't want to take RISKS ! Ayokong malaman mo dahil nanatakot akong mailang ka na sa akin. Natatakot akong masiguradong wala talagang pag asa. Natatakot akong marinig mula sayo na may mahal ka ng iba. Natatakot ako na umasa. Natatakot akong masira ang tiwala mo. Natatakot akong magbago ka. Natatakot ako na baka di ko na makayanang harapin ka at kausapin. Natatakot akong mabalewala ang mga pinagsamahan natin. Higit sa lahat natatakot akong mawala ka sa buhay ko. Natatakot akong mawala ang Boy Best Friend ko na nagpatunay na hindi naman talaga lahat ng lalaki sasaktan ako. At kung nasaktan man ako laging may taong tuturuan ako kung paano ulit magmahal.
Oo, sobrang DUWAG ko. Dahil sobrang takot akong mawala ang isa sa mga pinakaimportanteng tao sa buhay. Wala akong lakas ng loob na magtake ng RISKS, ganun ako ka duwag. I hate RISKS ! Kasi lahat kayang kunin ng RISKS sa akin.
Kaya ngayon sapat na sa akin na mahalin ang Boy Best Friend ko ng patago. Sapat na sa akin ang makausap siya at makasama bilang Best Friend niya. Simula umpisa hindi ako umaasa na maging Girl Friend from being a Best Friend.
" May babaeng gini-GIRLFRIEND at may babaeng bini-BESTFRIEND. " At sa palagay ko ako ang babaeng ginagawang BESTFRIEND. Yung bestfriend na laging nandiyan para sayo. Yung bestfriend na handa kang damayan at suportahan. Yung bestfriend na nagmamahal sayo ng walang kapalit. At yung bestfriend na hinding hindi ka iiwan at papahalagahan ka.
That's THE REASONS why I do love my Boy Best Friend and THE REASONS why I don't take risks.
-----------CHAPTER 3 - The Reasons-----------
Next Chapter: Chapter 4 - Junior-Senior Prom
Comments, PLEASE !
Votes, PLEASE !
Be a FAN, PLEASE !
Thanks for reading. :)
Loveyou guyyss. :D
KathNiel <3
BINABASA MO ANG
Love Story With My BBF [ KathNiel ]
FanfictionPaano kung mainlove ka sa Best Friend mo? Pero pakiramdam mo wala kang pag-asa sakanya? Susuko ka ba o itutuloy mo na mahalin siya? Ipagtatapat mo ba o itatago na lang? Ito ay istorya ng isang babaeng nagmamahal sa best friend nya. Siya ay si Cherry...
![Love Story With My BBF [ KathNiel ]](https://img.wattpad.com/cover/4910685-64-k180137.jpg)