Chapter 6 - The Truth and The Questions Behind my Actions :(

683 9 0
                                    

( A/N: Hi readers! Dito po natin malalaman kung ano ang mga nasa isip ni Anthony Cruz. )

Anthony's POV:

Kakauwi ko lang. 6pm na pala. Di ko napansin ang layo ng nilakad ko. Oo, naglakad ako simula kina Kath pauwi. Actually may daan din naman kasi dun sa kanila. Mas malayo nga lang. 1st time ko siyang ihatid ng hindi dahil sa school works. Madalas kasi kapag magkasama at ginagabi kami sa projects ay sa akin siya sumasabay. At dahil nag aalala ako na baka may mangyari sa kanya sa daan at babae siya hinahatid ko na lang siya. Maraming beses na rin akong nakabisita sa bahay nila kasi nagpapasundo din siya sa akin kapag may group project kami. Kaya kilala na ako ng family niya. Hindi naman na ako naiilang masyado sa bahay nila kasi mababait naman ang mga tao dun. Pero si Cherry 3 beses pa lang siya nakakapunta sa amin at mga magulang ko pa lang ang nakilala niya athough alam niya yung mga pangalan ng dalawa kong kapatid. Hindi tipo ni Cherry ang tumatambay sa ibang bahay. Mas gusto pa niya na nasa bahay lang at siya ang binibisita. Yun na daw kasi ang kinasanayan niya.

( A/N: Anthony, bakit puro Cherry ka ngayon? HAHAHAHA ! Amin amin din pag may time. (^_^)V PEACE ! :D )

Pinaalala mo pa Ms.Author! Pero kahit ako di ko alam ang sagot.

Pagod na talaga ako. Kaya papasok na lang ako sa kwarto ko. (-_-)

-Anthony's Room-

( A/N: Play niyo po yung music sa side.. -----> SAPUL si Anthony diyan e. :) )

Nakakainis naman si Cherry! Pero mas naiinis ako sa sarili ko ngayon. Sobrang over acting ko talaga buong araw bilang best friend. Nawala ako sa sarili ko dahil lang hinimatay siya. Nung nakita ko siya niyakap ko siya sa harap ng maraming tao. At kanina sobrang takot akong mapaano na naman siya. Badtrip ! Bumabalik na naman yata ang feelings ko kay Cherry Alonzo na bestfriend ko ! >:|

Alam niyo ang gusto kong maging girlfriend ay katulad ng best friend ko. Kaya hangga't wala akong nakikilalang katulad niya maghahanap pa rin ako. Hindi kasi pwede ang best friend ko dahil mas importante sa akin ang pagkakaibigan namin. Tska wala naman akong pag asa kung sakali man. Masaya na ako sa ganito.

Nung una ko siyang nakita nacute-an na ako sa kanya kaso mukhang masungit. Magaling siyang sumayaw kasali siya sa isang dance contest sa school namin dun ko siya nakilala. Nasa backstage ako that time nagreready ako para sa sing intermission number ko habang nanonood sa screen ng mga nagpeperform. After ng sayaw nila bumalik sila ng backstage at yun na ang time na ako naman ang dapat pumunta sa stage. Naalala ko pa nga yung pag-uusap namin e.

-FLASHBACK-

Emcee: Thank you 1-Jasmine for that wonderful performance.

-BACKSTAGE-

May mga naririnig akong nag uusap.

Girl 1: Grabe, buti na lang tapos na tayo.

Girl 2: Obvious bang kabado ako kanina?

Girl 3: Hindi naman.

Girl 4: Girls, sorry ah. May part na nagkamali ako e.

Cherry: Okay lang yun. Atleast lahat tayo ginwa yung best. Pray na lang..

Emcee: And now please welcome from 1-Sunflower to give us a relaxing song, Mr. Anthony Cruz. ( tumayo na ako sa sofa na nasa backstage pagkaharap ko papunta sa stage may nabangga akong babae )

Cherry: Oopps. Sorry.

Ako: Ikaw yung nasa screen kanina di ba?

Cherry: Maybe? Madami kasi kami. Kami yung taga 1-Jasmine.

Love Story With My BBF [ KathNiel ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon