Chapter 10 - The Bridge

596 8 0
                                        

Francis's POV:

Hi, I'm Francis Rivero. 16 years old. 3rd year high school in the same school. May pagka-playboy, makulit, tahimik, may konting pagka-bad boy, palakaibigan, pero matino naman kahit paano. Hahaha.

Alam niyo si Cherry ang pang-9 na girlfriend ko. Pero pangatlo sa sineryoso ko. Nagtataka siguro kayo kung bakit ko siya niloko kung sineryoso ko talaga siya di ba? Di ko nga din alam sa sarili ko eh. Sigurado akong mahal na mahal ko siya noon kasi sa kanya lang ako nagbago. Kahit may mga lumalandi sa akin di ko naisipang magtimer at pinakilala ko rin siya sa pamilya ko.

Alam kong minahal ako ni Cherry ng sobra sobra. Yung tipong kahit ayaw sa akin ng pamilya niya pinaglalaban pa rin niya ako. And para malaman niyong lahat, wala akong girlfriend na nagtagal ng 2 months. Si Cherry lang talaga ang naiba kasi nakamore than a year kami. Di ko alam kung anung meron si Cherry na wala sa lahat ng naging girlfriend ko kasi nung kami pa 1 beses lang kami nag away pero minsan may tampuhan talaga. Akala ko nga siya na hanggang huli eh. Until suddenly naging mahina ako at nambabae. Di kasi kami nagkikita ni Cherry nun sa pagkamiss ko sa kanya naging mahina ako sa babae. Naguluhan ako sa feelings ko di ko inexpect na malalaman ni Cherry. At nung nagkita na kami hinarap niya ako ng may galit sa dibdib, inamin ko na din naman sa kanya.

-FLASHBACK-

Cherry: Francis, Bakit di mo na lang sinabi sa akin agad na may iba ka na?

Ako: Naguguluhan pa kasi ako.

Cherry: Bakit Francis nung nakipag cool off ka ng di sinasabi ang reason, sa tingin mo ba sa mga panahong lumilipas di ako naguguluhan!

Ako: Ayaw kasi kitang masaktan Cherry!

Cherry:Kung ayaw mo akong saktan sana hindi mo yun ginawa o kaya para hindi ganito kasakit sana una pa lang hiniwalayan mo na ako at hindi cool-off!

Ako: Di nga kita kayang makitang nasasaktan kaya di kita mahiwalayan.

Cherry: Kaya ba pinagmukha mo pa akong tanga? Ang gusto mo ako humiwalay sayo para hindi ka masisisi? Francis, ang sama mo! Alam mong mahal na mahal kita kaya ako nagpakatanga sayo! Akala ko nagbago ka na! Wala kang kwentang tao! Manloloko ka!

Ako: Alam ko yun Cherry! Wala akong kwenta, manloloko ako, g*go ako, tarant*do ako, masama ako at lahat na! Di ko naman ginusto ito eh!

Cherry: Francis, ayoko ng magpakatanga sayo. Pagod na ako. Kung ito ang gusto mo, Sige BREAK na tayo! Dun ka na sa babae mo, tutal hindi ka naman talaga maghahanap ng iba kung mahal mo talaga ako di ba? Pero tandaan mo ito Francis Rivero, sana may malaman mo kung gaano kasakit itong ginawa mo sa akin. Sana may babaeng dumating na magpaparanas sayo ng pinaramdam mo sa akin. Goodbye!

-END OF FLASHBACK-

Ganun nag-end ang relasyon namin ni Cherry. Hindi ako nakapagsorry sa kanya kahit kailan. Wala kasi akong lakas ng loob na kausapin siya o i-text. Pero di sumala nung nagbreak kami ni Cherry di nawala sa isip ko yung sinabi niyang "Pero tandaan mo ito Francis Rivero, sana may malaman mo kung gaano kasakit itong ginawa mo sa akin. Sana may babaeng dumating na magpaparanas sayo ng pinaramdam mo sa akin.". Nagkaroon na kami ng official relationship nung babaeng naging dahilan ng break-up namin ni Cherry at siya rin ang babaeng tumupad ng hiniling ni Cherry nung araw na naghiwalay kami.

For the 1st time niloko ako, pinagpalit, pinagmukhang tanga at iniwang ng nasasaktan. Minahal ko din talaga yung babae pero if someone will ask me kung sino ang mas minahal ko. Gladly ang isasagot ko ay si Cherry. Sayang narealize ko lang na mas matimbang sa akin si Cherry kung kailan wala na siya kaya nga tinuloy ko ang panliligaw dun sa babae kaso nga ayun di man lang nagtagal ng 2 months.

Love Story With My BBF [ KathNiel ]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon