2: The Laverista South University

177 16 64
                                    

I'm praying to god na sana hindi maging panget ang unang pasok ko sa school na 'to.

"What are you doing?" Naguguluhan na tanong ni Mom ng makita n'ya ako sa likod ng kotse na kung ano-ano ang ginagawa.

"I'm cursing you both!" Ani ko rito kaya naman natawa sila. Buti na lang talaga at may humor ang mga ito dahil kung wala baka nakaltukan na ako.

"Hoping na tumalab," Natatawa na sabi ni Mom. "Nga pala bumababa ka na d'yan at nandito na tayo, ipagpatuloy mo na lang yan sa school dahil mag la-labing-labing pa kami ng Dexter ko." Ani nito bago dumila sa akin kaya naman sinaway s'ya ni Dad.

"Go, Fighting!" Ani ni Mama bago pinaharurot ni Papa ang kotse dahil sa kung ano-ano na ang ginagawa nito.

Isang malakas na buntong hininga muna ang pinakawalan ko bago ko tingnan ang Laverista University, it's super big. I never thought na makakatapak ako sa school na 'to. Wala na akong sinayang na oras at pumunta na sa gate at tinap ang I.D ko.

Nang makapasok ako ay gulat na gulat ako sa nakita ko, para akong nasa mall dahil sa gilid ay punong puno ng tindahan not just a tindahan but they are known products katulad na lang ng Vista Gadget Company ang pinaka mahal na gadget sa buong mundo dahil sa sobrang hightech nito, may mga fashion designer bag din and clothes na hindi ko akalain na makikita ko sa loob ng school.

Hindi ko na lang muna pinansin ang mga iyon at naglakad-lakad, buti na lang at sinabi sa akin ni Mommy na agahan ko upang makapag libot-libot ako dahil kung hindi ay sure ako na hindi ako papasok para lang tumingin nang tumingin sa lugar sa loob ng school.

"Hello," Nagulat ako sa babaeng nagsalita sa likuran ko kaya naman tinignan ko ito at nginitian. "Nahulog mo ata." Dahil sa sinabi nito ay kinuha ko ang inabot niya sa akin, laking gulat ko na iyon ang susi sa dorm ko na ibinigay sa akin kani-kanina lang ni Dad sa kotse.

"T-Thank you." I said habang nakatingin pa rin sa susi na ibinigay n'ya sa akin.

"No, thank you! I never thought na makikilala ko agad ang new room mate ko," Nanlaki ang mata ko sa sinabi n'ya kaya naman pinakita n'ya sa akin ang susi n'ya at oo nga ka-room mate ko s'ya.

"By the way, I'm Ruelleanna and you?" Sabi nito at inabot sa akin ang kamay.

"I'm Journey." Nahihiya kong sabi.

"Wow, bakit journey name mo? Journey lang wala ng iba like shane, mae, lyn mga ganon basta Journey lang?" Bibong tanong nito kaya naman tumango ako sa sinabi nito.

"Yes, Journey lang." I said.

"Your hair is so red! Ang ganda buti pinayagan ka na magpakulay kahit na bawal." Natatawang ani nito kaya napahawak ako sa buhok.

"This is my natural hair color" Kita ko sa mukha nito ang pagkagulat dahil sa sinabi ko.

My natural hair color is red that makes me an attention grabber. Naging isa rin ito sa insecurity ko bago ko in-accept na isa ito sa bumubuo ng pagkatao ko, people intend to make fun of it because it's different from others at dahil din dito ay kailangan kong dumaan sa trauma dahil sa malalang pangbu-bully naranasan ko.

"Pretty ng hair mo! My Dad never let me color my hair, sana may ganiyan ding genes parents ko!" Ani nito na ikinatawa ko dahil sa pag pa-pout n'ya.

"By the way, ilang taon ka na here or new ka lang din like me?"Tanong nito sa akin. Wala pang isang oras naka gawa na agad ako ng kaibigan, lucky!

"New lang."

"Oh, same pala us!" Natatawa n'yang sabi.

Nagkwentuhan lang kami hanggang sa nalaman namin na same kami ng strand na kinuha pati na rin ang section kaya tuwang-tuwa ako na may kasama at may kaibigan na agad ako sa room.

"What family ka pala? They say mayaman lang nakakapasok dito kaya naman pumasok ako, I'm from Torres family." I'm shocked to learn na sa Torres s'ya, isa kasi yun sa mga kilalang last name dahil sila ang gumagawa ng process food.

"You're from a meat processing company?" Tanong ko kaya naman tumango ito.

"Yes!" Bibong sagot nito.

"Uhm... I don't know how to say this, but we are not really known, may kaya lang kami." Sabi ko rito na ikinakunot n'ya.

"Yeah, but you're here, so that means you must be rich. What is your last name?"

"Madison." Kita ko sa mukha niyo ang pag kunot n'ya ng noo kaya naman napabuntong hininga na lang ako buti at malapit-lapit na kami sa room kaya naman hinila ko na lang s'ya papasok.

"Hello, my name is Journey Madison." Pakilala ko sa sarili ko dahil unang pasok ito ay inutusan kami na magpakilala isa-isa.

"Hello, guys!" Malakas na ani ni Ruelleanna. " I'm Ruelleanna Torres, the cutest girl. Nice to meet you!" Nag flying kiss pa ito na ikinatawa ng mga kaklase namin.

"What a good start, Ms. Torres. By the way I'm M-" Hindi natapos ni Ma'am ang pagpapakilala dahil sa katok na narinig namin sa pintuan.

Pumasok dito ang lalaking bagot na bagot at para lang pinilit na pumasok sa school. Gulo-gulo rin ang buhok nito na para bang hindi s'ya nag ready na pumasok.

"Alam n'ya bang well known 'tong school na 'to at ganyan s'ya pumasok?" Tanong ng iba sa kaklase ko narinig na rinig ang bulungan.

"Baduy ng suotan, ah" Rinig kong sabi ng lalaki sa likod ko. Hindi naman ganun ka baduy ang suot nito pero hindi ito naka uniform.

"Who are you, Mr. At bakit ngayon ka lang pumasok you're late." Tanong ng Guro namin sa harap ngunit tinignan lang s'ya nito at umupo malapit sa akin kung saan iyon na lang ang natitirang bakante.

"If you're not going to tell me who you are you, mapipilitan akong palabasin ka rito dahil baka mamaya ay hindi ka naman pala kasali sa student ko." Ani ni Ma'am pero ang lalaki ay nanatiling hindi umimik hanggang sa tumayo ito at pumunta sa harap.

"I'm Vier Ryu Laverista. Grade 12 section Planet 9." Lahat ng tao na nakarinig sa sinabi n'ya ay nabigla, sino ba namang hindi ang apelyido n'ya ay Laverista that's what makes him from the son's owner of the Laverista's School.

Ang kaninang bulungan ay mas tumindi pa lalo nang sabihin nito ang pangalan n'ya.

"Naalala ko may anak ang mga Laverista!"

"Fuck, may anak ang mga Laverista?"

"Oh, now he looks cute in my eyes!"

"Shit! Kaklase ko ang anak ng mga Laverista?!"

"The voice!"

"That's why he made a grand entrance."

"Whoo, scary!"

Ilan lang yan sa mga narinig kong bulong-bulongan ngunit mukhang wala namang pake ang anak ng Laverista sa mga pinagsasabi nila. Nawala ang pokus ko sa anak ng Laverista ng kinalabit ako ni Ruelleanna.

"Crush mo?" Tanong nito saka tumawa kaya naman inirapan ko s'ya.

"Okay, I'm so sorry for that Mr. Laverista but please have some respect you can't just go in without saying anything. I'm still your Teacher." Ani ng Guro namin ng mawala ang pagka-shock sa mukha nito.

"Enough," Dahil sa sinabi na iyon ng Teacher namin ay tumigil na sila sa pag bubulungan.

"I'm your Teacher Lucy Diaz, you can call me Ma'am or Ms. Diaz from now on."

The Unknown DetectivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon