Chapter 8 - He Realize and She Ask

606 7 1
                                        

Anthony's POV:

( A/N: Play the music at the side.. :) ---> )

Walang pasok dahil rest day daw namin. Kaya naman ang haba ng tulog ko. 1:30pm na nga pala ibigsabihin halos kalahating araw pala akong tulog.. Napanaginipan ko yung nangyari kagabi sa Prom. Hayyst! Bakit ba kasi sobrang bait ni Cherry sa mga ex nya? Amp! Nagising ako sa katok.

Papa: Anthony, gising ka na? ( kumakatok )

Ako: Ah, opo.

Papa: Kumain ka na sa baba.

Ako: Wala po akong gana, Pa.

Papa: Sige. Iwan na lang namin yung pagkain sa baba. Kumain ka na lang kapag gusto mo. Aalis muna kami ng Mama mo. Ikaw muna bahala dito sa bahay.

Ako: Sige po. Ingat po kayo.

Hayy, gutom ako pero wala naman akong gana kumain.

Binuksan ko yung computer para magFB muna. Baka may nagupload na ng pictures. Nakita ko sa notifications ko may mga pictures na nga na naka-tag sa akin. Ang dami naming pictures ni Cherry galing kay Shaira. Nakakatawa naman yung mukha namin ngiting wagas lang? Hahaha.

( A/N: Anthony, alam mo nakakahalata na ako sayo. Parang kinikilig ka ! Ayiie.. Hahaha. )

So, what Ms. Author. Natutuwa ako eh. Masama? :)

Pumunta naman ako sa newsfeed bigla kong nakita yung picture ni Cherry at Francis. Okay na yung araw ko e. Di na ako inis at nawala na sa isip ko yung napanood ko kagabi tas ito na naman. Di ba pwedeng i-hide yung mga walang kwentang pictures? Bakit ba kasi si Francis Rivero pa yung minahal mo Cherry? Ano bang meron yang manlolokong yan na nagpapasaya sayo? Bwisit! Di pa ba pwedeng best friend mo na lang ang magpasaya sayo? Wag na siya!

Nagri-ring yung cellphone ko. Si Sam tumatawag.

Ako: Hello?

Sam: Uy, pre. Pwede ka gumala? Wala kasing magawa dito sa bahay e.

Ako: Di pwede. Walang tao dito sa bahay. Kung gusto mo punta na lang kayo dito ng tropa. May itatanong din ako sainyo.

Sam: Sige. Tungkol saan naman yung itatanong mo?

Ako: Basta mamaya na. Bye.

Tama, baka sila alam nila kung bakit ako nagkakaganito kay Cherry.

-3:00pm-

May sumisigaw sa labas ng bahay namin. At sigurado akong si Chris yun. At bago pa magalit ang mga kapitbahay binuksan ko na ang pinto para papasukin sila.

Kean: Pre !

Ako: Tara, pasok kayong tatlo.

Sam: Uyy, pre anong problema mo? Bakit ganyan ang mukha mo?

Chris: At anong nakain mo kaya mo kami pinapunta dito?

Ako: Gutom kayo?

Kean: Hindi. Kakatapos lang namin kumain e.

Ako: Tara dun tayo sa kwarto ko. Baka kasi biglang dumating yung mga magulang ko.

Sila: Sige.

Pagkapasok namin sa kwarto umupo sina Chris at Kean sa kama ko. Si Sam naman umupo dun sa computer chair.

Sam: So, anong ng problema mo Anthony?

Ako: Ah.. Eh.. Uhm..

Chris: Never naman nagsabi si Anthony kapag may problema siya eh.

Love Story With My BBF [ KathNiel ]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon