Chapter 11 - That Should Be Me

546 5 0
                                        

Anthony's POV:

( A/N: Play the music at the side. :) ----> )

Dalawang linggo ko na rin iniiwasan si Cherry. Dalawang linggo ko na ring sinasaktan ang sarili ko. Dalawang linggo ko ng pilit kinakalimutan ang pagmamahal ko sa kanya. Sa loob ng dalawang linggo nakikita ko kung paano napapalayo sa akin ang best friend ko. Madalas ko na rin nakikita si Cherry na kasabay ni Francis pumasok at umuwi. Lahat na yata ng mga dati namin ginagawa ay ginagawa nilang dalawa ni Francis. Gusto kong tanungin si Cherry kung sila na ba? Bakit ba kasi ang sweet nila masyado? Hanggang kailan ko ba ito kakayanin? Kung hindi ko iniwan si Cherry ehdi sana ako ang lagi niyang kasama. Kaya wala talaga akong karapatan sa kahit anong nararamdaman ko ngayon.

-FLASHBACK-

-UWIAN-

May class meeting kami ngayon at biglaan nga lang. Nagsasalita ang class president namin about sa incoming Valentine's Party. Ganito kasi sa amin lahat ng holidays sini-celebrate kapag may pasok. Pero kapag may pasok naman gagawing whole day advisory class. Next next week pa ang Valentine's Day pero gusto nila planado na para siguradong maging maayos daw. At ang suggestion ng class president gagawa kami ng letter of confession for the one we like or love in school or room. Nagpapasuggest ang class president kung anu pa ang pwedeng gawin sa Valentine's Party nang biglang may kumatok. Napatingin ang lahat sa pintuan.

Francis: Uhm. Excuse me, pwede po ba kay Cherry Alonzo?

Rico: Cherry..

Tumayo naman si Cherry.

Cherry: Excuse me lang po.

At pinuntahan na agad si Francis sa labas. Pagkasarado ng pinto at pagkalabas ng ni Cherry sa room. May mga narinig akong bulungan ng mga kaklase namin.

Girl 1: Kelan pa kaya sila nagkabalikan?

Girl 2: Kawawa naman si Anthony.

Girl 3: Kaya nga eh. Akala ko pa naman si Anthony na ang gusto ni Cherry. Francis pa rin pala.

Girl 4: Alam niyo nakita ko nga sina Cherry at Francis na magkasaayaw nung Prom eh. Siguro nung Prom sila nagkabalikan.

Girl 5: Pero di ba sweet pa naman sina Cherry at Anthony nun?

Girl 6: Oo. Pero di niyo ba napansin na hindi na sila nagpapansinan ngayon?

Girl 7: Siguro dahil nga nagkabalikan na sina Cherry at Francis. Heartbroken na si Anthony ngayon kaya tahimik na ulit.

Girl 8: Pero sayang talaga sila ni Anthony. May pabest friend-best friend pa kasi silang nalalaman dati.

Girl 9: Saklap makita na yung dati mong ginagawa para sa kanya ay may iba ng gumagawa.

Humarap ako sa mga nagbubulungan ko dahil sa sobrang inis ko.

Ako: Alam niyo may mga bagay na hindi dapat pinag uusapan lalo na kung hindi niyo alam ang buong katotohanan.

Tumalikod na rin ako after ko silang pagsabihan.

Girl 1: Kayo kasi e. Alam niyo naman kasing nasa malapit lang siya e.

Girl 2, 3, 4, 5, 6, 7,8, at 9 :Totoo lang na----

Di na natapos yung sasabihin nung isa nung biglang bumukas yung pinto at pumasok si Cherry.

Cherry: Sorry Sir.

Love Story With My BBF [ KathNiel ]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon