Epilogue: Chapter 26 - Nasa Iyo Na Ang Lahat <3

660 15 0
                                    

Cherry's POV:

Ito pala ang importanteng inaasikaso niya.. Ito yung dahilan kung bakit di niya ako nabibisita.. Ang importante pala ay ang surprise niya sa akin.. Aaminin ko, masaya ako dahil sa kanya pero bakit ako nagkakaganito ng tinanong na niya ako?

Ito na yung hinihintay ko di ba? Yung tanungin niya ako pero bakit ganun di ko masabi na "OO"?

Parang may pumipigil sa akin.

Ang daming gumugulo sa isip ko..

Handa na ba talaga ako para maging kami?

SIgurado na ba ako sa kanya?

Hindi niya kaya ako sasaktan?

Paano kung maghiwalay kami?

Magiging bestfriends pa rin kaya kami?

Kapag naging kami kaya hindi siya magbabago sa akin?

Hindi ko alam ang lahat ng sagot pero ang alam ko lang ngayon ay

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

MAHAL NA MAHAL KO SIYA! Yun lang ang mahalaga para sa akin ngayon. Dahil dun lang ako sigurado.. Si Anthony Cruz na Boy Best Friend ko, ang taong pinakamamahal ko, ang taong laging nasa tabi ko, ang lalaking pinapangarap ko, ang lalaking walang kaparehas at ang lalaking nagsasabi na mahal na mahal niya ako..

Ako: Anthony: ... -ako

Anthony: Cherry, I know more than 2 months pa lang akong nanliligaw sayo pero I don't know kung bakit ko naisipan ito. Pero di ba nga sabi ko sayo dati handa akong maghintay kahit gaano katagal hanggang sa ibigay mo ang matamis mong "oo", wala pa rin nagbabago dun. Handa pa rin akong maghintay sayo, Mahal kita kaya handa kong gawin lahat para sayo..

Ako: Anthony, uhm...

Di ko na talaga kayang pigilan ang luha ko.. Kusa siyang tumutulo eh..

Anthony: Cherry, okay lang sa akin kahit hindi pa ngayon. Wag ka ng umiyak, Please. Kakasabi ko lang na nasasaktan ako kapag umiiyak ka di ba?

Ako: So-s-sorry A-An-Anthony..

Anthony: Okay lang nga Cherry.. Naiintindihan ko naman e.

Ngumiti siya sa akin at pinunasan niya ang luha ko.. Kaya naman ngumiti din ako pabalik sa kanya..

Anthony: Salamat naman at ngumiti ka na ulit Cherry..

Ako: Anthony..

Anthony: Okay na Cherry.. Tama na..

Ako: No Anthony! Pagsalitain mo ako..

Anthony: Sige..

Love Story With My BBF [ KathNiel ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon