Chapter 9 - Distance

637 8 0
                                    

Shaira's POV:

Time check, 6:00am na pala. Ako pa lang ang gising. Bumangon na ako para makapag ayos na. Pagkatapos gigisingin ko na sila. Tapos na akong maliho, magbihis at magtoothbrush kaya gigisingin ko na si Louisa at Cherry.

Ako: Cherry, Louisa gising na kayo. Malalate tayo kapag di pa kayo bumangon.

Cherry: Anong oras na Shaira?

Ako: 6:45am.

Napabalikwas si Cherry sa kama at tumakbo na sa CR para gawin ang lahat ng dapat niya gawin. Si Louisa naman sobrang hirap gisingin kaya pagakatapos makapag ayos ni Cherry tinulungan niya akong ilaglag sa kama si Louisa. Pero nilagyan naman namin ng unan yung pagbabaksakan ng ulo niya. Hahaha. Nung nasa sahig na siya hinila namin papuntang banyo. At ayun medyo nagigising na. Pagkadating ng banyo binuhusan namin ng tubig kaya napasigaw siya. Hahaha.

Louisa: Ano ba?!

Kami ni Cherry: Maligo ka na! Malalate na tayo!

Louisa: Hindi ba ako pwedeng gisingin sa maayos na paraan?

Cherry: Ginawa na namin lahat ng maayos na paraan pero walang epekto kanina. Bilisan mo na lang pwede?

Louisa: Oo na!

Lumabas na kami ni Cherry ng banyo. Bumaba na kami ni Cherry at nagbreakfast. Nandun na yung mga kuya niya kumakain.

Ako: Kuya Glen, sino pong nagluto?

Kuya Glen: Yun oh.. ( nakaturo kay Kuya Paul )

Ako: Wow naman Kuya Paul. Kahit lalaki ka magaling ka magluto.

Cherry: Siyempre siya yung tumatayong nanay at tatay namin kapag hindi kami maasikaso nila mama at papa.

Kuya Paul: Panganay kasi e. Alangang umasa ako sa mga mas bata sa akin di ba?

Ako: Sabagay.

Kuya Paul: Mark, magliligo na ako. Ikaw na ang bahala sa mga hugasan.

Kuya Mark: Sige.

Dumating na si Louisa. Sa wakas natapos na ang mga ritwal ng babaeng pagong.. Ang bagal kasi niya kumilos kaya ayun ang asar namin sa kanya. Pagong! Hahaha :D

Kuya Glen: Louisa, Kain ka na.

Louisa: Naman. Ako pa ba tatanggi kuya?

Kuya Mark: Hahaha. Kilala ka na nga namin. Di na ikaw yung taong tinatanong sa pagkain. Hahaha.

Cherry: Bilisan mo na pagong para makapasok na tayo.

Yung mukha ni Cherry naging seryoso na naman. Yung parang hindi siya. Si Cherry kasi lagi yang nakatawa at nakangiti. Kaya kapag wala sa mood halata agad.

Kuya Mark: Bunso, nakabusangot na naman yang mukha mo. Ang aga aga ngumiti ka naman.

Kuya Glen: May problema ka ba Cherry?

Louisa: Tapos na ako kumain! Saan nga pala si Kuya Paul?

Ako: Naliligo.

Love Story With My BBF [ KathNiel ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon