Anthony's POV:
-FASTFORWARD-
-LUNCH-
Monday na ngayon at today is the day to start! Maaga akong pumasok kanina kahit wala na kaming gagawin. Ang dahilan lang naman ay dahil may kailangan akong gawing importanteng bagay.
To: Francis
Francis, favor naman ilayo mo naman si Cherry kina Louisa at Shaira kahit 1 oras lang. Kailangan ko kasi silang kausapin eh. Salamat.
From: Francis
Sige. Ako na bahala kay Cherry. Yayayain ko na lang muna siya sa canteen.
To: Francis
Sige. Maraming salamat! :)
After 15 minutes nakita ko sina Shaira at Louisa pabalik dito sa room namin. Inabangan namin sila nila Seth sa may pintuan.
Ako: Louisa ! Shaira !
Kean: Kanina pa namin kayo hinihintay.
Louisa at Shaira: Bakit naman?
Sam: Baka gusto niyo pag-usapan sa loob?
Chris: Oo nga. Nakakangawit kaya sa tumayo. Mangangayayata ako nito eh.
Pumasok na kami sa classroom tapos pumwesto kami sa bandang likod malayo sa mga kaklase namin. Wala kasing nagbabantay sa amin dahil wala namang gagawin at yung mga teachers naman nagcocompute na ng mga grades.
Louisa: Ano bang kailangan niyo?
Kean: Si Cherry nasaan?
Shaira: Kasama ni Francis. May pag uusapan lang daw.
Ako: Good. :)
Louisa: Taray, di nagseselos?
Ako: Alam naman ni Francis eh. Hahaha.
Shaira: Kaya naman pala. Hehehe.
Chris: So, ano na Anthony?
Sam: Louisa at Shaira may itatanong kasi kami sainyo?
Louisa at Shaira: Ano yun?
Kami nina Chris: PWEDE BA?
Julia at Shaira: PWEDE BA na ano?
Kean: Anthony, ikaw na ang magsabi.
Ako: Uhm.. Pwede bang magpatulong sa surprise ko kay Cherry?
Louisa: SURPRISE for Cherry? OMG! Binata na si Anthony !
Shaira: Pero hindi kaya siya magtaka kung bakit nagsurprise ang best friend niya sa kanya?
Ako: Hindi yan. Please?
Sam: Uy, minsan lang makiusap si Anthony oh..
Louisa: Mangonsensya ba naman Sam?
Chris: Syempre. Para naman sa kaibigan niyo eh.
Shaira: Isa ka pa! Pwede pag-isipan?
Kean: Grabe para naman tayong hindi magkakabarkada. Tsk.
Ako: PWEDE BA? PLEASE?
Louisa at Shaira: Sige na nga.
Chris: Surprise ito ha? Intyendes?
Louisal: Ay, baklush? Hahaha.
Shaira: Oo naman.
Ako: Louisa, ikaw?
Louisa: Sige na nga. Make sure mapapasaya si Cherry ha?
Kean: So, ano na ang plano?
Magsasalita na sana ako ng biglang may sumigaw.
Cherry: UYY! Ano yan? Bakit di ako kasali diyan?
Ako: Ah--eh. Wala naman Cherry.
Silang lahat maliban sa amin ni Cherry: HAHAHAHAHAHA!
Cherry: Daya niyo naman. Tsk.
Sam: Nagkwekwentuhan lang kami Che-Che Bureche! HAHA!
Cherry: Kuya Sam, wag mo nga akong tawaging Che-Che Bureche. Pambata masyado yun eh!
Sam: Cute naman ang Che-Che Bureche ah.
Cherry: Che!
Nagtatawanan kami tapos biglang sumigaw sa loob ng room si Rico.
Rico: III-RIZAL, pinapasabi ni Mr,Quevas pwede na tayo umuwi. Yun daw kasi ang utos ng principal kaysa daw palakad-lakad sa labas.
Nagsigawan naman yung mga kaklase namin.
Rico: At tsaka pwede na rin daw umabsent yung mga wala ng problema.
Tapos nag-unahan na lumabas yung mga kaklase namin. Yung iba gagala daw muna.
Ako: Tara na. Uwi na tayo.
Chris: Pre, gagala kami ng tropa kasama si Francis. Hindi ka ba sasama?
Cherry: Uhm.. Kami uuwi na. Tara na Louisa at Shaira. Bye guys.
Ako: Pass muna ako mga tol. May importante pa akong gagawin sa bahay eh.
Tumakbo naman na ako para makasabay kina Cherry. At dahil mabilis akong tumakbo naabutan ko sila.
Cherry: Best, kabayo lang?
Ako: Grabe porket mabilis tumakbo kabayo na agad?
Louisa: Ayaw mo ng kabayo Anthony? Ehdi kuneho na lang.
Ako: Sa tangkad kong ito kuneho?
Shaira: Ayaw mo ng kabayo pero ayaw mo din ng kuneho. Ehdi kanggaroo ka nalang Anthony!
Ako: Bakit mapang-asar kayo kapag magkakasama?
Cherry: Di naman Best. Nilalambing ka lang. Hahaha.
Louisa: Shengeneng yan Cherry Alonzo! Huwag mo kami idamay sa lambing kay Anthony. Di namin siya type.
Shaira:Tsaka di ka namin balak agawan. Sayong-sayo na yan! Lambingin mo mag-isa. Hahaha.
Cherry: Mga timang! Inaaway niyo na naman kami ng Best ko.
Ako: Alam niyo umuwi na tayo.
Sumunod naman sila sa akin. Pagkauwi ko ng bahay nagluto na ako ng pagkain ko. Sabi ko kasi kay Mama mauuna na akong kumain kaya ayun. After ko kumain umakyat na ako sa kwarto ko.
Syempre kailangan ko na mag-isip kung ano ang mga PWEDE BA na gawin para sa surprise ko kay Cherry. Sandaling panahon na lang ang meron ako para mag-isip ng mga bagay na magugustuhan ni Cherry. May mga bagay na sinuggest sa akin si Francis kahapon through text.
-FLASHBACK-
From: Francis
Anthony, may naisip ako para sa surprise mo kay Cherry. :)
To: Francis
Ano yun tol?
From: Francis
Marunong ka naman kumanta di ba?
To: Francis
Oo.
From: Francis
Ang last part ng surprise mo ay kakantahan mo si Cherry bago ka magtapat. Gabi natin gagawin yung surprise. Tapos alam mo namang mahilig si Cherry sa matatamis especially chocolates. Naisip ko lang naman kung bigyan mo siya ng favorite chocolates niya pero may nakasulat na YES tapos dun sa isang chocolate may nakasulat na NO. Pero kailangan kainin niya yung hindi niya sagot sayo.
To: Francis
DI ko pa naman siya tatanungin kung pwede nang maging kami. Ang tanong ko pa lang ay kung pwede manligaw. Hahaha.
From: Francis
Hindi komportable si Cherry kapag pinagkakagastusan siya pero gusto niya pinag-eeffortan siya.
To: Francis
Sige. Salamat tol. :)
From: Francis
Wala yun! :)
-END OF FLASHBACK-
-----------CHAPTER 15 - PWEDE BA is DONE-----------
( A/N: Baka maiikli muna ang update. May pinaghahandaan akong chapter ng story na ito eh. Hahaha. :) )
Please Comment or Vote. :)
Maapreciate ko po lalo yung mga hindi silent readers. Hahaha. :)
Please be my Fan also. Thank you. :D
KathNiel <3
BINABASA MO ANG
Love Story With My BBF [ KathNiel ]
FanfictionPaano kung mainlove ka sa Best Friend mo? Pero pakiramdam mo wala kang pag-asa sakanya? Susuko ka ba o itutuloy mo na mahalin siya? Ipagtatapat mo ba o itatago na lang? Ito ay istorya ng isang babaeng nagmamahal sa best friend nya. Siya ay si Cherry...
![Love Story With My BBF [ KathNiel ]](https://img.wattpad.com/cover/4910685-64-k180137.jpg)