Cherry's POV:
Bukas na ang Valentine's Party. Kaya kailangan ko ng makagawa ng letter para kay Anthony. Nagsimula na ako magsulat.
Dear Anthony,
Hi, Sungit. Kamusta ka naman na? Almost one month na tayong di nagpapansinan ah. Nalagpasan na nga yata natin yung 26 days dati. Hmm, gusto ko lang magsorry sayo sa kung ano man ang dahilan ng paglayo mo sa akin. Anthony, alam mo nahihirapan na talaga ako. Parang di ko na kinakaya na wala yung Boy Best Friend ko. Yung best friend ko na laging nasa tabi ko, yung best friend ko na inaalagaan ako, yung best friend ko na pinapahalagahan ako, yung best friend ko na pinagtatanggol ako, yung best friend ko na kakwentuhan ko, yung best friend ko na nagmumukhang boyfriend ko sa kasweetan, yung best friend ko na di napipikon sa mga nang aasar sa amin, yung best friend ko ayaw na nasasaktan ako, yung best friend ko na nasasabihan ko ng problema, yung best friend ko na lagi akong pinagtritripan, yung best friend ko na kaya akong patawanin kapag malungkot, yung best ko na overprotective, yung best friend ko na sobrang haba ng pasensya sa mga kalokohan ko at yung best friend ko na mahal na mahal ko at sobrang halaga sa buhay ko. Siguro may mga di pa ako nasabi about sayo Anthony bilang best friend pero alam kong sobrang swerte ko dahil ikaw ang naging Boy Best Friend ko. Anthony, sana maayos natin lahat at maibalik sa dati. Miss na miss ko na yng Best ko. Miss na miss na kita Anthony Cruz! Please forgive me and be my Best again?
HAPPY VALENTINE'S DAY ! I miss you and I love you Best ! :)
Love,
Cherry <3
Siguro naman okay na ito. Lahat naman ng nandito ay totoo. Sana mapatawad na ako ni Anthony kapag natanggap na niya ito. Itutulog ko na muna ito. Para bukas if ever man na maging okay na kami ay di naman ako mukhang haggard. :)
Francis' POV:
Bukas na ang araw na pinakahinihintay ni Cherry. At inaasahan niya din ang tulong ko sa pagkakaayos nila ni Anthony. Mahal na mahal talaga ni Cherry si Anthony, sana lang mahal din siya ni Anthony. Kakaibang babae si Cherry, isa siya sa mga babaeng nakilala ko na walang katulad.She deserves to be happy lalo na pagdating sa love life. :)
Iniisip ko kung anong sasabihin ko kay Anthony, parang ang awkward kasi dahil sa ex ako ni Cherry. Pero kailangan ko ito gawin para sa Prex ko. Ang kailangan ko lang naman ay sabihin ang totoo kay Anthony at ipaintindi sa kanya ang lahat ng dapat niyang maintindihan. At magsosorry din ako dahil ako ang dahilan ng pag aaway nila kaya sila nagkalayo. Hayy, bahala na bukas. Lord, please gabayan niyo po ako. :)
Anthony's POV:
Bukas ay Valentine's Day na. Kailangan daw may susulatan na isa hindi pwedeng same gender kailangan opposite gender. Badtrip! SInong susulatan ko eh magkaaway kami ni Cherry at may Francis Rivero na yata siya? But si Cherry lang naman ang gusto kong sulatan. So, sige na nga. Susulatan ko siya kasi namimiss ko na rin talaga si Cherry.
Dear Cherry,
Hi. Hmm, kamusta ka na? Sorry nga pala Cherry kung di kita pinapansin nitong nakalipas na halos isang buwan. Hinahanap ko lang kasi yung Boy Best Friend mong si Anthony Cruz. Nawala kasi siya eh. Cherry sana patawarin mo yung Boy Best Friend mo kung akala mo iniwan ka niya. Cherry, kung akala mo nawala siya sayo nagkakamali ka kasi kahit malayo ako pinagmamasdan pa rin kita. Alam kong nasaktan kita nung bigla akong lumayo sayo. Cherry, sana ako pa rin ang Best mo? Sana hindi pa huli ang lahat para maibalik ang dating friendship natin. Sorry kung masyado akong naging over acting tungkol sa friendship niyo ni Francis. Cherry, kung di mo na ako mapapatawad maiintindihan ko kasi ako naman ang may kasalanan. Cherry, sobrang importante mo sa akin. Hindi ko gustong mawala ka sa buhay ko. Mahal na mahal ko ang best friend ko. Best sobrang miss na kita kahit nakikita kita araw-araw. Nakakamiss kasi yung ikaw, yung ako tuwing kasama ka at yung tayo nung okay pa ang lahat. Sana mapagbigyan mo pa ng another chance yung friendship natin. Cherry, willing akong magpaliwanag sayo. Magkita tayo sa park na malapit sa bahay niyo bukas, Feb 15-Saturday exactly 11:00am. Hihintayin kita Cherry, sana dumating ka.
BINABASA MO ANG
Love Story With My BBF [ KathNiel ]
Fiksi PenggemarPaano kung mainlove ka sa Best Friend mo? Pero pakiramdam mo wala kang pag-asa sakanya? Susuko ka ba o itutuloy mo na mahalin siya? Ipagtatapat mo ba o itatago na lang? Ito ay istorya ng isang babaeng nagmamahal sa best friend nya. Siya ay si Cherry...
![Love Story With My BBF [ KathNiel ]](https://img.wattpad.com/cover/4910685-64-k180137.jpg)